Chapter 45

75.5K 1.3K 229
                                    

Chapter 45

"YOU sure you don't want to go with me, Aki?" tanong ko sa kanya pero tinalikuran niya lang ako.

It's Saturday and the day of my book signing event at Trinoma mall, and I wanted him to be there pero mukhang galit pa rin siya sa akin. After ng nangyari noong nakaraang araw with Ricci ay hindi na ako kinakausap ni Aki.

He was disappointed. He kept on talking about a guy that he idolizes so much 'tapos malalaman niya na iyon pala ang tatay niya at hindi ko man lang sinabi sa kanya.

"Still mad at me?" tanong ko muli sa kanya. Umiling siya sa akin kahit nakatalikod siya.

"Do you want him back, Mom?" tanong niya. Nginitian ko siya nang malungkot nang humarap siya sa akin. "I always saw you crying every night before we sleep, Mom, and I know that it's because you're still hurting so much because of my father. Do you still love him after that?"

Hinawi ko ang buhok niya. Pinahaba ko talaga ang buhok niya na dahilan para akalain ng iba na babae siya, dahil ayokong maging kamukhang-kamukha niya si Ricci. Every time kasi na tumitingin ako sa kanya ay hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Masaya na malungkot, I felt blessed and in pain at the same time. 'Lagi kong iniisip kung kaya ko ba siyang palakihin kahit wala siyang tatay. Tama siya, palagi nga akong umiiyak at hindi ko akalain na napapansin niya iyon.

I suffered from postpartum depression and thankfully I survived from it. Salamat din sa mga magulang ko na laging nakasuporta sa akin.

"What if I still do?" sagot ko sa kanya.

For five years, after niyang magkaroon ng isip at maintindihan lahat ng nangyayari sa mundo, Aki kept on telling me that I should marry Juan. That he wanted his Tito Juan for me para maging happy na ako, but Juan and I knew that it's impossible. Juan and I became best of friends and walang malisya iyon. Hindi ko talaga alam kung paano nasasabi ng iba na imposibleng magkaroon ka ng best friend na opposite sex at walang attachment pero kami ni Juan ay naging ganoon ang relasyon.

We drink coffee together and talk about everything. He also reminds me that my life would have been perfect with Ricci if Raven didn't enter in the picture. He's like the president of our fan club up until now. He even managed to betray me just to introduce Ricci to Aki, bagay na naintindihan ko kalaunan. Kaibigan pa rin naman kasi niya si Ricci.

"Well, if you still love him, who am I to disagree?" aniya. Nginitian ko siya.

"You're my son, my miracle, the love of my life," sagot ko sa kanya because he really is. He changed my perspective in life.

Dahil sa kanya, kahit hirap na hirap na ako ay pinipilit kong kayanin lahat, because at the end of the day hindi ako nag-iisa dahil alam kong mayroon akong anak na mahal na mahal ko. Sinabi ko na nga sa sarili ko na kahit hindi na ako makasal o makahanap ng ibang lalaki, at least alam ko na mayroong isang lalaki na magmamahal sa akin habambuhay, at sigurado ako na si Aki iyon.

"I wish he won't hurt you again, Mom," saad niya.

"But you should be hard to get," dugtong niya pa kaya tinawanan ko lang siya. Tulad ng desisyon niya kanina ay hindi pa rin siya sumama sa event ko dahil boring daw kaya inihatid ko na lang siya kay Juan.

"Goodluck, author!" pag-cheer ni Juan sa akin habang kinukuha niya si Aki sa tabi ko. Wala akong sariling kotse dahil hindi naman ako marunong mag-drive kaya naka-taxi lang ako.

"Thanks," sagot ko naman sa kanya, pagkatapos ay kinindatan niya ako kaya inirapan ko naman siya.

***

ALMOST one hour din ang biyahe from Mandaluyong to Trinoma dahil sa heavy traffic. Namangha ako nang makarating ako sa bookstore kung saan gaganapin ang book signing ko dahil marami nang nakapila na hawak-hawak ang libro ko. Hindi ako makapaniwala na may magbabasa at magkakagusto ng libro ko—ang libro ko na tila naging diary ng mga sakit na naramdaman ko nang iwan ako ng taong mahal ko.

"Hi, Ms. Zivawn. I'm a fan. Sobrang inspiring po ng book ninyo. Ang dami kong iyak," sabi ng isang babae na lumapit sa akin at iniabot sa akin ang copy niya ng libro ko. Pinirmahan ko naman iyon saka nagpasalamat sa kanya.

Ang saya-saya ko. Para akong nakalutang sa cloud nine habang naririnig ko kung gaano sila nagandahan at na-inspire sa isinulat ko.

"Hi, ano'ng name mo?" tanong ko sa huling lalaki na nag-abot sa akin ng libro. Hindi ko nakita ang itsura niya dahil deretso ko nang pinipirmahan ang libro niya, pero napahinto ako nang bigla siyang nagsalita.

"Ricci, miss," sagot niya at walang-ano-ano'y biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang dahan-dahan ko siyang tiningnan. He's wearing a baseball cap and he's holding a bouquet of flowers sa isa niyang kamay.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ko at kitang-kita ko na halos lahat ng mga tao roon ay nakatingin sa aming dalawa, nagtataka at nagbubulungan kung ano ang nangyayari.

"I'm a fan," sabi pa niya saka iniabot sa akin ang bulaklak na hawak niya. "Why are you here?" sambit ko at tumayo ako mula sa kinauupuan ko.

"Hala! Si Ricci ba iyong guy?" dinig kong bulong ng isang babae sa kasama niya.

"Si Ricci yata ang tinutukoy niya rito sa libro," nagtatakang sambit ng kasama niya bago itinuro 'yong nakasulat sa cover page ng libro.

'And I didn't wanna write a book because I didn't want anyone thinking I still care, I don't, but you still hit my mind up,' ang nakasulat doon na inspired sa kantang Love Yourself ni Justin Bieber.

"Actually, I just bought the book earlier today and I just finished reading it that's why I'm late. Mabuti at umabot pa," sabi ni Ricci. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa gilid ng isang mata ko habang tinitingnan ko siya.

Binasa niya—nabasa niya lahat. Nabasa niya lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.

Umihip siya sa hangin at hinawakan ang kamay ko sa harap ng maraming tao.

"I'm such an as*hole for not having balls to choose you before, but I learned a lot now. I wan't you back, Queen. I don't want us to have a tragic ending," he said.

Napapikit ang mga mata ko habang sumisigaw ang ibang tao roon na bigyan ko na raw ng second chance si Ricci, na bumalik na raw kami sa dati. Gayunpaman ay hindi ko sila masagot dahil masakit pa rin. Hindi ko pa rin matanggap na hindi ako ang pinili niya.

Alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin siya pero parang hindi ko kayang kalimutan 'yong mga nangyari, kung paano niya sinabing mas kailangan siya ni Raven at lame 'yong kailangan ko lang siya dahil mahal ko siya, kaya naman binawi ko ang kamay ko na hinawakan niya.

"I'm sorry," sabi ko at kinuha ang mga gamit ko sa table bago tumakbo palabas ng bookstore.

I still love him. I still do, pero gano'n lang ba iyon kadaling kalimutan? Gano'n lang ba kadaling isantabi ang lahat ng nangyari?

"Zivawn, please," sabi niya nang maabutan niya ako sa labas ng mall.

"I don't think I can," saad ko. Napatawad ko na siya no'n pa pero iyong sakit, nandito pa at ayoko nang maulit iyon. Ayoko na dahil natatakot na akong masaktan.

"Do you wish me to die, Zivawn?" tanong niya sa akin. "Do you at one point of your life, don't want to see me anymore?" dugtong niya at hindi ako nagsalita.

Tiningnan ko lang ang mga mata niya na puno ng pagsisisi. Ano ang isasagot ko sa kanya? Because I do. I wanted him gone dahil ganoon kasakit ang ginawa niya sa akin, na hinihiling ko na sana hindi ko na lang siya nakilala, na sana hindi ko na siya makita kahit kailan.

Tumango-tango siya sa sarili niya habang na-re-realize niya kung ano'ng iniisip ko kahit hindi ako sumagot sa mga tanong niya.

"Fine," halos pabulong na sabi niya saka tumalikod sa akin.

Naglakad siya palayo sa akin kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon