Chapter 41

62.2K 1.3K 24
                                    

Chapter 41

"MOM, look! He's the basketball guy I told you I saw on Youtube, right? The Euro step guy!" sambit ni Aki sa tabi ko.

May kung ano siyang itinuturo sa labas ng kotse na sinasakyan namin. Bahagya naman akong napatigil sa pagtingin sa cell phone ko para tingnan kung ano man 'yong itinuturo niya at napahinto ako. Napangiti ako nang malungkot habang tinitingnan ko iyon. Sakto pa na huminto si Manong sa pagda-drive dahil sa traffic kaya naman nagawa kong ipako ang tingin ko sa billboard na iyon.

He hasn't changed a bit. Sabi ko na nga ba't kahit ano'ng mangyari ay mananatili ang pagmamahal niya sa basketball.

It's been five years at alam ko na sikat na sikat na siya. Ang layo- layo na ng narating niya at sobrang proud ako sa kanya.

"Tito Juan said that they usually play at Araneta. Do you think I'll saw that guy there, Mom? Serrano in jersey number 25?" Aki asked me smiling, and I just nodded at him habang nakatingin pa rin ako sa billboard na iyon bago tumingin sa kanya dahil sakto na umandar na ang sasakyan.

They look exactly the same. Mula sa mga mata, ilong, at bibig ay namana lahat nito sa kanya. Wala man lang nakuha sa akin. Hindi lang patas dahil pati ang pagiging interesado nito sa basketball ay halata namang namana rin nito.

"Yehey! I wish I could see him, then we'll take a picture together. My classmates like him too. He's good at dunking kasi," excited na sabi ni Aki.

Sobrang idol niya talaga si Ricci. Tuwing sinasabi niya sa akin kung gaano ito kagaling maglaro ay ginagaya niya ang mga routine na ginagawa nito sa basketball. Natutuwa ako na nalulungkot. Para kasi siyang mini-me version nito, parang si Ricci talaga na pinaliit lang.

Iniisip ko lang kung paano kaya kapag nalaman niya? Magugustuhan niya pa kaya ito? Magagalit ba siya rito? Hindi ko alam. Noon kasing nagkakaisip pa lang siya ay 'lagi siyang nagtatanong sa akin pati na rin sa lolo at lola niya ng tungkol sa tatay niya pero wala akong maisagot sa kanya. Laging change topic dahil hindi naman siya kilala ni Ricci. Hindi ko nga alam kung pati ba ako ay kilala pa niya, o kung naaalala niya pa kaya ako.

Dumaan kami ni Aki sa isang mall. Balak ko siyang bilhan ng mga damit dahil kaunti lang ang nadala kong damit niya. Hindi ko rin kasi alam kung tatagal ba kami rito sa Maynila. Bukod kasi sa book signing ko, gusto ko rin ilibot si Aki rito. Gusto kong mapuntahan niya rin 'yong ibang magagandang lugar dito sa Manila.

Napahinto ako sa pagtingin ko sa isang damit nang makita ko si Mary na nakatayo sa harap ko.

Tinitingnan niya ako nang kunot-noo na para bang hindi siya makapaniwala na nakikita niya ako. She looked so matured with her short hair and glasses, but still, she's pretty. 'Yong damit niya, ganoon pa rin ang style, fitted skirt and long sleeves na turtle neck.

"Love . . ."

Napalingon ako sa lalaking tumawag sa kanya at bahagyang napaawang ang bibig ko nang makita ko si Hunter. Ang dami nga sigurong nangyari sa loob ng limang taon. They ended up together. Ang huling nakita ko sa kanila ay 'yong itinulak siya ni Mary at sinabing, "Please huwag ako. Kasi wala akong panahon sa ganito." Tandang-tanda ko pa ang bawat eksena na iyon pero nandito sila sa pagkakataong ito at magkasama. Hindi nga naman mapipigilan ang tadhana at pag-ibig.

"Zivs," Mary called me kaya napatingin din sa akin si Hunter. Naglakad sila nang kaunti palapit sa akin at para bang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Hindi pa ako handa . . . hindi pa ako handang magpaliwanag sa kanila. I owed them a lot of explanation, pero para sa akin ay hindi pa ito ang tamang time na magpaliwanag ako sa kanila.

"Mom!"

Nakita ko kung paano umawang ang bibig nina Mary at Hunter habang tinitingnan nila si Aki na naglalakad palapit sa akin.

"Do you know them, Mom?" tanong ni Aki at tiningnan din ang mga ito.

"He looks exactly like him," komento ni Hunter habang nakatingin sa kanya. Tinitigan niya ito na para bang amazed na amazed siya sa nakikita niya.

"No. Let's go. Let's just buy again some other time," I told Aki bago ko isinampay pabalik sa pinagkunan ko 'yong damit na tinitingnan ko kanina saka agad na hinila si Aki patalikod sa kanila.

"You're really turning your back on me, Zivs? Five years and we haven't heard anything from you then you came back with a child who looks exactly like the guy who broke you? Care to explain? I thought we're best friends?" tuloy-tuloy na sabi ni Mary at damang-dama ko ang disappointment sa boses niya.

Napahinto ako dahil doon. Humarap ako sa kanya at naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko habang tinitingnan ko ang itsura niya.

"I have a lot of time to listen, Zivs," dagdag pa niya at tinalikuran ako. Naglakad si Hunter pasunod sa kanya at hindi ko alam kung bakit para bang hinila rin ako ng mga paa ko para sumunod sa kanila.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon