Chapter 15
MULA sa halik sa mga labi ko ay bumaba ang halik niya sa aking leeg. Pakiramdam ko ay may dumadaloy na koryente sa buong katawan ko sa bawat paghalik niya. Ang sabi niya ay pigilan ko siya
pero paano ko siya pipigilan kung ganito ang pinararamdam niya sa akin.Naramdaman ko ang pagpasok ng isang kamay niya sa loob ng t-shirt na suot ko at hindi ko napigilang umungol nang mahawakan niya ang dibdib ko. Gusto kong tawagin lahat ng santo dahil sa nangyayari.
Bahagya siyang humiwalay sa akin. Napalunok ako nang makita ko ang abs niya. Ilang beses ko naman na iyon nakita, pero sa pagkakataong ito ay parang kakaiba. Para bang gusto kong hawakan iyon, kaya naman umupo ako para gawin iyon. Nakita ko kung paano nakagat ni Ricci ang ibabang labi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Halo-halo na ang emosyon sa loob ko na anytime ay para akong sasabog.
Hinubad niya na rin ang damit na suot ko pati na rin ang bra ko. Bumalik siya sa paghalik sa mga labi ko, pababa ulit nang pababa na para bang sinisigurado niya na mahahalikan niya ang bawat parte ng katawan ko. Huminga ako nang malalim nang marating niya ang itaas ng shorts ko. Ito na yata talaga ang gabi na isusuko ko ang bataan.
Mama, Papa . . . sorry po.
Nakita ko kung paano niya tinanggal ang shorts pati na rin ang panty ko at nakatingin siya roon. Damang-dama ko na sobra akong namumula dahil sa pag-init ng pisngi ko habang tinititigan niya iyon bago siya tumingin sa akin.
"Stop me, please," sambit niya. Ang sexy ng boses niya na para bang nagmamakaawa siya pero ako, bahala na. Nandito na kami at pakiramdam ko talaga ay magsisisi ako kapag hindi ito nangyari sa pagkakataong ito.
"F*ck, I can't hold it anymore," sabi niya at dali-dali niyang tinanggal ang natitirang suot niya sa katawan nang hindi tinatanggal ang mga tingin niya sa akin. Pakiramdam ko ay nag-aapoy ang mga mata niya.
Napanganga ako nang nakita ko ang nakatayo niyang sandata na para bang handang-handa na sa laban. Sh*t, kasya kaya iyon? Para kasing hindi. Feeling ko ay mawawasak nang sobra ang bataan ko.
Ipinuwesto niya ulit ang ulo niya sa ibabang parte ko at napaungol ako nang naramdaman kong dinilaan niya iyon. Nakagat ko ang ibabang labi ko lalo na nang ipasok niya ang isang daliri niya sa loob n'on, pagkatapos ay bumalik ang halik niya sa tiyan ko pataas ulit hanggang sa mapunta na siya sa mga labi ko.
"Are you sure about this? Because I told you once it's gone, there's no way I could bring it back," saad niya. Hindi na ako sumagot at hinalikan ko na lang siya, dahil doon ay ipinuwesto niya na ang sarili niya sa pagitan ng mga binti ko.
"I'll be gentle," may lambing sa boses niya at mahigpit niya akong niyakap habang dahan-dahan niyang ipinasok ang sandata niya sa loob ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Naramdaman ko na para bang may napunit sa loob ko.
"I'm sorry," sabi niya at hinalikan ang noo ko bago dahan-dahan na gumalaw-galaw sa ibabaw ko.
Hindi ko akalain na ang sakit ay magiging sarap na para bang umabot na ako sa langit, mula sa mabagal na paggalaw ay binilisan niya nang binilisan hanggang sa maabot namin ang rurok ng kasarapan.
Humiga siya sa tabi ko. Hingal na hingal kaming dalawa.
"Thank you." Hinalikan niya ulit ang noo ko. Tumango naman ako sa kanya.
Masaya naman ako dahil siya ang naging una ko. Palagi ko naman sinasabi sa sarili ko na kung gagawin ko man iyon ay dapat si Ricci ang kasama ko at ito nga, natupad na ang hiling ko.
"Inaro taka . . ."
Napansin ko ang pagtataka niya sa sinabi ko.
"Means I love you in Pangasinense," paliwanag ko at nakita kong ngumiti siya nang malungkot. "Ikaw, mahal mo na ba ako?" tanong ko pa pero hindi siya sumagot, kaya ngumiti lang din ako nang malungkot bago tumalikod sa kanya.
***
NAKAIDLIP ako saglit at pagmulat ng mga mata ko ay wala na si Ricci sa tabi ko, pero naririnig ko na may naliligo sa banyo. Tiningnan ko ang orasan at pasado alas-tres pa lang.
May pupuntahan ba siya? Nagsuot muna ako ng dress at tahimik na umupo at hinintay siya na matapos maligo. Paglabas niya ay kasama niya ang cell phone niya at nagpapatugtog siya mula roon. 3:15 by Bazzi. Alam ko ang kantang iyon.
Dahan-dahan at sumasayaw pa siyang naglakad papunta sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pinatayo ako na para bang ang saya- saya niya. Pinaikot niya ako saka niyakap mula sa aking likuran. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. He's still half naked kaya damang-dama ko ang balat niya sa balat ko.Hakbang pakaliwa at hakbang pakanan ang aming pagsayaw. Napakainit ng mga yakap niya na parang ayoko nang humiwalay sa kanya. I love him so d*mn much kahit noong hindi pa niya ako nakikilala.
Ngayon, ayoko nang mawala siya sa tabi ko. Ang saya ng puso ko na kung puwede lang patigilin ko ang oras ay patitigilin ko.
Habang yakap-yakap ko siya ay na-realize ko na baka hindi ko kayang mawala siya dahil na rin sa nangyari, na gusto ko ganito lang kami at maging akin na lang siya habambuhay. Pakiramdam ko'y mababaliw ako kapag dumating ang araw na iwanan niya ako.
Naramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa kaliwang tainga ko habang sumasabay siya sa lyrics ng kanta. They said 'if it's too good to be true, it's not true' pero alam kong totoo itong nangyayari at sana'y hindi na ito matapos.
Inilagay niya ang ilang hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko papunta sa likod ng tainga ko at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"This is the happiest day of my life, Queen," may ngiti sa mga labing sabi niya, pagkatapos ay hinalikan niya ang mga labi ko.
BINABASA MO ANG
Shoot for the Moon [Completed]
Romance|Baller Series # 1| In this world full of people who keeps controlling his life. Ricci King Serrano, a famous basketball player met Zivawn Queen Cazimer who taught him that no one can control his heart.