Chapter 49

74.2K 1.3K 133
                                    

Chapter 49
3RD PERSON'S POV

"TAMA na 'yan," sita ni Hunter kay Ricci at kinuha ang bote ng alak na hawak-hawak nito. Nasa bar sila na pagmamay-ari ng ate ni
Blaze.

Kauuwi lang ni Ricci galing sa America at siya ang unang tinawagan nito para samahan siyang uminom dahil busy si Blaze sa law school niya. Hindi alam ni Ricci ang gagawin niya. It seemed like everything around him was miserable.

First, he broke up with a girl he really loves because of Raven, then he found out that Raven was just fooling him around.

Iniisip na lang niya na nangyari ang mga nangyari kay Raven dahil sa obsession nito sa kanya. Inis na inis siya sa sarili niya habang sinasabi ng doktor sa kanya na may problema si Raven sa pag-iisip kaya niya nagawa iyon sa sarili niya, at nang tinanong niya ang doktor tungkol sa sakit nito ay labis ang galit niya dahil niloko lang siya n'ong babae.

She's perfectly healthy except sa utak niya. Sabi ng doktor ay baka masyadong stress ang babae kaya naging gano'n ang kalagayan nito. Parang binagsakan siya ng langit at lupa habang inaalala niya 'yong araw na hiniwalayan niya si Zivawn dahil akala niya ay kailangan siya ni Raven kaya ito ang pinili niya.

'I need you too . . .' Iyan ang sinabi ni Zivawn sa kanya. She needed him too, pero hindi siya nakinig dito.

"I want her back," sabi niya kay Hunter. Huminga ito nang malalim sa sinabi niya.

"Find yourself first, Cci. You look miserable," komento ni Hunter sa kanya. Totoo naman ang sinabi nito. Kailangan niya munang hanapin ang sarili niya dahil ang gulo-gulo ng buhay niya.

First, he sent Raven to a mental hospital para mapagamot ito, dahil naisip nitong tumalon mula sa building ng ospital noong araw na sinabihan niya itong tigilan na siya. Mabuti na lang talaga ay may isang doktor na napigilan ito, dahil kung hindi ay habambuhay niyang sisisihin ang sarili sa mga nangyayari at baka matuluyan na rin siyang masiraan ng bait.

Second, galit na galit sa kanya ang mga magulang niya dahil tinanggal na ng pamilya ni Raven ang mga shares nito sa kompanya nila, at kailangang makulong ng mga ito nang ilang taon dahil sa kasong isinampa ng pamilya nito sa kanila para sa mga perang nautang nila sa kompanya nina Raven na hindi na nila nabayaran. Dahil dito ay kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas at ayusin ang sarili niya.

"You know what, if Zivawn's here, I don't think she'll come back to you. You're a mess, bro! Ayusin mo muna ang sarili mo," suggest sa kanya ni Hunter at hindi na siya nakasagot dito dahil tama naman ito.
He's nothing. He didn't know what to do with his life.

***

"COACH Paco wants you to join his team." Napahinto si Ricci sa pagpipinta niya sa pader ng basketball court niya nang may marinig siyang nagsalita mula sa likuran niya. Unti-unti niyang hinarap ito at nakita niya si Juan doon. Nakalagay ang mga kamay nito sa magkabilang bulsa niya.

"Go back to your first love and true love will find its way back to you," sabi pa nito. Inilingan niya ito.

"Ano? Dito ka na lang? Magmumukmok at pipintahan ang buong court na 'to ng mukha niya? Paano kapag bumalik siya at ganiyan ka?" tanong ni Juan kaya napahinto siya.

"She's trying to fix herself, sana ikaw rin," dagdag pa ni Juan sa kanya at tinalikuran siya, pero bago pa man ito makahakbang palayo ay tinanong niya na ang matagal niya nang gustong itanong dito.

"Where is she?" sambit niya.

Humarap si Juan sa kanya. "She's fine. I'm still wiping her tears for you as you told me to. So, do me a favor and fix yourself and

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon