6

38 2 0
                                    

Sa klase ay wala lalo kaming pansinan ni Ayessa. Halos irapan na lang din ang aming interaksyon sa dumaang mga raw na iyon.

Maldita rin talaga 'to!

Kaya naman sa ayaw na makasalamuha siya, sumasama ako sa mga kaklase kong hindi rin siya kalapit. Naiinis pa rin kasi talaga ako sa pagiging brat niya!

"Café, Leticia" aya ni Clea sa akin.

Isa si Clea sa pinakabrat sa aming room. Hindi lang dahil kilala ang kaniyang tatay na isang tanyag na Arkitekto kun'di dahil isa rin siyang Eleazar.

Matunog ang apeliyidong iyon. May ilan ding mga Eleazar sa school at kapwa mga pinsan ni Clea. Kapwa mga spoiled brat din.

Inilingkis ko naman agad ang kamay kay Clea at matamis na ngumiti. Nginitian niya rin ako ngunit nangibabaw pa rin ang kamalditahan sa kaniya.

Mukha namang mabait si Clea lalo na sa pakikitungo nila sa akin nila Kathleen at Mia. Kapwa mga spoiled brat din pero kaya ko pa namang pagtiisan.

Sinulyapan ko si Ayessa na kunot-noong nakatingin sa akin tsaka umirap. Inirapan ko lang din ito at nagpatangay na kila Clea palabas ng school.

Ang aming napag-usapan ay walang iba kun'di si Ayessa.

"Ayessa seems so weird" si Mia.

Sinang-ayunan siya ni Kathleen na kaniyang katabi. "She is! Feeling entitled pa"

Nag-apir ang dalawa. Si Clea naman ay tahimik lang na diretso ang tingin na akala mo'y naglilibot ang isip.

"You guys are close, 'di ba, Leticia?"

Nalingon naman ako kay Kathleen na iba na ang suot na ngisi sa akin. Alangan akong umiling at napabusangot. "Hindi kami close" sagot ko.

Maarteng napa-O si Kathleen at nagkatinginan sila ni Mia. Nakita ko na ring napatingin sa kanila si Clea na tumaas na ang kilay.

"Oh, sorry about that. Kami na ngayon ang friends mo, don't worry" si Mia na inilingkis na rin ang kamay sa aking kabila.

Hindi ko naman maiwang mapanguso dahil talaga itinuring na nila akong kaibigan agad! Mababait naman pala talaga.

Nakarating kami sa gate. Ako nama'y natigilan nang may biglang dumating na isang puting van sa aming harapan.

Agad na kumalabog ang aking dibdib dahil sa unang pumasok sa aking isip. Uso na naman ba ang nangunguha ng bata ngayon? Baka kidnap-pin kami!

"Leticia? Come in na"

Napabalik ako sa aking sarili nang marinig ang tawag sa akin ni Clea. Lalo akong nagulantang nang makitang nasa loob na sila ng sasakyan at hinihintay na lang ako.

"U-uh, oo, sorry..." Bulong ko at pumasok na rin sa sasakyan.

Sinabi ni Clea sa driver kung saan kami tutungo at doon ko napagtantong service pala ito ni Clea.

Pasimple kong inilibot ang tingin. Ang katabi ko ay si Clea habang ang dalawa ay na likod. Napunta naman ang tingin ko sa hindi pamilyar na lalaking nasa harapan kasama ng driver.

"Cleo, can you give me tissue?" Si Clea na lumapit sa lalaking nasa harap.

"'Di mo abutin" masungit na turan ng lalaki.

Kinurot ni Clea ang tainga nito sanhi ng pagsigaw ng lalaki. "If I can reach it I wouldn't ask for your help, idiot" si Clea

Nagpigil namana ko ng tawa sa bangayan ng dalawa. Magkapatid siguro sila dahil halata naman at sa pangalan pa lang.

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon