36

49 2 0
                                    

Malaki ang kumpyansa ko lagi kapag kami ni Lomi ang magkasama. I can feel that he has something for me. Ramdam kong may pagtingin siya sa akin at hindi lamang iyon dinidikta ng aking puso. Pati na rin ng isipan. 

Kapag kaming dalawa ang magkasama, I can see how his eyes aches for me. Ramdam ko iyon. Oo dahil nga naging espesyal na ako kay Lomi pero pakiramdam ko, lagpas na roon iyon. 

Kailangan ko lang na siguraduhin na hindi kaibigan ang dahilan kung bakit niya pinipigilang mahulog sa akin. 

Ayokong si Adi ang dahilan kung bakit hindi niya maipakitang gusto niya rin talaga ako. 

Hindi naman ako bulag pagdating sa mga kilos ni Lomi kay Adi. They're close, oo. Marahil unang magkalapit, mas may koneksyon sila na wala sa amin. 

Pinagmamasdan ko lagi si Lomi at halatang-halata na iba ang kilos niya kapag nandyan si Adi. Lagi siyang nakatingin, ngumingiti, at maalaga. 

Ganoon naman siya sa akin pero hindi niya iyon nagagawa sa akin nang nakaharap ang iba. Pero kapag kay Adi, kaya niyang gawin iyon kahit nakaharap ako. 

"I'm excited! First time kong gumala nang ganito with you guys!" Tili ni Adi sa akin noong makarating kami sa paggaganapan ng hot air balloon festival. Magkalingkis ang aming mga kamay at kapwa hindi na nagkahiwalay simula kanina.

Malapit na ang Christmas season kaya marami na ring mga nagaganap na music festivals sa mga karatig bayan. Kaming mga highschool na lamang ang nagsusulit ng bakasyon dahil ang mga kolehiyo ay may mga klase na. 

"First time ko rin 'to e" ngisi ko kay Adi at nakipaghagikgikan rito. 

Adi and I are like best friends na rin. Kami naman halos nila Maye pero si Adi kasi, sweet at clingy. Si Maye naman ay hindi. Madali rin niyang makasundo ang mga lalaki lalo na't siya lang ang hindi inaasar ng mga ito. Lagi ko kasi talagang kabardagulan ang mga lalaki dahil mga bwisit sila sa akin madalas! Pero kay Maye, princess treatment siya! Lalo na kay Adi!

Okay lang naman iyon sa akin. Mas komportable akong ganoon sila sa akin. Kay Lomi lang din kasi ako madalas magpayakap o magpalambing. 

"Sa mga booths muna tayo. Uubusin natin ang black card ng birthday boy" aya sa amin ni Lance na winawagayway na ang card ni Heidian. 

"Kung mauubos?" ani Ivan na katabi si Maye na nagpipicture ng paligid. 

Iba-iba kami ng mga suot pero lahat ay may mga panangga ng lamig. Ang mga lalaki ay nananaig ang mga itim sa suot samantalang sa aming mga babae mga light colors. Si Maye ay nakajacket na itim pero nakawhite na dress; si Adi na violet turtle neck, black na leather skirt, at white leather jacket; at ako na nakayellow long sleeves na off-shoulder at white fur skirt.

Sayang nga at wala si Ria! Kwento pa naman niya sa akin noon na madalas siyang umaattend sa mga music festivals at hilig na hilig niya iyon kapag lumalabas kasama ang mga kaibigan kaso dahil malayo at gabi, bawal siya. Baka mapano pa. 

Sagot ni Heidian ang lahat ng gastos ngayong araw. Hindi alintana iyon sa kaniya dahil mayaman talaga siya. Nalaman ko lang na anak pala siya ng Vice Mayor sa lugar namin! Akala ko ibang Del Mundo lang siya pero Del Mundo na anak pala ni Froilan Del Mundo! Ang Vice Mayor ng Nouvaunde!

Maraming food and souvenir stalls. Expected ko naman nang mamahalin ang mga tinda roon pero dahil nga sagot naman ni Heidian, sinulit-sulit talaga namin! Ang balak pa nga ni Heidian ay dadalhin niya ang babae niya kaso nagbreak daw sila kaninang umaga kaya ngayon, kami ang date niya. 

"Bro, mailap si Layla Tan. Akala ko talaga siya na ang the one ko e!" halakhak ni Heidian noong makapwesto kami sa damuhan at doon kami kumain. 

Nakapabilog kami. Katabi ko si Adi sa kaliwa at kanan si Maye. Katabi ni Adi si Lomi na katabi si Heidian na katabi si Lance na katabi si Ivan at doon na tumigil kay Maye. 

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon