Last week ng November at Intramurals week na namin bago ang Christmas events at break. Marami ring booth ang mga nakahanda sa field at isa na roon ang mga Arts Booth ng Art Club na may paface paint sa mga estudyante.
S'yempre, hindi naman namin palalagpasin nila Maye iyon kaya ngayon ay tinitiis namin ang napakainit na sinag ng araw dahil sa sobrang haba ng pila.
"Sabi ko sa inyo agahan natin pumila e!" Reklamo ko kina Lomi at Maye na nasa likod ko.
Maye scowled at me. "Ikaw 'tong gustong panoorin laro ng badminton ah" sumbat niya sa akin.
"Pero sabi ko saglit lang dahil laro ni Kyro!" Tsaka ko sinipat si Lomi na tahimik na nililibot ang tingin sa paligid. "Kabod kasing nakipaglaro pa 'yang batang 'yan"
Napunta sa akin ang mga mata ni Lomi. He's giving me that "innocent kid" look tuwing may kasalanan siya.
Kanina kasi noong natapos ang laro ni Kyro at nanalo siya, bumaba si Lomi sa bleachers at gusto raw niya i-try maglaro! At dahil mamayang tanghali pa naman ang finals, nakipaglaro siya sa mga players roon.
"Kaya tuwang-tuwa na naman mga fan girls niya..." irap ko.
Ang daming tumitili sa kaniya kanina! Pero hindi naman ako nagselos o nagambala knowing Lomi, hindi niya papatulan mo 'yon. Ang bilis pa nga niyang gumitgit sa amin ni Maye kanina after niyang maglaro at pinaligiran agad siya ng mga girls!
"Ang haba pa ng pila! Let's just go..." reklamo ni Maye na pinigilan ko naman nang lingunin siya.
Ngumuso at nagpacute ako sa kaibigan. "Sayang! Tignan mo magagaling naman magpinta 'yung mga arts club" turo ko sa mga estudyanteng may mga paint na sa mukha na iba-iba ang disenyo.
Maye gagged at me. "Kaya mo naman 'yon gawin! Tsaka, 11 daw start ng laro ni Heid. Tara na" pagpupumilit ni Maye na sinundan ni Lomi kaya naman wala na akong nagawa kun'di nakangusong lumingon sa pilang iniwan namin.
Papunta na kami ngayon sa room na pagdadausan ng laro ng billiards. Malapit sa library iyon kaya medyo kalayuan sa aming pinanggalingan ang aming tinatahak na daan ngayon.
Nakanguso pa rin akong naglalakad at nakasunod lamang kay Maye at Lomi na tahimik. I sulked more. Itong dalawang 'to kaya mahirap din kasama minsan, mga KJ! Mabilis mga mabored kahit hindi pa naman alam ang mangyayari. Mabilis nila iyon sukuan at hahanap ng ibang pagkakaabalahan.
Nakita kong lumingon sa akin si Maye na natatawa sa aking itsura. "Para kang batang hindi nabilhan ng candy" panunuya nito.
I huffed. "Kasi naman e!" at sakto pang may nakasalubong kaming estudyante na may pinta ang mukha. Lalo tuloy akong nainggit. "Gusto ko rin no'n!" parang bata kong maktol at nilingkis ang kamay kay Maye.
Maye shook her head. "Bukas na lang"
Mabilis akong umiling. "Gusto ko, now na!" Tsaka ko sinilip si Lomi na nakatamaan ko ng tingin dahil sumilip din siya sa akin.
Paliko na kami at tatahakin na lamang ang maikling hallway patungo sa room ng billiards.
"Lomi" tawag ko sa kaibigan na hindi na rin makayanan ang aking pagmamaktol dahil sa kaniyang pagkangiwi.
Huminga siya nang malalim na para bang ubos na ang pagtitimpi. "Ang ingay mo cake. Tara na nga" si Lomi na ikinatili ko.
Pinagbigyan ako ni Lomi! Nagtatalon ako sa tuwa at mabilis na nilingkis ang sarili kay Lomi na tinutulak na ako palayo.
Nakarating kami sa room ng billiards at sakto namang naroon na si Heidian na nag-eensayo para sa kaniyang laro.
Agad niya kaming nakita sa pinto kaya naman nagliwanag agad ang kaniyang malaking ngiti at mga matang nawawala.
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomantikDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...
![Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]](https://img.wattpad.com/cover/252984925-64-k986396.jpg)