8

56 3 0
                                    

"Bakit gan'yan ka makatingin sa'kin? Inano ba kita!" Pagmamaktol ni Lomi nang mahuli na naman niya ang pangpito kong sama ng tingin sa kaniya.

Sinumpak niya ang natitirang shawarma at kumuha ulit ng isa. Nakataas ang isang kilay na nakatingin sa akin habang nakahiga sa aming sofa'ng de kahoy.

Kainis din madalas nitong si Lomi! Akala mo kung sinong special friend na kung makapunta rito sa amin e mas madalas pa sa tilaok ng manok sa umaga!

Umusok ang ilong ko. "Kaya pala walang natira para sa akin! Kinuha mo lahat!", Reklamo ko at padabog na lumapit sa kaniya ngunit natigil nang tumunog ang kaniyang phone.

Parehas kaming napatingin doon. Kinuha niya iyon at pagkabukas pa lang niya ng kaniyang phone ay malaki na agad ang ngisi niya. Tila ba'y may kakaiba roong nagpasaya bigla sa kaniya.

Dahil balot din ako ng irita kay Lomi, hindi ko na nagawang silipin ang kaniyang itinitipa. Saan kaya pwedeng ilibing nang buhay si Lomi?

At naubos na ang aking pag-iisip ng mga paraan para mapalayas si Lomi hanggang sa tumayo na siya at nagpaalam na aalis na dala-dala ang takoyaki'ng in-order niya.

Hay, sa wakas!

Napatingin ako sa naiwan niyang nag-i-isang baked mac na in-order niya.

Tumakbo pa ako palabas ng bahay. Naglalakad na siya paalis habang nasa phone ang tingin. Tuloy-tuloy lang siya na para bang walang nakalimutan.

Napaisip tuloy ako at na-weird-uhan sa kaniyang inakto. Si Lomi? Iiwan ang pagkain nang ganoon lamang?

Nagkibit-balikat ako at nilapitan ang naiwan niyang baked mac at iyon ang nilantakan. Bahala na si Lomi kung hanapin niya itong in-order niya. Iniwan niya e!

Noong gabing iyon, marami akong nareceive na magagandang feedback mula sa mga nagsi-order sa akin. Parehas pa naming binabasa ni Mama iyon at maghahagikgikan kapag nagpapahayag na gusto pa nila makaulit pa.

"Next week ulit kaya?" Si Mama na ganadong nakahawak sa phone ko habang binabasa ang mga komento sa aking post.

Humiga ako sa aming sofa at napaisip. Maganda rin kasing business 'to lalo na't unang benta namin ay maganda at maraming nasarapan sa aming gawa kaya paniguradong uulit sila.

Kaso, malapit na rin kasi ang exam namin. By next next week na rin ang iyon at siyempre, bilang isang matinong estudyante, mag-a-advance review ako.

Biro ko lang iyon pero hindi ko inaasahang may ganoon pa rin palang estudyante. Pangalanan na nating Maria Ayessa Fernandez.

"Kailan mo 'to ginawa? Ang dami!" Namamangha kong turan habang iniisa-isa ang reviewer ni Ayessa na ngayo'y nagkalat sa aming harapan sa lamesa.

Narito kami ngayon sa kaniyang apartment at dahil best friends na kami, lagi na niya akong inaaya rito sa kanila. Mag-isa nga pala talaga siya! Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit siya mag-isa talaga pero kahit na nangangati ang dila kong tanongin, pinangunahan na niya ako noong nakaraang una kong punta rito.

"Naglayas ako sa amin kaya 'wag kang maghanap ng kasama"

So, kapag pala maglalayas ka, dapat talaga wala kang kasama?

Inangatan ako ng tingin ni Ayessa at sinamaan ng tingin. "Ilan ba ang subjects nayin? Siyam, 'di ba?" Masungit niyang sagot.

Ngumuso ako at hinawakan ang isang subject na halos 4 pages yata ang kapal. Nakasalampak ako sa sahig kaya naman hindi na ako nahirapang sumandal sa sofa niya.

"Talaga bang 1 week before dapat ng exam ay nagrereview na..." Bulong ko habang mabilisang pinapadaan ang aking mga mata sa mga nakasulat sa papel.

Hindi sumagot si Ayessa kaya napatingin ako rito. Suot ang kaniyang salamin, tahimik siyang nagbabasa at minsan-minsa'y bumubulong at tinatakip ang papel sa kaniyang mukha.

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon