"Mauna na kayo. May pag-uusapan lang kami ni Leticia"
Natigil ako sa pag-ambang pagtayo at nilingon si Lomi na nakatingin kay Adi at Maye na aalis na. I looked and them and they both have different expressions. Adi was giving me a cunning smile while Maye was giving me a concerned yet shock one. I bit my lips as I gave them a nod.
"Okay, Lomi! I hope it's worth the time you took her away from us, huh!" si Adi na kumaway sa akin at kasabay nang umalis si Maye na nilalabas na ang phone sa bulsa.
Si Lomi ay nakapamulsang nakatayo sa harap ng mesa habang tinatanaw ang dalawa. Ako naman itong naging balisa dahil naglalaro sa aking isipan ang kung ano mang gustong pag-usapan namin ni Lomi ngayon.
Napapansin niya kaya ang kakaiba kong tingin? O may iba siyang sasabihin?
"Why didn't you tell me?"
Mabilis na umangat ang tingin ko kay Lomi na seryoso na ang mukha at nakatingin lang sa akin.
My lips parted as I tried to speak but no words came out. Lomi leaned closer and his brows furrowed.
"Why didn't you tell me that you rejected Lance?"
Nanuyo ang lalamunan ko at bahagyang nagulat sa kaniyang minungkahi. Bakit parang kasalanan ko pa yata? Hindi naman na namin napag-usapan ni Lance ang tungkol sa amin after ng closure namin. Tsaka, magkaibigan naman kami at kailangan pa ba naming sabihin na hindi na tuloy ang panliligaw ni Lance? Sa kabi-kabilang babae ni Lance ngayon, makakatunog na sila!
E bakit ngayon ay parang si Lomi na lang ang hindi nakakaalam? Ganoon ba kamanhid si Lomi?
"B-bakit naman sasabihin ko pa..." sabi ko sa maliit na boses at iniwas ang tingin dahil sa hindi malamang dahilan, ang puso ko ay nagwawala.
I heard him chuckle. Tinignan ko si Lomi na nakapamulsa pa rin ngunit ang ulo ay nakatagilid na sa akin at tila ba'y naiinis. "Bakit mo nga naman sasabihin sa akin kung ako ang dahilan kung bakit hindi mo masagot-sagot si Lance?"
My heartbeat doubled. Huh?! Anong siya ang dahilan? Sadyang wala lang akong maramdaman!
"Anong ikaw? Hindi ko lang talaga siya--"
"Hindi mo siya magustuhan kasi gusto mo pa rin ako?" he taunted.
Nagsalubong ang kilay ko ngunit bumagsak ang balikat ko. Hindi ko alam kung may nakikita ba ang mga kaibigan ko sa akin para sabihin nilang si Lomi pa rin ang gusto ko?
Mas malala pa yata sila maglagay ng malisya sa ginagawa ko!
"Hindi, Lomi. Hindi ko lang talaga siya gusto ko" giit ko dahil nakikita ko na naman ang reaksyon ni Lomi noong nalaman niyang gusto ko siya.
Bumahid ang irita ni Lomi sa mukha. "Lance liked you, Leticia. Kung hindi mo naman pala gusto, bakit mo pinaasa?"
I shook my head abruptly. "Sinubukan naman kasi namin! Pero hindi ko lang talaga magawang gustuhin siya kasi kaibigan lang ang kaya kong ibigay na pagtingin sa kaniya"
Tumaas ang isang kilay ni Lomi at iniwas ang tingin na para bang sinasagad ko na naman ang pagtitimpi niya. "E bakit si Lance? Hindi naman kaibigan lang pagtingin na mayroon sa'yo?"
Unti-unti na akong naiirita sa mga paratang ni Lomi na hindi naman ako ang makakapagsagot!
"Abay, hindi ko alam! Nag-usap na kami tungkol sa amin at parehas kaming okay na sa kung anong mayroon kami ngayon. Bakit ba pinipilit mo?" irita kong saad.
Lomi looked pissed but he remained calm. "Sa tinagal-tagal niyang nanliligaw sa'yo, wala kang naramdaman? Huh?"
"E kung wala nga talaga! E bakit ba namimilit ka Lomi? Ikaw ba magdedesisyon para sa akin?!" hindi ko maiwasang tumaas ang boses at napatayo para pantayan si Lomi.
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomanceDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...
![Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]](https://img.wattpad.com/cover/252984925-64-k986396.jpg)