16

79 2 0
                                        

"Oops, sorry. A chic called. Hindi kita maihahatid, Leticia" pekeng malungkot na turan ni Lance na nakangisi na at nasa batok ang isang kamay samantalang ang isa ay hawak ang kaniyang phone dahil may tumawag.

Napabuga ako ng hangin at inirapan lamang ito. Fine! Ayoko rin magpahatid sa kaniya. Kanina pa niya ako naiinis!

Natatawang sinuntok ni Heidian si Lance. "Bro, baka naman hindi mo pa kami idaan ni Ivan sa condo?"

Maangas at nakangising nakipagkamay si Lance kay Heidian at sinulyapan ako, halatang nang-iinis. "Of course, bro! Bros before hoes!"

Napairap ako sa kawalan at hindi na sila nilingon pa. Sumiksik ako kay Lomi na kausap si Ivan tungkol sa kanilang schoolwork.

Kung hindi nila ako hahatid, uuwi na ako! Tinignan ko ang oras at saktong mag-alas-syete naman na pala ng gabi. Paniguradong pauwi na si Papa sa trabaho kaya magpapadaan na lang ako. 

Tumayo ako sa kinauupuan na umagaw sa kanilang pansin. Lahat sila ay napatingin sa akin. 

Humalukipkip ako at binaba ang tingin kay Lomi. "Uuwi na ako"

Narinig ko ang halakhak ni Lance. "Hindi kita mahahatid, sorry--"

I deadpanned him. "Ayoko rin magpahatid" masungit kong turan at tumalikod na para lumabas. 

Umuusok ang ilong ko habang nagtitipa ng mensahe para sa ama. Mabuti naman at katatapos nga lang daw niya ng trabaho at dumaan lamang sa isang botika. 

Kuhang-kuha ni Lance ang inis ko! Pagmumukha niya pa lang, nabuburyo na ako! Ugh!

Nagsilabas na rin naman na ang mga lalaki kaya lalo pang tumirik ang mata ko sa irita. Nagbatian na sila at kahit ramdam ko ang mapang-asar na tingin sa akin ni Lance ay hindi ko siya binigyan ng kakuting na atensyon. He doesn't deserve my precious eye!

Naiwan sa akin ngayon si Lomi na nakatingin sa akin. 

Nilingon ko siya at kumunot agad ang noo ko. Bakit parang wala lang sa kaniya ang pang-aasar sa akin ng mga kaibigan niya? Hindi man ako pinagtatanggol!

"Akala ko ba friends tayo, Lomi?" seryoso ngunit may inis kong turan.

Tumaas ang dalawa niyang kilay. "Oh?"

Sinuntok ko ang braso niya. "Inaasar ako ng tropa mo! Hindi mo man ako pagtanggol?" I whined.

Natawa si Lomi sa aking sinabi. He looked so amused. "Inaaway ka ba? Hindi naman ah."

"Iniinis ako! Kun'di kindat e mang-aasar tapos--"

Lomi snickered. "Gano'n lang talaga 'yon. At saka, mababait mga 'yon. Gan'yan lang sa una mga 'yan"

Nalaglag ang panga ko at hinampas siya. Nanlaki ang mata ni Lomi sa aking inasta at hinimas ang braso. 

"E hindi nga ako natutuwa!" Reklamo ko. 

Napangiwi si Lomi at inabot ang aking pisngi tsaka pinanggigilan iyon. "E 'di hindi na! Pagsasabihan ko, sige" sarkastiko niyang sabi at naiiling na kinuha ang kaniyang phone.

Lalo akong nabusangot at nawala lang nang dumating na ang aking ama. Pumasok na ako sa loob ng tricycle ni Papa at doon ko lamang napagtanto si Lomi.

Ngunit naunahan na ako ni Papa sa pagtatanong.

"Ay ikaw pala 'yan, Lomi. Sasabay ka ba?"

Sinilip ko si Lomi na umiling kay Papa at winagayway ang kaniyang phone. "Nagpasundo na po ako sa pinsan ko"

Ano raw?! Magpapasundo siya?! Bakit hindi na lang pala ako hinatid?!

Nilingon ako ni Lomi na inosenteng nakatingin sa akin habang ako ay nanlilisik na ang mga mata sa kaniya. Binelatan niya lang ako at ngumisi. Akma akong baba kung hindi lang biglang umandar ang tricycle at nawala na si Lomi sa paningin ko. 

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon