42

36 1 0
                                    

Naging mailap muna ako sa mga kaibigan, lalo na sa mga Alfanta. Hirap kong itino ang isipan lalo na't samo't saring emosyon ang nararamdaman ko. Nalulungkot ako sa nangyayari, nag-aalala at nakokonsensya, naiinis sa sarili, at minsan, gusto ko na lang ding lumayo muna sa lahat-lahat. 

Ramdam ko ang pag-aalala ni Maye lalo na't sa room ay dumoble ang pagkatahimik ko. Hindi ko naman din magawang sabihin kay Maye ang lahat dahil hindi ko rin alam kung ano talagang nararamdaman ko. 

"Can we visit her, tho? Kawawa naman si Adi" si Heidian noong sagutin ni Maye ang mga pagtataka nila kung bakit wala si Adi. 

Ang sabi sa amin nila Randell ay kung may magtanong man kay Adi ay sabihin na lang namin na malakas ang atake ng allergy niya at kailangang ihomeschool. May excuse letter din si Adi sa mga teacher kaya hindi na rin naming kailangan mag-alala kung sakaling may makyuryoso sa pagkawala ng kaibigan. 

Malungkot na umiling si Maye. "She was advised na... mag-isolate muna e"

"How about these two? Hindi pa rin bati?" pansin ni Ivan sa akin at si Lomi na tahimik sa kabilang dulo. 

Hindi ako nagsalita at inabala muli ang sarili sa panonood sa mga naglalaro ng soccer sa field. Halos kabisado ko na nga rin kung sino ang mga player na naglalaro lagi. Laging nakakagoal 'yung Santiago.

"Ang hirap naman magsaya kung malungkot ang friends ko!" reklamo ni Heidian. 

As much as I wanted to be okay, I can't feel okay. Ang hirap lang maging masaya matapos ang nangyari kay Adi. Para bang kasalanan na hindi siya isipin oras-oras. 

Ilang beses na rin akong sinusubukang kausapin ni Lomi. Ayoko na lang din siyang pinapansin o 'di kaya'y kapag makikita siyang mag-aambang kumausap ay aalis agad ako. I just can't be with him in this chaos. Tsaka, wala na rin kaming karapatan sa isa't isa. 

The day I profess all my love and frustration for him is also the day I cut all my connections with him. As a friend, as someone I loved. 

He drains me too much. Pinagod niya ako masyado sa puntong wala na akong mahawakang porsyento o kahit katiting na lakas para ilaban pa siya. 

Hatid-sundo niya ako pero hanggang doon lang iyon. Walang imikan at walang pansinan. Sinusubukan niya akong kausapin pero wala akong maibigay sa kaniya. 

Iyong presensya niya pa lang ay pinapagod na ako. Kausapin pa kaya siya?

Aaminin kong mabigat at malungkot ang mga sumunod kong mga araw. Hindi ko lang makayang hindi dalhin ang guilt na mayroon ako sa nangyari kay Adi. Na kung sakaling inunahan ko siyang sabihan tungkol sa nalaman ay baka sakaling... masaya pa kami ngayon. 

"Dad said that she was last seen outside AC Condominiums. Natrace na rin nila ang ilang CCTV sa kalapit na mga establishments pero there's no glimpse of Adi." si Paige noong magkita-kita kami sa cafe. 

Nagsalubong ang kilay ni Euna na para bang naguguluhan pa rin sa nangyayari. "How come hindi man lang siya nahagip sa kahit anong CCTV? How about potential witnesses? Staff ng AC?"

Paige sighed and held her head. "It was a busy street at that time. Most people are civilians kaya mahirap malaman kung nakilala ba nila si Adi"

We could only sigh. Wala naman kaming ibang magawa kundi maging suporta sa bawat isa. Everything is too much for now at hindi na nag-uungkat ng mga kasalanan ang mga mayroon dahil hindi rin naman namin ginusto 'tong lahat. 

"The boys are at the house. Tara muna roon at baka may lead sila" aya ni Euna na ikinasang-ayon nila at nagsitayo agad. 

Kinuha ko naman ang bag ko at tumikhim. "U-um... hindi muna ako makakasama. May gagawin pa ako e..."

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon