10

38 2 0
                                    

"Mas gamay ko ang oil pastel kaysa acrylic" bida ko kay Lomi sa araw ng Miyerkules, isang linggo matapos ang aming madugong exam.

Nasa isang karenderya kami ngayon at kumakain ng lomi. Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa si Lomi na kainin ang sarili niya pero dito na siya madalas mag-aya kapag hindi niya kasama ang mga pinsan niya at mga kaibigan.

"Baliktad tayo" aniya nang makahigop sa mainit na sabaw ng Lomi.

Muntik ko na siyang irapan. Syempre, may pambili siya! Mamahalin pa nga ang mga ginagamit niya at ino-order pa niya online. Mas maganda raw kasi ang quality kumpara sa mga nabibili local.

"Alam mo namang pang-poor lang ang kaya ko, Lomi. 'Wag mo na akong yabangan..." Pabiro kong sabi na ikinabilog ng mata niya at inilingan ako.

"Sinabi ko ba 'yon! Sabi ko lang mas gamay ko acrylic ah!" Si Lomi at ang hindi niya mabirong butsi.

"Nagjojoke lang ako!" irap ko.

Kumalma naman ang mukha niya at inubos na ang natitira niyang pagkain. Pinanood ko na lamang siya dahil kanina pa ako naunang matapos kumain. Siya lang naman itong puro daldal at nakatatlong order na.

Saglit kaming nagpahinga nang makabayad. Tahimik akong nagmamasid sa paligid lalo na't wala akong gana pang makipagdaldalan kay Lomi dahil busog ako.

May ilang mga estudyante akong nakikitang kumakain at karamihan nama'y mga matatanda na. Ang mga estudyante na kanina ko pa nakikitang nakatingin sa aming gawi ay mukhang mga Grade 7 pa lamang at iba rin ang uniform.

Kami lang pala ni Lomi ang nakasuot ng uniform ng Nouvaunde U dito kaya naman kapansin-pansin talaga kami. O si Lomi lang talaga dahil mukha siyang tangang binata na akala mo batang nakaupo. Wala siya sa postura habang naglalaro sa kaniyang phone.

Nakapangalumbaba akong nakamasid kay Lomi. Sa halos ilang araw na naming pagkakalapit ni Lomi, hindi pwedeng hindi ako mapapatitig sa kaniya. Kahit na mapansin niya, hindi naman niya nilalagyan ng malisya dahil kaibigan lang ang tingin niya sa akin. At alam niyang gusto ko siyang inaasar! Kaya naman kinukuha ko ang pagkakataong iyon na busugin ang inner self ko na crush siya.

His doe eyes make him look too innocent lalo na kapag nakalabi siya o 'di kaya'y kagat ang labi.

"Crush" panimula ko ng pang-aasar sa kaniya na agad nakakuha ng atensyon niya.

Agad na kumunot ang kaniyang noo at handa na akong singhalan kung hindi lang ako napahagalpak nang malakas na naging sanhi rin ng pagtingin ng ibang tao sa amin.

Pinanliitan niya ako ng mata. "Kapag inasar-asar mo pa ako, maniniwala talaga akong gusto mo ako" banta niya.

I grinned. "Asa ka! Kung magkakacrush na lang ako, siguro si Lance na" banggit ko sa kaniyang kaibigan.

Umismid siya. "Hindi ka papatulan no'n . Virgin ka pa kasi"

Hindi ko alam kung bakit nainsulto ako sa kaniyang sinabi. Pinapamukha niya bang hindi ako papatulan ni Lance?!

Palabas na kami ng kainan nang hablutin ko siya sa kaniyang bag sanhi para tumama siya sa akin.

"Insulto ba iyon o ano?!"

Napangiwi si Lomi at lumibot ang tingin sa paligid dahil sa taas ng aking boses.

Hinatak niya ako sa isang gilid. "Ang ingay mo!" Bulong na sigaw niya.

Humalukipkip ako at sumimangot. Dahil malapit ako kay Lomi, bahagya akong nakatingala sa kaniya lalo na't malaki rin ang diperensya ng aming height. He's 5'9 and I'm just 5'5.

"May girlfriend si Lance ngayon kaya 'wag ka muna" aniya na ikinakurap-kurap ko.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa eskwelahan lalo na't lunch break lang namin.

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon