"Kuya, ang ganda nu'ng pinsan ni Art"
Muli kong sinulyapan ang pinsan ni Art na babae. Maganda, pino ang galaw, magaan ang pagsasalita na para bang isang anghel, at ang ngiti ay nakakakiliti. Parang feather ang ngiti niya na kung malapatan ka man ay manghihina ka sa epekto nito.
Kinagatan ko ang chocolate stick na binigay niya sa akin noong inaya ko siya sa dessert table habang nakatingin pa rin dito. Tumingin doon si Kuya at nginitian ako.
"Crush mo?"
Namula ako at tumango. Sumulyap muli si Kuya roon bago ako akbayan. "Kaibiganin mo. Mukhang mabait naman"
Lagi ko siyang nakikita sa mga okasyon kila Art. Si Adi, ang pinsan niyang babae sa mother side. Isang Riguella.
Natutuwa ako sa sarili ko kasi nagawa kong magustuhan si Adi, isang babae. Nakalapit ko at naging kaibigan-nagustuhan ko si Adi.
Pakiramdam ko, isang karangalan na magkagusto ako sa isang babae. Na magkaroon ako ng kalapit na babae dahil sobrang ilap ako sa kanila. Hindi man maganda pakinggan sa isang lalaki, duwag ako sa babae.
It's started when I was in elementary. Girls flock me. Okay naman ako roon dahil nakakatuwa kapag pinupuri nila ako. Kinikilig daw sila kapag nakikita nila ako kasi gwapo raw ako at mabait.
Nagkaroon na rin ako ng kaibigang babae dati. Si Maye, iyong babaeng naging kaklase at kaibigan ko sa probinsya nila Lola. Masiyahin at friendly, kaya rin nakasundo ko. Kaedad ko pa kaya hindi mahirap sa amin na maging magkaibigan.
Pero simula noong mawala siya, nalungkot ako. Syempre, sinong hindi malulungkot kung iyong kaibigan mo ay biglang mawawala, 'di ba? Sabi nila kuya, umuwi na raw sa kanila. Nag-aral at nagbakasyon lang daw sa lola.
"Wala na akong kaibigan..." bulong ko noong pasukin ako ng mga pinsan sa kwarto nila Lola noong nagkulong ako.
Si Art na ngumuso at yumakap sa akin ay tinapik ang aking balikat. "Lomi, nandito pa naman kami! Magkakaibigan tayo ah?"
Umiling ako at pinunasan ang luha. "Kahit na. Nawalan pa rin ako ng kaibigan..."
Iyong mga babaeng nagkakagusto sa akin sa school, hindi ko na pinapansin dahil natakot na ako na maging kalapit sila at maging kaibigan tapos biglang mawawala. Ayoko ng ganoon. Ayoko ng biglang maiiwan. Ayoko ng sasanayin sa isang tao tapos biglang mawawala.
"Grabe ka, Lomi! Bakit mo nireject si Cheska!" ang babaeng kaklase ko kasama ang kaibigan niyang umiiyak habang hawak ang teddy bear na ibibigay sa akin.
"Crush mo si Ayessa noh? Pero nireject ka! Kaya ka nangrereject na rin kasi nireject ka ng crush mo!" akusa nila na ikinalaki ng mata ko at umiling.
Hindi ko gusto si Ayessa! Kaibigan ko siya!
"H-hindi! Magkaibigan kami ni Maye" nanginginig kong turan ngunit tinawanan ako ng ibang mga babae.
"Ahh si Lomi nireject ni Ayessa!"
"Kawawa naman si Lomi hindi crush ng crush niya!"
"Hahaha! Mahina si Lomi!"
Tinulak ako ng isang babae. Bumagsak ako sa sahig at naiiyak na tinignan silang pinagtatawanan at tinuturo ako na para bang isa akong kahihiyan. Ramdam ko ang nagbabadyang kong luha kaya nagmamadali akong tumayo at nagtatakbo palayo sa kanila.
Hindi ko naman gusto si Maye! Kaibigan ko siya!
Simula noon, hangga't nangrereject ako ng mga may crush sa akin, nagiging kumpulan ako ng tukso. Inaasar na duwag at mahina. Na hindi ako crush ng crush ko. Niloloko nila ako kasi nga tumatanggi ako sa mga may crush sa akin.
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomanceDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...
![Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]](https://img.wattpad.com/cover/252984925-64-k986396.jpg)