31

45 2 0
                                    

Simula ng second grading kaya naman nagkakaroon pa kami ng rason para magsaya at magliwaliw sa school. Finally, nakahinga-hinga na rin! Hindi pa gaano nagtatambak ng gawain kaya nabubuo pa kaming magkakaibigan.

"Heid, where did you buy that?!" nagniningning ang mga mata ni Adi na sinalubong si Heidian at Lomi na galing sa isa sa mga booth ng mga club na nakahanda ngayon dahil may event ulit. Foundation day ng senior campus kaya naman marami kaming oras para magliwaliw ngayon. 

Nilapit ni Heidian ang hawak na sa tingin ko'y strawberry flavored na dessert dahil pink iyon. "Sa Literary club. Gusto mo?" alok nito kay Adi.

Umiling si Adi at nilibot ang mata sa amin. "I wanna buy" anito na agad namang ikinatayo ni Lomi kumakain ng cheesecake at sinamahan si Adi roon sa mga booth.

Nasa student's park kami ngayon dahil puno na naman sa pavillion. Mas okay na rin dito dahil mas malamig ang hangin dahil may mga puno. Eenjoyin muna namin itong araw na 'to para makapagpahinga mula sa mga gawain. 

Si Ria ay tahimik na kausap ni Heidian sa harap namin habang si Lance ay nakaindian sit sa damuhan sa tabi ko. 

Bumaba ang tingin ko kay Lance na tahimik na nakamasid sa akin habang umiinom ako sa lemonade ko. Tumaas ang dalawang kilay ko bilang pagtatanong. 

He shook his head and leaned backward--eyes still on me. "Busy ka this weekend?"

Umiling ako. "Free naman ako sa Sunday"

He nodded and went closer to me. Bahagya akong nagulat nang isandal niya ang ulo sa aking hita. "Let's date" he whispered.

"Okay" sagot ko naman at uminom ulit sa inumin ngunit naramdaman ko ang kaniyang tingin pa rin sa akin kaya binalik ko ang tingin dito. "Saan pala?" tanong ko nang mapagtanto.

"Beach" aniya na ikinalaki ng mata ko at napatayo pa sa gulat.

"Talaga?!" malaking ngisi kong lumuhod sa tabi ni Lance.

He smiled at me and nodded. "'Wag kang maingay. Baka magsisama bigla sila"

Napatango-tango naman ako at hindi na maialis ang ngisi sa labi. Namiss ko magdagat! At sakto dahil inaya ako ni Lance. Mas masaya sana kung isama ko ang iba kaso mukhang ayaw ni Lance kaya hindi na ako nagreklamo pa.

May Battle of the Bands palang magaganap noong hapon kaya naman mabilis na nag-aya sina Lomi na makahanap ng magandang pwesto sa grounds para mamaya. Si Ria ay nagpasundo na  dahil bawal nga rin siyang mahamugan at pagod na rin. Kaso si Adi, hindi sasama!

"You guys can enjoy the show without me. I'll get going!" paalam nito sa amin dahil sinundo na siya ni Larry. 

'Yan din ang hirap kapag may boyfriend e! 

"Si Kuya naman..." rinig kong bulong ni Lomi noong hatakin ko na siya dahil naiwan pa siyang nakatanaw kay Adi. 

Masaya naman ang naging naging mga performances ng mga banda. Halos 8 yata ang nagperform. Apat na banda ang galing sa school at apat din ang galing sa iba. Iyong isang banda na nagperform ay medyo pamilyar at parang narinig ko na iyon noong junior pa. 

Nacurious kami sa isang member noon na parang nakita na naming nakasama ni Alliana. Tinanong ko iyon sa groupchat naming mga babae at sinend pa ang picture nito.

girls girls girls

Me:
alliana parang nakita ko na siyang kasama mo

Mother A:
kapatid ko yan

"Kapatid pala ni Alliana?!" gulat kong sabi kay Maye na napatango-tango.

"Kaya pala gwapo" anito na mabilis na ikinapitik ng ulo ni Lomi sa kaniya. Tinaasan siya ng kilay ni Maye at tinulak agad ang noo nito. "Oh bakit? Totoo naman ah?"

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon