Mas mabango ka sa dati.
Sorry, Adi pero itatabi ko muna ang regalo mo sa aking pabango!
Nagpigil ako ng ngising nagbabadyang magpakita sa aking labi at marahang tumango na lang at kunwaring hindi apektado sa sinabi ni Lomi.
"Lomi, dala mo sasakyan mo?" tanong ni Maye noong makalabas kami ng library. Naglalakad na kaming tatlo ngayon sa gilid ng parke sa school.
"Oo. Bakit?" si Lomi.
Nakapagitan ang dalawa sa akin. Nakita kong tinignan ako ni Maye kaya nilingon ko ito.
"Pupunta kasi ako sa condo ni Randell at may papatulong ako. Ikaw na maghatid kay Leticia" kaswal nitong tanong at sumulyap ulit sa akin.
Kumunot ang noo ko at hinabol ang makahulugang sulyap ni Maye sa akin.
"Si Adi?"
Nilingon ko si Lomi na nakasilip lang din kay Maye.
"Kay Larry na iyon" makahulugan ulit na sabi ni Maye na ikinakurap ni Lomi at tumango-tango.
Nagpigil ako ng ngiti nang magets ang ginagawa ni Maye. She's helping me! I love you sagad, Maye!
Sabado noong maaga ulit kami nila Maye kila Euna para magjogging. Madalas na jogging ang bonding mga babae. Nakakamiss nga sila e! Napakadami naman kasi ng schoolworks namin! Puno pa schedule!
Buti pa sa college, isa o dalawang subjects lang sa isang araw! Gusto ko na lang din magcollege e. Iyon lang, hindi ko pa alam kukuhaning kurso pero... bahala muna.
"Your medicine?" taas agad ng kilay sa akin ni Paige noong makarating kami kila Euna.
Nakanguso ko namang pinakita ang maliit na lalagyan ng aking gamot. Minsan, daig pa nila si Mama kung makapagpaalala! Gets ko naman na nag-aalala lang sila pero kasi para namang mamamatay na ako kung hindi ako makakainom!
"May ginagawa kaya si Hya niyan? Ayain kaya natin. Baka hindi na gumagalaw iyon sa loob ng bahay nila Annie" banggit ko kay Hya dahil minsan noong magkasama-sama kami sa cafe ay nabanggit siya sa amin ni Kuya Gab.
"Pwede naman. Gusto rin naman ni Gab na kaibiganin natin" si Euna nangiti sa aking suhestyon.
Malakas ang pag-ismid ni Paige. "Ayaw nga ni Gab tayong palapitin do'n"
Natawa si Adi sa ate niya. "Paano, Kuya Gab see us as a cult! Wala naman tayong ginagawang kalokohan..." si Adi na sumulyap kay Alliana na tahimik na nailing.
Euna eyed Paige. "Kaibiganin kasi, hindi bwisitin" nanliit ang mata nito.
Paige innocently ignored that and continued to stretch.
"Sa'min tayo mamaya. Ria wants to see us" si Maye bago kami tumungo sa bahay nila Annie dahil doon nakatira si Hya bilang isang kasambahay.
Iyong nanny kasi ni Annie na si Nanay Patrina ay mayordoma kila Annie at coincidently, apo niya si Ate Hya. Hindi ko alam kung paanong nakarating dito si Hya pero ang alam ko lang ay scholar siya ni Kuya Gab. Psychology ang alam kong kurso niya sa college.
Pinapasok agad kami ng guard nang makita kami. Noong makapasok kami, nahuli namin si Annie na mag-isang nanonood sa malaking TV nila.
Agad niya kaming napansin at malaki ang ngising nagtatakbo sa amin suot ang kulay pink niyang pantulog.
"Mga ate! Hello po!"
Nakakahawa ang ngiti ni Annie. Mukha talaga siyang baby lalo na't nawala pa ang mga mata niya. Kapansin-pansin na rin ang pagbabago ng physique niya, marahil nagdadalaga.
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomanceDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...