Tahimik ngunit nagmamadali akong lumabas ng bahay. Kahit madilim, tanaw ko si Lomi na nakasandal sa aming gate at kitang-kita ko ang paggalaw ng kaniyang balikat.
Tinakbo ko ang gate at binuksan iyon. Nang humarap sa akin si Lomi ay hindi ko man nasilip ang kaniyang mukha at agad akong dinamba ng yakap.
Gulantang ako sa inasta ni Lomi ngunit nangingibabaw ang pag-aalala ko rito dahil unti-unti nang nababasa ang balikat ko.
Umiiyak si Lomi.
Nilulukot ang puso ko sa bawat paghangos at paghikbi ni Lomi sa aking bisig. Ang kanan niyang kamay ay nakayakap sa aking balikat at ang kaliwa ay nasa gawing ibaba ng likod-- mahigpit akong niyayakap.
"N-napano ka? Lomi?" malumanay kong tanong at nilayo siya sa akin.
Mabilis akong nahawa sa iyak ni Lomi at halos maramdaman ko ang hinanakit ng kaniyang mga mata. He's a crying mess. Patuloy na umaagos ang luha na para bang walang katapusan at hindi siya nahihiyang ipakita sa akin iyon.
Humangin nang malamig kaya halos kilabutan ako. Dahil baka mahamugan pa kami, hinatak ko na siya sa loob ng bahay. Hatinggabi na rin halos kaya naman kanina pa tulog si Mama. Sa sala sana kami p-pwesto ngunit nang mapagtanto kong baka magising sila mama ay hinatak ko na si Lomi sa aking kwarto.
Inupo ko siya sa kama at tinabihan siya roon. Hindi ko binitawan ang kamay niya dahil malamig iyon at bahagya pang nanginginig. Umiiyak pa rin siya at mukhang hindi pa tatahan kaya naman tumayo na ako sa harap nito at hinatak siya ng yakap.
Lalong kumirot ang puso ko nang yumakap lalo si Lomi sa akin at mas mahigpit sa kanina. Naramdaman ko na lang din na umaagos na pala ang mga luha ko.
Ang makita si Lomi na ganito ang sitwasyon ay hindi pa kailanman sumagi sa isip ko. Ni hindi ko rin alam kung anong gagawin kun'di ang damayan at yakapin siya para man lang gumaan ang loob niya.
Pero hindi rin yata tumatalab ang yakap ko sa pagpapatahan sa kaniya dahil lalo lang siyang umiiyak.
Humangos ako at inayos ang sarili. Hinawakan ko ang balikat ni Lomi at tinulak siya para makita siya. Nasa baba lang ang mga mata niya at halata ang pagod sa kaniyang mukha. Nalaglag ang kaniyang mga kamay.
I bit my lips. "Anong nangyari, Lomi?" tanong ko na ikinaahon ng kaniyang tingin sa akin.
My lips trembled with how devastated Lomi is right now. "C-cake... bakit gano'n..." nanginginig niyang turan at umagos ang panibagong mga luha. "B-bakit parang w-wala lang kay Papa ang lahat... b-bakit parang k-kami lang ni Kuya ang nag-aalala... b-bakit kami lang ang nasasaktan..."
Lumunok ako at umupo sa tabi ni Lomi. Bumaba ang aking mga kamay sa kaniyang kamay at sinakop iyon. Sinundan ako ng tingin ni Lomi.
"C-cake, m-miss na miss ko na si M-mama... g-gusto ko na siyang m-makasama..." nanghihina at pagod niyang iyak sa akin.
Ngayon ko lang narinig 'tong boses ni Lomi. Halos sumugat na ang sakit sa kaniyang tinig na para bang wala akong magagawang lunas doon. Wala akong ibang mahimigan doon kun'di sakit at pangungulila.
"G-gusto ko n-na ng mama... a-ang tagal niyang bumalik... b-bakit bigla niya na lang kaming i-iniwan? C-cake, si Mama, miss na miss ko n-na..."
Nanginig ang labi ko sa emosyon na nangingibabaw sa amin ni Lomi. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Lomi dahil pakiramdam ko, nararamdaman ko rin ang pinagdadaanan niya. Na kung ano man ang iniiyak niya, iyon din ang nararamdaman ko ngayon.
"C-cake, si M-mama..." paulit-ulit na iyak ni Lomi.
Humangos ako at hinagod ang likod ng kaibigan. "N-nandito ako, Lomi. Ilabas mo sa'kin lahat ng hinanakit mo..." I muffled against his shoulders.
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomanceDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...