Ria was shy and quiet most of the time pero minsa'y sumasagot sa mga tanong ko. Pinakilala na rin kami ng pormal ni Maye sa kaibigan at agad na inunahan ang mga lalaki na alam niyang magtatangka!
"Boyfriend niya ang kuya ko! So she's off limits. Bawal siyang harutin dahil papatol siya!" asar ni Maye sa kaibigan na nakatanggap ng kurot sa kaniya.
Kalauna'y dumating si Adhara na agad kong sinalubong. Magkatabi kami ni Lomi at wala nang bakanteng upuan kaya sabay pa kaming napatayo at nagkatinginan.
"Alis ka d'yan para makaupo si Adi!" tulak ko sa kaibigan na busangot na tumayo at kumandong kay Lance na hinatak agad siya.
Natawa si Adi kina Lomi at Lance. "Clingy ka pa rin pala kahit sa friends mo, Lomi" ani Adi na ikinanguso lang ni Lomi at humilig pa kay Lance na akala mo'y magkapatid lang sila.
Kaming mga babae ang naging maingay lalo na't may sarili kaming mga mundo. Ang mga lalaki ay may sarili ring mga usapan at pinagtatawanan. Mamayang 10 am pa raw ang program orientation for the new school year kaya naman dito na muna kami nag-ubos ng oras at para na rin makapagsama-sama. Hindi rin alintana ang ingay ng ibang estudyante dahil mas maingay naman kami.
"Oh, you have an American blood? That's what I thought! Features mo pa lang..." si Adi noong magkwento si Ria sa kaniyang buhay.
Ngumiti si Ria at hindi ko maiwasang mapanguso dahil nakakaakit ang ngiti niya... Ang ganda kasi niya talaga! Ibang-iba rin ang dating niya sa aming tatlo dahil medyo matured siya tignan kahit 18 pa lang din siya! Ilang buwan lang din ang pagitan sa amin.
"Nakapunta ka na ring Amerika?" tanong ko na ikinatango-tango ni Ria.
"My grandparents lived there. Father side. Every summer kaming nandoon. Nito lang hindi dahil hindi ako sumama coz' I heard that Maye came home..." aniya at nginisihan ang kaibigan na inirapan lang siya.
"Ang hirap paniwalaan na kaya mong ipagpalit ang bakasyon mo sa akin..." si Maye.
"That's true ah!" si Ria na nakipagtawanan kay Adi.
Halos hindi ko maialis ang mga mata kay Ria kasi ang ganda niya talaga! Kung hindi niya pa nahuli ang mata ko ay hindi pa mapupunta ang mata ko kay Lomi na nahuli kong sumulyap sa amin.
Nang mag-9:30 naman ay nagkaayaan na kaming tumungo sa auditorium dahil doon magaganap ang orientation. Dahil grade 11 ang mga mauuna, nakanguso ngayon si Adi na kumakaway sa amin pagkatapos namin siyang ihatid sa room nila dahil room-based orientation lamang ang mangyayari sa mga grade 12.
"Text me when you guys are done! Let's have lunch together!" si Adi nakangiti pa ring nakatanaw sa aming pag-alis.
Nilakad na naming magkakaibigan ang daan patungo sa auditorium. Sa likod iyon ng malawak na stage sa tabi ng court. Malawak talaga ang campus na ito dahil may field na sa kabilang bahagi ng pavillion tapos mayroon pang isang sementadong field sa harap ng stage na sa tingin ko'y para sa mga ginaganap na events.
"Ahh, parang mas masaya rito sa senior high! Ang daming facilities!" I grinned while skipping happily.
Mas presko sa junior pero dito sa seniro high, mas nakakaenganyo mag-aral kasi balanced ang kapaligiran!
"Ang likot mo naman, nakakahilo ka" si Maye noong bahagya akong nadikit sa kaniya dahil naglilikot talaga ako.
I giggled and started to walk peacefully. Nasa likod ang aking kamay at naramdaman na may humawak sa aking balikat. Nilingon ko si Lance na nasa bulsa ang isang kamay at tahimik na naglalakad.
Si Maye, Ria, at Ivan ay ang mga magkakasabay sa paglalakad lalo na't nagkakausap-usap din sila. Iyon din ang nakakabilib kay Ivan e. Kaya niyang makipag-usap sa mga taong nagustuhan niya nang walang ilang o malisya.
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomanceDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...