24

76 2 0
                                        

Iyon na ulit ang huling pagkikita namin ni Lomi dahil noong umuwi siya ay wala na ulit akong balita sa kaniya. Deactivated pa rin ang social medias nila dahil na rin sa nakwento niya, kailangan muna nilang lumayo sa social medias at dudumugin sila ng publiko.  May isa kasi siyang tita na naging parte ng modeling industry at showbiz noong kabataan. Hindi na niya naidetalye ang nangyari pero sabi niyang nagkaroon nga ng problema sa pamilya nila kaya tahimik muna sila.

Sa mga video call namin ni Maye, mukha naman siyang okay at walang pinoproblema. Minsan pa nga'y sumisingit ang isa niyang kuya na si Kuya Jake at ang mga pamangkin niyang sina Jasmine at Damian. 

"Jasmine is Ate's daughter and Damian is Kuya Jake's. Sila ang nagpapaingay sa bahay" kwento ni Maye noong magkatawagan kami. 

"E 'yung kuya mo? Si Kuya Jace? Single?" ngisi ko sa huling sinabi.

Maye rolled her eyes at me. "You have no chance, Leticia"

Napahagalpak ako ng tawa. Ang sakit naman mang-real talk ni Maye!

"Tsaka, it looks like my best friend, Ria, is also here. I wonder what she looks like now..." wala sa sariling sabi ni Maye ngunit hindi ko napagtuunan ng pansin ang kaniyang sinabi dahil nag-init agad ang tainga ko sa word na "best friend"!

"Ah gano'n. May best friend ka d'yan pero nagagalit ka sa'kin kapag mayroon akong iba!" maktol ko.

Maye smirked at me. "Mayro'n naman talaga ah? Nagtatago ka nga lang ng pagtingin..." makahulugan nitong sabi na ikinapigil ko ng ngisi. 

Kung tutuusin nga, mas prefer kong maging best friend si Lomi kaysa kay Maye! Parehas man silang brat at lagi akong inaaway, si Lomi ay minsan din sweet at clingy kaysa kay Maye na nagiging clingy lang kapag bad mood!

Pinapaalala ko kay Maye ang aming outing na magkakaklase lagi tuwing nagkakausap kami. Baka kasi hindi umattend 'tong babaeng 'to! Ayaw ko mang aminin pero namiss ko rin si Maye. 

Ang layo naman kasi nila. Corella lang siya pero sa dulo pa! Hindi pa ako nakakarating doon malayo-layo rin talaga. Kaya nakakapagtaka kung paanong nakarating ng Nouvaunde si Maye nang mag-isa e! Laki siyang yaman at hatid-sundo ng driver nila tapos makakapagcommute siya nang walang alam?

Nevertheless, nakakaproud ang best friend ko dahil nakayanan niyang mamuhay mag-isa!

Outing na naming magkakaklase at lahat kami ay nagrenta lamang ng mga van para isang puntahan. May ibang nagdala ng sasakyan nila kaya naman doon ang iba. Sa isang resort kami nagrenta at public iyon kaya paniguradong dadagsain iyon lalo na't summer. 

At hindi nga ako nagkakamali dahil halos karamihan ng taong naroon ay mga kaedad namin! Mukhang mga estudyante sa ibang school pero nang makakita ako ng isang galing sa STE ay may umusbong sa aking tuwa. 

Dito rin kaya sila Lomi? Makikita ko na naman ang abs ng best friend ko!

Dahil maganda rin ang resort at malawak, hindi na kami nagsayang ng oras para magsaya. Iniwan na lang namin ang mga class officer na inaayos pa ang mga gamit sa cottage. Last duty naman na nila iyon!

Hindi nagtagal ay naaninag ko na ang ilang mga kakilala kong STE. Sa isang gawi sila nagmumula at mukhang doon ang cottage nila. 

Kaya naman hindi na ako nagulat nang makita sina Heidian at Lomi na kapwa nagtutulakan patungo sa pool habang si Ivan ay nakapamulsa lang na nililibot ang tingin. Papalapit ako sa mga kaibigan at tatawagin sana nang matigilan ako sa sumunod.

Akala ko ba nasa ibang bansa pa 'tong berat na 'to?

"Lance! Ivan!" tawag ko sa mga kaibigan dahil si Lomi at Heidian ay nagkakaladyaan na sa tubig.

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon