40

51 2 0
                                    

"Anak, nagkita na ba kayo ni Lomi? Hinahanap ka niya kanina" 

Umahon ang ulo ko mula sa pagkain sa maingat at malumanay na tanong ni Mama. Kita ko ang kyuryoso at pag-aalala niya, paniguradong sa nasaksihan kagabi. 

"Ma, pwedeng huwag mo muna tanggapin si Lomi kapag pumunta siya? Hindi kami okay, Ma" 

Hindi man nagulat si Mama, lalo naman siyang nakyuryoso. Si Papa na nakatingin na rin sa akin ay nananahimik lamang at sumulyap kay Mama. 

"Gano'n ba, 'nak... e pwede ko bang malaman kung anong pinag-awayan niyo?"

Away ba 'yon? Kasi kung away 'yon, aasahan ko pang magkabati kami ni Lomi pero hindi ko na yatang magawa pang makipag-usap kay Lomi o kitain siya. Ni hindi ko na nga yata siyang kayang tanggapin pa ulit. 

Pagod akong umiling sa ina at binaba sa pagkain ang mga mata. "Ayoko na lang munang pag-usapan, Ma. Nakakapagod e..."

Bumuntong-hininga si Mama. "E sana lang ay makapag-ayos kayo agad. Nakakalungkot dahil lagi pa naman kayong magkasundo at magkasama..."

Oo nga, Ma e. Lagi kaming magkasundo at magkasama pero... hirap naming mapagtagpo ang isa't isa. 

Tahimik ang Sabado at Linggo ko. Nagsabi rin ako kina Maye na hindi muna ako sasama sa pagsasama-sama nila sa mga Alfanta. Naintindihan niya naman ang sitwasyon ko at siya na raw ang bahala sa pagpapaliwanag. 

Pero hindi ko naman inaasahan na sa sobrang pag-aalala nila, dadayuhin pa nila ako. Binigyan ko naman si Maye nang maliit na ngiti nang makitang walang ni-isa sa mga Alfanta at tanging mga babae lang. 

"Nakapagpacheck ka ba? What did the doctor say?" si Paige na kunot man ang noo ay sumisilip ang pag-aalala noong nasa sala na kami. 

Katabi ni Paige si Alliana na tinutulungan si Mama sa pagbababa ng mga meryendang inihain nito. Si Euna ay katabi ko na habang si Maye ay nakaupo sa armrest ng kinauupuan na isahang upuan ni Adi.

"Normal na sakit lang naman. Nasabay rin na... nagkaroon ako kaya ganoong hindi ko kinaya" pagsisinungaling ko at kinagat agad ang labi. 

Euna smiled as she pats my back. "Mabuti at nagkaroon ka na rin. Sana maging regular na"

Ngumiti ako kay Euna. Nagsalita naman si Adi na alalang-alala pa rin sa akin. Hindi ko maiwasang mahiya rito dahil... sa nangyari.

"We really thought you were kidnapped noong prom! We even paged you to the MC dahil hindi ka namin mahanap that night" si Adi. 

Napaawang ang labi ko at nahihiyang iniwas ang tingin dahil sa hiya. Pinapage pa nila ako? Paano kung may nakakita sa akin na tumakbo palabas nang umiiyak?

Maye chuckled. "Buti nga rin at nagtext agad sa akin si Tita Flor na... umuwi ka dahil sumakit ang puson mo." 

Halos magningning ang mata ko kay Maye sa pagsasalba niya sa akin sa usapan. Ilang kumustahan at kwentuhan pa ay nagsiuwi na rin naman sila lalo na't may pasok pa kinabukasan. 

Iyon nga. May pasok kinabukasan kaya hindi ko alam kung paano ako makakagalaw nang nandyan si Lomi. 

Me:
Lance, pwedeng pasundo?

Napakagat ako ng labi at kahit wala namang masama sa sinabi ko ay nahihiya ako bigla sa kaibigan. Knowing na hindi naman talaga sa kaniya ako nagpapasundo pumasok ay paniguradong may iisipin 'to.

Lance:
sure

Naramdaman ko ang kamay ni Mama sa aking balikat noong lumabas ako sa teresa para hintayin si Lance. Nilingon ko si Mama na nakangiti ngunit malungkot ang mga matang nakatingin sa akin. 

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon