Nakapagbihis na ako ng maayos-ayos na damit. Disente para hindi na pagnasahan ni Lomi! Oo at crush ko siya pero hindi ko inisip na mapunta kami sa sitwasyon na ganoon ah...
Lumabas ako ng kwarto na parang wala lang. Ganoon din si Lomi nang makita ko siya sa sala na nakaharap na sa kaniyang laptop. Kung ano-ano na ang pinipindot niya roon at mukhang wala ring pakialam sa presensya ko kaya naman umayos na lang din ako.
Tumikhim ako at tumabi sa kaniya. Nakita kong may kung anong nakaopen na notepad sa laptop niya at sobrang daming letters at numbers na hindi ko maintindihan.
"'Yan ba ginagawa niyo sa ICT?" I asked when I remembered na ganoon nga pala ang ginagawa ng mga ICT na kakilala ko.
Lomi hummed. "Coding kami ngayon e. Assignment"
Tumaas ang kilay ko nang marinig iyon. Assignment naman pala pero bakit dito sa'min ginagawa? Wala naman kaming wifi! Sa Christmas break pa raw kami magpapakabit.
"Wala kaming wifi, Lomi. Alam mo iyon. Nandito ka ba talaga para mag-aral?"
O para sa'kin?
Nagpigil ako ng ngiti sa banat ko. Kaya ako umaasa e!
Nilingon ako ni Lomi at tinaasan ng kilay. "Gusto kong nag-aaral dito kasi presko, Cake. Tsaka, wala si Kuya sa bahay kaya wala akong kasama sa'min"
Tumagilid ang ulo ko at naguluhan kay Lomi. Mukha ba akong maalam sa computer at dito siya sa amin gagawa?
Madalas mga palusot o dahilan ni Lomi, ang hirap intindihin. Para bang may ibang kahulugan 'yung dahilan niya na ayaw niyang sabihin.
"Kailangan mo ba ng kasama para mag-aral?" natatawa kong sabi.
Lomi didn't say a word. Naiwan siyang nakatitig sa akin na ikinailang ko naman. Unti-unti akong ngumuso at inirapan siya.
"Bahala ka na nga kung anong gusto mong gawin. Gusto mo ba ng meryenda?" sabi ko at tumayo para umalis.
Hindi siya nagsalita kaya naman nilingon ko siya at nakitang nakatitig pa rin siya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit sumibol ang init sa aking pisngi sa ginagawang paninitig ni Lomi. Baka naman pinagnanasahan na naman niya ako?!
Magsasalita na sana ako at sisitahin ang paninitig niya nang magsalita siya.
"Juice" aniya at tsaka binalik sa laptop ang kaniyang tingin. "Juice lang"
Dahan-dahan naman akong tumango at naiiling na tumungo sa kusina. Iba talaga ang prinsipe. Demanding.
Nagtimpla na lamang ako ng juice at nagdala ng dalawang baso para sa aming dalawa. Dinala ko iyon sa isa pang mesang maliit sa gilid ko at nilipat iyon sa tabi ng aming coffee table kung saan naglalaptop si Lomi.
Humalukipkip ako sa kinauupuan at pinanood lamang si Lomi sa kaniyang ginagawa. He's leaning closer to the table. Nakabukaka ang mga hita at tahimik na nagtitipa sa kaniyang laptop.
Sinubukan kong intindihin ang mga nakatipa roon ngunit puro kung ano-anong letter at symbols ang naroon. Ang salitang "body" lang yata ang naintindihan ko.
Lumipas ang ilang minuto ay talagang nabagot na ako sa kakanood kay Lomi. Sa halos ilang buwan naming magkalapit ni Lomi, nakikilala ko na siya nang slight.
Bobo siya pero grade conscious. Pwede pala iyon?
"Lomi" tawag ko sa mahinang boses. Hindi niya naman ako pinansin at tutok na tutok sa ginagawa. Sinipsip ko ang ibabang labi at tinusok ang tagiliran niya. Nanlaki ang mata ko nang hindi man niya yata naramdaman. He didn't even flinch!
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomansaDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...
![Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]](https://img.wattpad.com/cover/252984925-64-k986396.jpg)