Katatapos lang ng video sa PE namin at sabya-sabay kami ng mga kaklase ko na nagpakawala ng hininga at nagsigawan dahil sa wakas, makakapagbakasyon na kami. Friday at sa Thursday next week magaganap ang annual recognition ng mga honors. Sa susunod na Friday naman ang graduation ng grade 12.
Kasama kami nila Maye sa honors. With high pa nga kaming dalawa at sina Lance at Lomi ay kapwa pasang-with honor. Kahit madalas, nangongopya lang talaga sila sa amin.
Sila Ivan at Heidian ay nasa bench kung nasaan ang mga gamit namin. They're eyeing the girls na dumaan sa kanilang harap at nagsibati. Nailing ako at tumungo sa kanila. Alas dos na rin ng hapon kaya naman nagpasya nang magsiuwi agad ang mga kaklase ko. Hetong sa PE na lang kasi talaga ang gagawin namin at tapos na kami sa lahat ng requirements. Naghihintay na lang talaga ng bakasyon.
Sila Ivan at Heidian ay nakita ko nang hitak nila Lance at Lomi sa canteen. Nakita ko pa ang sabay-sabay na naman nilang pagtingin--pwera kay Lomi-- sa nagsidaan kong mga babaeng kaklase.
Napangiwi ako sa sarili at kinalabit si Maye na umiinom sa kaniyang tumbler. "Kaya pala tuwing PE natin, nanonood lagi sila Heidian."
Maye glanced at them and chuckled. "Syempre, maraming legs ng mga girls. They would feast on them"
Nailing ako at natawa sa isip. Hindi pa ba ako masasanay e hindi nga lang hita ng mga babae ang nakita na ng mga 'yan.
Bumalik ang mga lalaki na kapwa nagtatawanan na at mukhang may nagawa na namang kalokohan. Si Lomi ang nakita kong nauuna sa kanila at nagtungo sa aking gilid.
Naglugay ako ng buhok at aayusin sana iyon nang ilahad ni Lomi ang isang sparkling drink.
Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na lingunin siya at tignan. Tumikhim lang ako at patuloy na inayos ang buhok.
"Bro, I was just admiring them! Favorite ko pa rin si Julie Torres" si Heidian na kaasaran na sila Lance.
"Heid, nainuman mo na 'yan?" kuha ni Maye sa atensyon nito at inilahad kay Maye ang inumin niyang katulad ng binigay sa akin ni Lomi. Pinanliitan siya ng mata ni Maye.
"Wala pang laway 'yan, Maye. Nadistract ako kanina kay Julie" ani Heidian na ikinakantyaw ng mga lalaki. Si Maye naman ay masayang tinanggap ang inumin ni Heidian at sinulyapan ako.
Napanguso naman ako dahil mukhang masarap ang iniinom ni Maye. Kaya naman kahit na ayaw ko, hinarap ko si Lomi at kinuha ang inabot niya.
Binitawan ko muna ang buhok para makainom nang maramdaman kong sinakop ni Lomi ang buhok ko. My heart skipped a beat with his action. Ni hindi pa ako nakahigop sa inumin sa gulat sa ginawa niya.
I saw how the boys stopped with their girl topic and look at us. Nagngisihan sila at kinantyawan si Lomi. Si Lance pa ang nangunguna.
"Aww, prinsesa na rin si Leticia?" asar nito sa akin na sinang-ayunan ni Heidian.
"Princess treatment din 'yan sa'tin if only Lomi would allow us!" makahulugang asar ni Heidian na ikinatawa na rin ni Maye.
Ni hindi ko na napansin na natapos na pala si Lomi sa pagpupusod ng buhok ko. Napatingin ako sa hairtie kong nasa kamay ko at nagtaka kung paano napusod ni Lomi ang aking buhok.
"Um, heto ang pamusod ko" lingon ko kay Lomi na nakatingin na sa akin habang ang straw ay nasa labi ko pa.
Hinaplos ni Lomi ang buhok ko kaya halos mamula na ako. "I have one"
Wala sa sarili naman akong tumango at iniwas ulit ang tingin sa kaniya. Bakit naman siya may pamusod...
Nang makapagpahinga ay nag-aya na rin akong umuwi ngunit ang mga lalaki, may ibang plano pa at gusto pang gumala.
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomanceDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...