49

50 1 0
                                    

Sa naging bakasyon naming magkakaibigan, inasahan ko na na matatahimik muna kami sa aming mga bahay. May mga sariling buhay rin naman kami kaso nga lang, ako pa itong naninibago!

Dati kapag summer, mas gusto kong nananatili sa bahay dahil ayaw ko ngang mainitan pero ngayon, feeling ko maiiyak ako sa sobrang... pangungulila sa kanila!

Isang linggo pa lang ang nakakalipas noong magbakasyon kami at pakiramdam ko, sobrang bagal ng oras! Sobrang bagal ng araw! Parang gusto ko na lang agad magkaroon ng pasok sa school para lang... makasama sila.

Tahimik ang group chat namin kaya naman mas lalo akong nanlulumo. Baka kasi busy sila sa pamilya nila! Lalo na't summer, paniguradong may mga outing din sila.

Nakahilata ako ngayon sa bakuran namin matapos kong magsampay ng nilabhan. Ang dami ko na ngang ginawa nitong nakaraan para lang maabala ang sarili ko kaso, walang talab! Namimiss ko 'yung ingay nila!

Dito kasi sa bahay kami lang ni Mama ang naiiwan lagi dahil si Papa ay may trabaho at si Ate Luna naman ay marami ring inaasikaso. E kahit nga si Mama, nagsawa na rin sa akin dahil naubos ko na ang lahat ng maidadaldal sa kaniya!

Binuksan ko ang phone at inopen ang group chat namin. Napanguso ako at nakitang walang ibang online. Busy kaya talaga sila? Nakakainip naman ngayong bakasyon!

Masyado ko bang mahal ang mga kaibigan ko at ayoko nang mawalay sa kanila?

Siguro nga kasi pakiramdam ko, hindi ko lang sila makita nang ilang araw, makakalimutan ko na ang itsura nila!

Napahagikgik ako sa sarili. Ayoko namang isawalang halaga ang nararamdaman ko sa kanila dahil totoo 'to. Sobrang thankful ako na naging parte ako ng samahan namin na 'to. Samahan na hanggang sa future ay nakikita ko.

Tumunog ang aking phone kaya halos mapabalikwas ako para makita iyon. May nagchat at si... Maye iyon!

Nakangisi kong inopen ang convo namin ng kaibigan at halos mapatili pa ako nang mabasa iyon.

BFF kong maldita:
tara nga samin im bored

Me:
Sunduin moko wala si mama :*

BFF kong maldita:
fine

Tumayo agad ako at hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi. Para akong batang patalon-talon sa paglalakad papasok sa bahay.

"Ma, kila Maye lang ako!" paalam ko sa ina at pumasok sa kwarto para magbihis.

Nagt-shirt na pink lang ako at high wasted na denim shorts. Buti na lang at nagchat si Maye kundi mabubulok na ako rito sa bahay! Kailangan ko na ng presensya nila!

At kahit noong masundo ako ni Maye ay halos hindi ako magkandamayaw sa tuwa at niyakap pa ang kaibigan. Nakangiwi naman itong tinulak ako palayo habang humahagikgik ako.

"Namiss ko kayo! Nabobored ako sa bahay wala akong magawa!" sabi ko sa kaibigan na tumaas ang kilay at unti-unting nagpigil ng ngiti.

"I thought I was the only one! Wala kasing nagchachat sa group chat. Bored na bored ako sa bahay" si Maye na iisa rin pala ang iniisip!

"Buti na lang nagchat ka! Akala ko kasi may family outing din kayo kaya mga busy"

Maye snorted. "Si Kuya at si Ria lang ang kasama ko sa bahay tapos busy pa sa anak nila. I miss my baby too..."

Kumunot naman ang noo ko at natawa. "Baby? May anak ka na?"

She glared at me. "Si Randell, boba. Kailan ako nagkaanak?"

Hindi ko naman maiwasang mapahagalpak ng tawa. Baby?! Si Randell!? Baby niya?! Hay nako, Maye! Baliw ka rin sa isang 'yan e.

Nakarating kami sa kanila at sa sala kami agad dumeretso. Nang makahilata roon ay bumuntong-hininga agad si Maye at ngumuso sa akin. Ngumuso rin ako at talagang iisa lang ang iniisip namin.

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon