"Ha?! Since grade 7 natin kaklase 'yan?"
Halos lumuwa ang aking mata at malaglag ang aking panga sa nalaman. Iyong babaeng suplada at hindi namamansin, kaklase pala namin since grade 7! Akala ko nito lang dahil nito lang din namin nakakasalamuha!
Si Maria Ayessa. Maganda ngunit suplada! Nakikipagkaibigan ako pero ayaw akong pansinin! Napapaisip ako kung ano bang pinagkakaabalahan nito sa buhay? Kun'di sa school ay sa sakayan ko na lang siya nakikita palagi.
Ngumiwi si Lian sa akin at hinatak ang buhok ko. "Oo, tanga. At ang ingay mo! Sabihin pa niyan pinagchichismisan natin siya"
Nangalumbaba lamang ako at sumulyap muli kay Maria Ayessa na tahimik sa kaniyang upuan. Nakamasid sa harap o 'di kaya'y hawak ang cellphone.
Curious ako sa kaniya dahil last year, siya ang pinanglaban sa amin sa science quiz bee. Dapat din ako ay ang isasali sa poster making kung hindi lang binigyang privelage ang special section para lumaban.
Nakakainis talaga mga special class! Porket special ay sila lagi ang binibigyan ng pribilehiyo! Eh hindi naman ganoon katatalino at puro paarte lang!
Kahit kami ng mga kaklase ko, madalas mainis sa kanila dahil mga brat! Oo at maraming brat sa amin pero sa kanila, lahat na!
Pasalamat sila at section 1 kami, maganda dapat ang reputasyon namin.
"Leticia, sama ka?" Aya nila Kyla matapos ang klase.
"Saan?" Sabi ko at mabilis na iniligpit ang mga gamit. Nakakainis naman kasi mga kagrupo ko! Porket ako ang marunong magdrawing, sa akin na lahat pinagawa!
"Sine!
Ito nga lang ang mga nakakainis sa mga ito. Mga rich kid! Hindi ko naman inaaasahan na kapag naghighschool ako kailangan na rin maging magastos!
Nouveaunde University. Private school nga ito at dapat expected ko nang maraming ganito pero hindi naman kasi ako mayaman! Kung hindi lang ako nakakuha ng scholarship ay baka wala naman ako rito.
Hindi naman ako nagsisisi na mapunta rito dahil dream school ko ito. Elementary pa lang ako ay pinapangarap ko nang makapasok sa ganitong eskwelahan. Maganda ang uniform, nakaaircon ang classroom, at maraming gwapo!
Pabiro akong umirap. "Kakapal niyo ah. Kayo magsisine tapos ako itong napagod sa project natin!"
Humalakhak sila Kyla. "Kaya nga tara na at magsine na lang!"
Umiling ako at maarteng isinukbit ang bag. "I'm busy" sabi ko sa maarteng accent. Nagtawanan na lamang kami bago maghiwa-hiwalay ng landas.
Uwian na kaya nagkalat ang mga estudyante sa paligid. May mga kakilala akong nakakasabay o 'di kaya'y mga kinakawayan. Araw ng Huwebes kaya naman hindi na ako nag-abala pang maglibot o 'di kaya'y magtagal sa eskwelahan dahil tutulungan ko pa si Mama pag-uwi.
Sa hallway nang maaninag ko ang pamilyar na babae palabas ng gate ng values center. Si Maria Ayessa na tahimik na naglalakad at wala pakialam sa paligid. Hindi na ako nagtaka kung bakit lagi siyang dumadaan doon. Tahimik kasi at walang tao pero pwede namang dumaan.
Papunta siya sa gawi ko kaya naman nagtama ang tingin namin. Napansin niya siguro na sa kaniya ako nakatingin kaya tinaasan niya ako ng kilay. Napanguso ako at nauna na sa kaniyang maglakad.
Nagtricycle ako pauwi. Hindi naman matagal bago makaalis dahil may ilang estudyante rin akong nakasabay ngunit sa ibang school nga lang. Mga rich kid ang mga tao sa school ko kaya naman wala kang makikitang magcocommute papasok o pauwi. Kami lang yata ni Ayessa pero mukha namang hindi mahirap si Ayessa dahil sa kaniyang itsura at gamit.
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomanceDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...