Magbabalik klase na at magkakasabay kami nila Lomi mag-enroll. Kulang lang talaga sa amin ay si Maye. Ang hirap tuloy mag-enroll nang hindi siya kaklase! Ang tanging kaklase ko ay si Lomi at Lance dahil si Ivan at Heidian ay sa ibang strand.
Alam kong may nagbago sa aming pagkakaibigan ni Lomi. Or in other words, mas lumalim ang ugnayan namin. He has shown me a side that he hasn't yet shown to anyone. Sobrang laki ng tiwala sa akin ni Lomi para ipakita sa akin ang side niya na iyon na kahit sila Lance ay hindi pa nakikita.
He said that I was the first person he thought of when he felt like everything was crumbling down.
May mainit na humahagod sa aking puso tuwing maiisip ko iyon. Kasi para bang ang special ko kay Lomi na imbis na sila Lance--ang matagal na niyang mga kaibigan-- ang pinuntahan niya ay sa akin siya nagpunta.
I felt special.
"Hindi ba talaga natin mauuwi si Maye rito? Kidnapin kaya natin!" si Heidian na gaya kong hindi rin nagmamaktol dahil kulang kami ng isa.
Nasa student's pavillion kami ngayon sa senior high at marami-rami na ring mga estudyante na nag-eenroll. First day ng enroll-an at nag-uunahan din sa slot. Sa strand kasi namin, limited lang ang slot. Hindi ko nga rin alam kung tama ba 'tong strand na inenrollan ko e hindi naman ako mahilig dito! Puro science at math. STEM kumbaga. Iyon kasi kinuha ni Lomi kaya sumunod na lang din ako.
Hindi ko pa rin kasi alam ang kursong kukuhanin ko sa college. Gusto ko lang naman yumaman! Bakit kailangan pa ng ganitong paghihirap!
Sumang-ayon ako sa kaibigan at tumayo pa para makipagsanggang kamay rito. "Tara. Marunong ka naman magdrive, 'di ba? Tara sa Corella!"
Umakto pa kaming nagplano-plano ni Heidian ng mga gagawin namin at ang mga gagamitin para sa gagawing "pangingidnap" kay Maye.
"Taga-Corella si Ivan ah?" singit ni Lance na ikinapitik ng ulo ko rito.
Ivan looked at me weirdly and shook his head. "I met her there. Hindi ko nga rin alam kung bakit siya nasa club"
Lahat kami ay napasinghap at nagulat sa sinabi ni Ivan.
"Club?!" sabay-sabay naming apat at nagkatinginan pa dahil sa kahihiyang nagawa.
Nalukot ang mukha ni Ivan at nahihiyang yumuko. "God damn, nakakahiya kayo..."
Si Maye?! Magc-club?! Bakit parang bumaliktad ang mundo!
Naging usap-usapan namin iyon. Hindi kaya nagsisinungaling lang si Ivan? Kaso bakit naman?!
Pero nang mabanggit niya na kasama ni Maye ang kaibigan niyang babae ay nasira na agad ang timpla ko.
"Iyon ba ang tinuturo sa kaniya ni Ria? Bad influence naman pala 'yon! Pinagpalit niya ako ro'n?" nakahalukipkip kong buntong sa kanila ng inis ko.
Kaya pala madalang na rin siyang sumagot ng tawag! Kasi nag-eenjoy siya sa bago niyang best friend!
Si Lance na nasa tabi ko ay hinawakan ang aking siko para makuha ang atensyon ko. Inabutan niya ako ng fries kaya sinubo ko iyon ngunit bago ko pa manguya ay ramdam ko ang kakaibang pagmamatyag sa akin ng mga kaibigan.
Nakangiwi si Ivan, nagpipigil ng tawa si Heidian, at walang pake si Lomi na nakatutok sa kaniyang phone.
I pouted when the two burst out laughing.
"I still can't believe you two are a thing" natatawang turan ni Ivan na nakatanggap ng fries na binabalibag kay Lance.
"Why don't you get yourself a girl? Still hanged up from Maye?" patol naman ni Lance na ikinabusangot nitong isa.
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomanceDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...