Sa ugali ni Lomi at kaartehan niya sa mga bagay, minsan nakakalimutan kong laki nga pala siya sa marangyang buhay. Iyong kaartehan niya kasi hindi naman sa mga materyal na bagay o nakakasalamuha kun'di sa kaartehan niya kapag inaaway ako.
Kaya ngayong dumating kami sa bahay ng pinsan niyang si Annie ay hindi ko mapigilan ang mamangha pa rin dito kahit nakapunta na ako nang isang beses dito.
Nangangarap din kasi ako na tumira sa ganitong bahay! Kuntento ako sa simple naming buhay nila Mama pero hindi rin naman masamang mangarap nang mas mataas!
Pumasok kami ni Lomi sa mansyon na ito at sa tanggapan pa lamang ay halos malula ako sa high celing nito at ang nagniningning na chandelier. Hawak ko rin ang kamay ko sa aking likod habang sumusunod kay Lomi na papunta sa ikalawang palapag. Baka kasi makabasag ako sa paglilikot ko at sa masyadong paghanga sa kabuoan nito!
Humawak naman na ako sa railings nang nasa hagdan na at halos kumulo ang tiyan ko sa kakaibang nararamdaman habang pinagmamasdan ang karangyaan ng bahay.
Gusto ko rin ng ganito in the future! Gusto sa ganito kami titira nila Mama.
Pumasok si Lomi sa isang kwarto kaya sumunod ako at halos hindi ko maipinta ang mukha sa nakita.
Ang mga lalaki ay lahat tulog sa sahig ng kwarto ni Annie. Mga nakafoam at kapwa magugulo ang mga puwesto. Si Annie ay mukhang prinsesa sa kaniyang higaan at mahimbing pang natutulog. Mukhang walang nag-abalang mag-alarm sa kanila dahil talagang ni-isa ay walang gising!
"Ano bang ginawa niyo kagabi?" kyuryoso kong tanong kay Lomi na nakakunot na ang noong binubulabog ang mga pinsan. Naiwan ako sa pintuan.
Lomi hissed. "Ginising ko na sila kanina e! Nakakainis naman" reklamo ni Lomi at parang batang nagmartsa patungo sa akin at lumabas.
Napanguso naman ako at sinilip ulit ang kwarto. Nakita ko pa si Kuya Gab na nagkamot ng tiyan, sanhi para umangat ang damit at sumilip ang magandang katawan. I blushed furiously and grinned. Ang agang nabasalan ng araw ko!
Sumunod ako kay Lomi na lumabas ng bahay at saktong kadarating ng pinsan niyang si Crane na kasama si Euna na akala ko pa'y anghel sa sobrang pagliliwanag!
Nakawhite siyang dress habang ako'y nakafloral. Malaki naman ang ngisi kong nilapitan siya habang si Lomi ay parang bata nang nagmamaktol na nagrereklamo kay Crane na tulungan siyang gisingin ang mga lalaki.
"Hello! Ikaw 'yung girlfriend ni Crane, 'di ba?" bati ko rito na agad naman akong napansin dahil nakay Crane pa ang mga mata niya kanina.
She smiled softly. "Hi, Leticia."
Bahagya pa akong nagulat dahil natandaan niya ako. "Euna noh?"
She giggled while nodding. Pinagmasdan ko siya at hindi ko maiwasang mapanguso sa kaniyang kutis.
"Nag-gluta ka ba? Ang puti mo talaga! Tapos medyo maliit din" biro ko dahil medyo mas matangkad ako sa kaniya nang mga 1 or 2 inches.
"No" tawa ni Euna na lalo kong ikinangiti. Mukha siyang tofu na nakangiti! O kaya mochi kasi ang lambot ng tawa niya.
"Ang puti siguro ng magiging anak niyo ni Crane, noh? Jusko, nakakasilaw!"
Tumawa si Euna na lalong nagpakomportable sa kaniya. Iniisip ko palang ang anak nila ni Crane, parang iyon na ang bagong white na color sa sobrang puti!
May dumating na kaibigan si Euna na mukhang napadaan lang dahil nag-aapura pa yata. Maganda rin siya at kasing amo ang mukha ni Euna. Mukha siyang hindi makabasag-pinggan, kung tutuusin.
Hinihintay na lamang namin ni Euna ang mga lalaki na naririnig ko na ang ingay ngunit nangingibabaw si Lomi na akala mo'y atat na atat makaalis. Mabuti naman din at kagabi palang ay nandito na sa bahay nila Annie ang mga gamit nila at nakahanda na lahat. Isasakay na lamang sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
عاطفيةDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...