41

44 1 0
                                    

girls girls girls 

Adilicious:
I'll make a strawberry shortcake. Wanna help me?

Paige the prettiest:
Extra cream? We got your back, babe

smoleuna:
sure!

Maye, senior baby 1:
sabi ni randell marami raw pink aprons si kuya gab! let's grab each of us!

Friday at saktong maaga ang tapos namin ngayon. Bukas na rin ang birthday celebration ni Adi at mukhang gusto pa nga niyang gumawa ng sarili niyang cake. Mahilig si Adi sa strawberries kaya hindi na ako nagtaka kung bakit strawberry shortcake ang gagawin niya. Kahit anong strawberry flavored yata ang ibigay sa kaniya ay kakainin niya. 

Sa sinabi ni Maye, sinundo kami nila Paige. Si Adi raw ay kasama na ni Larry na namili ng ingredients at kami na lang din ang kulang. 

"I'll ask Gab first. Baka mag-alburoto 'yon kapag nakita niyang ubos ang aprons niya" si Euna na nasa front seat at nilalabas na ang phone. 

Paige snorted. "As if papayagan tayo no'n"

Si Alliana ay tahimik sa tabi ko habang si Maye sa likod ay busy sa kaniyang phone. 

"Pasama kaya tayo kay Hya? O kaya, pakuha natin?" suhestyon ko na nakatanggap ng mataas na kilay kay Paige sa rear mirror. 

"As if susundin tayo no'n?"

Bagay lang talaga kay Paige 'yung nickname niya nu'ng grade 12 siya e. Malditang trasnferee.

Nakarating kami kila Kuya Gab at hindi na bago kung bakit ang daming kasambahay na naglilinis. Madalang kami kila Kuya Gab pero kapag tatapak kami sa kanila, walang ni isang dumi kaming makikita sa kahit saang sulok ng bahay nila. 

Si Tita Andy kasi, ang mama ni Kuya Gab ay maarte at malinis talaga sa bahay. Kaya nga rin hindi talaga kami pwedeng tumambay dito dahil paniguradong magugulo ang buong bahay. 

Mukhang hindi nga namin mahihingi ang mga pink aprons ni Kuya Gab dahil hindi raw alam ng mga kasambahay kung saan iyon nakalagay. Kaya ngayon ay no choice kaming pumunta kila Annie para hanapin si Hya. 

Agad naming nilikod si Paige dahil baka kung ano na namang pang-aasar ang gawin niya kay Hya. Si Euna ngayon ang nakikipag-usap kay Nanay Patrina na saglit pumasok sa maid's quarter at maya-maya lang ay lumabas si Hya na walang pinagbago ang itsura. 

This time, hindi na siya gaanong takot na makita kami, marahil sa nangyari noong nakaraan sa cafe noong dinala siya ni Kuya Gab at nasaktuhan kaming naroon. 

Si Euna ang ngumiti at lumapit agad kay Hya. "Hya, I was just wondering if alam mo kung saan nakalagay ang aprons ni Gab?"

"Aprons?" at sumulyap siya sa amin. 

Tumango si Euna. "'Yung mga pink sana"

Napakurap si Hya na para bang naweirduhan. "Bakit 'yung pink? Ayaw niyang pagalaw 'yon"

Nagkasulyapan kami nila Euna. Naramdaman ko si Paige sa aking gilid kaya napatingin kami rito. 

"We'll bake a cake e... at pwede naman, join us! Kung ayaw mo naman, pahiram na lang ng aprons ni Gab"

Rinig ko ang buntong hininga ni Alliana sa sinaad ni Paige. Nakita ko kung paano magtagal ang mata ni Hya kay bago pumasok sa Maid's quarter. Agad na nakatanggap ng masamang tingin si Paige mula kay Euna. 

"Paige, ayan ka na naman"

Paige innocently smiled and acted offended. "I was being kind and friendly!"

Alliana scoffed. "Friendly, huh"

Lumabas muli si Hya at napasinghap ako nang iabot niya sa amin ang isang paper bag na sa tingin ko'y mga aprons dahil nakikita ko ang kulay noon. Dahil kahit sila Euna ay gulantang sa nangyari, si Paige na ang tumanggap ng binigay ni Hya at matamis pa itong nagpasalamat. 

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon