Matapos naming maglaro at nang kapwa mga napagod na ay nagtungo kami kila Euna para makapagpahinga. At talagang hindi kami hinayaan ng mga lalaki makatakas sa biyahe dahil nakabuntot sila sa amin! Akala mo'y wala talagang hangganan ang mga kalokohan namin e.
Noong makarating kila Euna ay sa sala kami nagsipwesto lahat para makapagpahinga ngunit hindi yata uso iyon sa amin dahil hindi pa rin sila natitigil sa tawanan at asaran sa mga nangyari kanina.
"Paanong hindi matatalo ni Adi si Larry e konting pacute lang ni Adi e parang si Lomi lang si Larry! Nawawala sa focus amputa" si Kuya Gab na namumula na kakatawa sa mga bugukan nila Art.
Si Clane na nasa sahig at nakasandal sa hita ni Paige na nakaupo sa tabi nila Maye ay humagalpak sa tawa. "OA pa naman madalas si Lars."
Patuloy sila sa asaran. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila nang ayain ako ni Adi sa kusina para uminom ng tubig. Sa ngisi ni Adi sa mga kwento ng mga lalaki, halatang sinasadya niya ang mga ginagawa kay Larry.
"Did you enjoy the game?" makahulugan nitong turan at ang mata'y iba na ang pinapahiwatig.
Ngumuso ako. I leaned on the counter as Adi drank her water. "Napagod ako pero okay lang. Kaysa maburyo ako sa bahay" sabi ko at tumawa.
Adi shook her head while chuckling. Sa kanan ko—gilid ng counter—ay sumandal siya roon at tinignan ako mula sa balikat. "The score between you and Lomi."
Napakurap ako sa binanggit ni Adi. Adi smiled apologetically before sighing. "I'm... not aware that... Lomi likes me, Leticia"
Umawang ang labi ko sa bahagyang gulat. Sumulyap pa ako sa gawing likuran namin kung may tao ba pero lahat sila ay nasa sala at nag-e-echo ang kanilang ingay.
Simula noong makabalik si Adi, ngayon pa lang kami nakapag-usap nang... kaming dalawa lang at tungkol pa kay Lomi. Hindi ko rin inaasahan na malalaman niya iyon pero...napagtanto ko ring hindi iyon imposible.
Paniguradong sinabi na sa kaniya ni Larry ang lahat lahat at hindi exception ang tungkol kay Lomi. Iyon pa nga ang dahilan kung bakit laging nag-aaway sila noon ni Adi dahil... gusto niyang pinapaboran ang kapatid.
Adi held my hand. "I'm sorry if I couldn't see his... feelings for me. I was oblivious to it. I want to say sorry for the time na... I was being insensitive to his affection for me."
Panis akong natawa at nahiya sa kaibigan. "Hindi, Adi. Hindi mo naman kasalanan kaya 'wag kang magsorry"
Adi pouted and faced me. Kiniling niya ang ulo at nginitian ako. "But still, I'm sure na... nasaktan ka noong nalaman mong ako ang... gusto ni Lomi. We both know how much you like him, Leticia"
We both know how much you like him, Leticia
Napalabi lamang ako at hindi rin talaga alam ang sasabihin kay Adi. Marahil, guilty din dahil napagselosan ko ang kaibigan na wala namang ginawa talagang kaselos-selos. Tsaka, ang hirap na ring hanapin ng nararamdaman ko kay Lomi gayong... nakakatakot na ring ilabas pa.
Adi nodded to herself as her eyes wonder around. "We're best friends. Lagi kong nakakalaro si Lomi because we're both game addicts pero... hindi ko naisipan nang kakaiba ang pagtrato sa akin ni Lomi. I don't feel any romantic connection with him"
Adi smiled at me. "Ang alam ko talaga ay ikaw ang gusto ni Lomi una pa lang dahil ikaw ang laging binabanggit niya sa mga pinsan niya. He was denying it, oo, but as time goes by, hindi na namin pinapaniwalaan si Lomi. He likes you. Hindi niya lang narealize agad"
Napakagat ako ng labi. Ang marinig kay Adi—ang dating gusto talaga ni Lomi—ay nakakabigat ng damdamin sa hindi ko maipaliwanag na paraan. Knowing now that Adi's aware of Lomi's feelings for her before, ang una kong maiisip ay nanghihinayang siya rito.
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomanceDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...