"Para kang tanga! Ba't ka sumalampak do'n!?" si Maye noong hatakin niya ako pabalik sa pavillion. Napangiwi rin ako nang makita ang sarili kong parang naligong itik sa ulan!
"T-tinabig ako ni Lomi e!"
Lumunok ako at sinermunan ang sarili. Ano ba namang kaberatan 'yon, Leticia Cake?! Mukha tuloy akong basang sisiw!
Bago bumalik sa classroom ay chinat muna namin si Lance para makahiram ng extra pants dahil nabasa ang palda ko. Mabuti na lang din at sweatpants ang mayroon si Lance kahit na sobrang haba noon para sa akin.
"Ba't ka nakagan'yan?" si Lomi noong maabutan na kami sa classroom dahil umakyat na kami ni Maye.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Tinabig mo ako kanina! Nabasa ako!"
Nagulat naman si Lomi at napakurap-kurap sa napagtanto. "Bumagsak ka ba no'n?... e 'di sorry"
Sumimangot lang ako at humalukipkip sa aking upuan. Sorry naman lagi! Hinayaan niya akong mabasa para hindi mabasa si Adi!
Sa hindi malamang dahilan ay binalot na naman ako ng inis at selos. Kasi naman! Lagi na lang ganoon ang nangyayari sa akin kapag... nariyan ang ex-crush niya! Ni hindi man lang ako nilingon e nabangga niya ako!
Nasaktan ako, sa totoo lang. Dumodoble lang dahil sa selos! Pero mas naiinis ako kay Lomi dahil sa nangyari sa akin! Ang lagkit tuloy!
"Cake, hahatid na kita" pagpupumilit ni Lomi noong matapos ang klase. Kanina ko pa siya nakikitang sumusulyap sa akin dahil nga galit pa rin ako sa kaniya!
"Tsk" Tumayo ako sa kinauupuan at sinukbit ang bag. Sumunod agad ako kay Maye na nasa labas at sinisilip ang langit na mahina na lamang ang ulan at nang makita ako ay nalipat agad iyon kay Lomi na nasa likod ko.
"Cake" tawag ni Lomi na hindi ko pinansin.
"Tara na, Maye. Sama na lang ako sa inyo ni Randell" inis kong turan at bumaba na ng hagdan at hindi na sinulyapan ang dalawang iniwan ko.
The fact na hindi niya talaga ako nilingon noong nabangga niya ako ay nakakapagpainit ng ulo ko!
Nakababa ako sa ground floor at aalis na sana nang may biglang umakbay sa akin at hinatak ako pabalik.
"Wala kang payong, Cake. Maambunan ka" si Lomi na hawak ako sa balikat.
"Tsk, nabasa na nga ako kanina dahil sa'yo!" Masama ang tingin ko kay Lomi habang nakahalukipkip.
Nilabas ni Lomi ang payong niya sa bag at binukas iyon. He looked at me intently. "Sorry na nga oh. Tara na"
Umiling ako at umalis sa harap niya. Narinig ko ang pagsunod niya.
'Yan! Tamang suyuin mo ako, Lomi dahil kapag ako napagod sa'yo, hindi na ako magpapasuyo!
"Ang arte mo talaga" rinig kong bulong nito nang maabutan na naman ako.
Walang imik ako hanggang sa makarating sa sasakyan niya. Halos malusaw na rin ang hood ng sasakyan ni Lomi dahil nakasimangot lang akong nakatitig doon habang nakahalukipkip pa rin.
"Sorry na, hoy" tawag niya sa akin.
Hindi man lang maging sweet.
"Tss." I heard him hissed making my eyes roll. Talaga lang, Lomi ah? Sige, sabayan mo ang pagsusungit ko.
Nakarating ako sa amin at hindi ko na siya hinintay na makalabas din at tinakbo ko ang gate namin. Dali-dali rin akong pumasok sa bahay at sinara ang pinto ng kwarto. Rinig ko ang tawag ni Lomi sa labas na hindi ko pinansin.
Napakagulo kasi ni Lomi! Ano ba talagang pinapakita niya? Parang wala ako kanina sa kaniya noong nabasa ako sa ulan tapos ngayon, kung hindi pa ako mainis ay hindi siya magsosorry. Hindi pa siya aware na nabangga niya ako!
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomanceDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...