EPILOGUE

102 4 5
                                    

AAAAAAAAAAAAAA FINALLTTTT AFTER 3 EFFIN YEARS!! Pano ba yan attached ako masysdo😣😣 3 years ko ba naman silang iniinda hahahahahah nakakainis tapos na sia?!?!?!?!?🥺🥺 i just wanna share when i continued writing this story last february 2024. I feel like keeping it with me for the past 3 yrs means something. Kasi i didn't expect na this story would turn into this. Ang daming nabago sa timeline na hindi ko naisip ko noon. Lalo na sa plot, i think it really is a blessing in disguise na hindi ko siya naisulat agad dati kasi i wouldn't be able to write it the way it is right now. Iba ung feels, iba rin kung paano ko sia nasulat. I have to say na it is better than what i imagined back then.

Thank u kung makarating ka rito!! Cake and Lomi's journey was very chaotic and fun and i'm the proudest of them to whatever they become. Parang d ko sila kayang bitawan😭😭 helffff huhu mahal na mahal ko ang dalawang to🥺 this is the most chaotic story i've written so far. Huhu i hope u love them as much as i love them!!

This will be the end of Cake and Lomi's story but not their journey! I cant believe na tapos na ang mga baby ko!! Already my 6th story😭 dalawa na lang at tapos na Alfanta series! Grabe!!

See you in towf! Shet total shift na naman sa personality ng characters. From this sunshine to Hya the ghost😣😣 pray for me! Huhu but Hya's story is intriguing heheh

Thank u sa mga readers ko!! Mahal na mahal ko kayo. Lahat ng ingay niyo ay binabasa ko at napapasaya ako. Mag ingay lang kayo! Hihih

Love lots!! 💛

---

"Hindi ba iniwan nila Kuya Crane 'yung susi?" Si Lomi na katawagan ang kuya niya. 

Sinipat ko ang tingin ng bahay nila Euna na nakasara at walang tao dahil nagbakasyon pala itong sila Euna sa Lolo't Lola niya. At syempre, kasama ang kaniyang akala-mo-asawa-na na fiancé kaya walang tao ngayon sa kanila.

Nag-aaya kami nila Lomi na magswimming kila Euna dahil wala naman kaming mga ginagawa. Tsaka, matatapos na summer! Hindi pa kami nakakapag-outing ulit. 

Kami ni Lomi ang madalas na magkasama at laging nag-aaya sa mga kaibigan. Ang tatamad kasi magsilabas ng mga bahay nila! Mainit daw at nakakatamad lumabas e ang totoo, nagkukulong lang silang magnonobyo sa mga kwarto nila! 

Ni hindi pa nila alam na kami na ni Lomi. Kami na ni baby Lomi ko!

Boyfriend ko na siya! Akalain mo 'yun? 

Umupo ako sa gilid ng daan at pinagmamasdan ang tahimik na langit habang nakikipag-usap si Lomi sa kuya niya. Hindi gaanong mainit dahil maulap naman. Hindi konaman maiwasang mapangiti habang ninanamnam ang init ng hapon. 

Nito ko lang narealize na masarap din palang namnamin ang init. It wasn't irritating. Rather, it is calming and relaxing. Ewan ko pero mas pipiliin ko 'yung ganitong init kaysa sa mahangin na malamig.

Kung papipiliin ako, mas prefer ko ang tag-init kaysa sa tag-ulan. At least kung summer kasi, maiibsan pa ng ligo ang init! E kapag tag-ulan, nakakatamad na maligo dahil malamig. Kahit nga ang maligo sa ulan ay hindi ko rin nakahiligan noong bata ako dahil agad akong nilalamig.

Napalingon ako kay Lomi na nakasimangot nang tumabi sa akin. Niyakap ang tuhod at tsaka sumiksik sa aking gilid para maisandal ang ulo sa aking balikat. "Parang gago si Kuya Crane. Hindi naman daw tayo nagpapasweldo sa mga kasambahay kaya bakit daw niya papapasukin kung wala naman sila"

Natawa ako at tinulak siya gamit ang balikat. "Sa inyo na lang tayo" aya ko.

Ewan ko ba at laging kila Euna kami naliligo sa pool e lahat naman ng bahay nila ay may pool!

Tinignan ako ni Lomi at para bang may inaalala. Kiniling ko ang ulo at banayad na ngumiti. "Hindi pa ako nakakapunta sa inyo. Tsaka, kumustahin ko sana si Tita"

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon