"Heid, ikaw naman magdrive! I'm tired as fuck tapos kami pa pagdadrivin mo?" tulak ni Lance kay Heidian sa driver's seat at hinagis sa kaniya ang susi ng kaniyang sasakyan.
Humalakhak lamang si Heidian at nagsipasok na rin kaming lahat nang buksan na niya ang mga pinto. Dating puwesto lagi ang nangyayari. Si Ivan sa dulong kaliwa, gitna kami ni Maye, at kami ni Lomi sa kanan. Maluwag ang sasakyan ni Lance kaya hindi rin kami nagsisiksikan sa likod. Nasa harap ngayon si Lance.
Lumapit ako kay Maye na tahimik na nakangiti sa binibida ni Lance. "Nagkakafriends ka na ulit!" bulong ko rito na ikinanguso naman niya at ngumiti sa akin.
"I trust them na. I feel safe with them" anang kaibigan na nakapag-init ng puso ko.
"I think humingi na agad tayo ng paumanhin sa mga taong nasa inyo, Ayessa. We'll be loud as hell" si Heidian na ikinasang-ayon ni Lance na humalakhak pa.
Umiling naman si Maye "Okay lang, wala naman akong kasama"
They cheered for that ngunit kami ni Lomi ay nagkatinginan at napanguso. Hindi ko alam kung bakit nalungkot ako kay Maye pero mukhang okay lang ito sa kaniya at tumawa pa.
"Sure ka? Baka hatinggabi umuwi? We're doomed" biro ni Heidian na ikinailing ni Maye.
"Ako lang nando'n. Promise"
Ivan smiled and shushed everyone. "Maye let us into her house that means she trust us! 'Wag nang mangbwisit pa, bro" at tumingin kay Maye na nakangiti sa kaniya.
Naramdaman ko naman ang kalabit sa akin ni Lomi kaya lumingon ako rito. Minwestra niya akong bubulong siya kaya lumapit ako, kahit magkadikit na talaga ang aming katawan.
"Crush ni Ivan si Maye" bulong nito na ikinapigil ko ng ngisi.
"Pansin ko nga. Laging pagood shot e!" tsaka kami tahimik na humagikgik ni Lomi.
Dumaan muna kami sa isang convenience store dahil nga manlilibre si Lance. Bumili ng apat na tub ng ice cream, mga chichirya, at ilang supot din ng chicket nuggets. Balak pa nga nilang bumili ng beer kung hindi lang sila pinilan ni Maye.
"'Wag muna ngayon. Hindi pa ako ready sa kalat niyo" panunuya ni Maye na ikinasimangot ni Lance at Heidian na ibinabalik na ang alak na hawak.
Tumungo naman kami nina Lomi at Ivan sa mga inumin dahil si Maye ay kasama na ang dalawa sa counter dahil medyo mahaba rin ang pila.
"Sprite na lang ba?" si Lomi na kumuha ng isang 1.5L noon. Tumango naman si Ivan at kumuha pa ng isa.
Binuksan ko naman ang sa linya ng mga gatas at kumuha ng anim na dutchmill doon. Ramdam ko ang paninitig ng kung sino kaya nilingon ko ang dalawa na nakatitig sa akin na para bang may ginagawa akong krimen.
Namula ako dahil mukha akong bata. "Masarap naman kasi 'to!"
Lumapit si Lomi at kumuha na rin ng apat pa. "Bakit kasi kukuha ka na lang, pang-iyo lang"
I gasped. Ano raw?! Anim nga itong hawak ko dahil anim kami! Ano ba akala niya, akin lang 'to?
Ivan chuckled and took the dutchmills from me. "Kumuha ka pa. Kulang ang dalawa sa amin. Favorite din namin 'yan"
Sa sinabi ni Ivan an iyon ay gumaan naman ang loob ko at natatawang kumuha ng halos sampo noon. Sumunod na ako sa dalawa na patungo na rin sa counter pero hindi pa rin nawawala sa isip ko na favorite daw nila ang dutchmill.
Ang cute naman! Hindi naman sa pangdidiscriminate pero kasi, kung titignan, pangbata lang daw ang dutchmill. Tsaka, ang lalaki kasi nilang mga tao! Hindi ko inexpect na mahilig pa sila sa ganoon.
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomanceDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...
![Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]](https://img.wattpad.com/cover/252984925-64-k986396.jpg)