21

30 2 0
                                    

Hindi pa rin nagsisink in ang sinabi ni Lance sa akin.

Anong manliligaw siya?

"Lance, kagigising ko lang ah. 'Wag ka namang nagbibiro nang gan'yan" natatawa kong sabi sa kaibigan na ngumuso at pinasadahan ng haplos ang buhok.

"I'm serious with you, Leticia. Manliligaw ako" aniya na para bang desidido talaga siya.

Hindi ako nakaimik agad dahil bigla yata nagkandabuhol-buhol ang aking utak sa nalaman. Paanong liligawan niya ako? Gusto niya ba ako?

Huh?

Para talagang malaking question mark ang nakabalandra sa harap ko ngayon.

"Hindi kita magets... teka nga." tsaka ako humarap nang buo sa kaniya. "Gusto mo ako, Lance?" medyo gulat ko pang tanong.

He grinned and nodded. "Yeah, I just realized it"

Gulantang pa rin ako. "Eh? Gano'n-gano'n lang, nagustuhan mo na ako?"

Sumulyap siya sa akin at sakto namang red light kaya humarap na rin siya sa akin.

Tumagilid ang ulo at tinitigan ako. Bigla naman akong naconscious dahil iba na ang iisipin ko sa kaniya!

Kung titigan niya ako kahapon, iisipin ko ay inaasar niya lang ako pero ngayon, na nagconfess siyang liligawan ako, e maiilang na ako!

"Hindi ka naman mahira magustuhan" aniya at ngumiti, tsaka humarap ulit para magmaneho.

My lips parted. Gulong-gulo ako kay Lance! Paano niya akong nagustuhan e hindi naman ako ang tipo niya!

Kabisado na namin si Lance at ang mga babae niya. Gusto niya iyong masasabayan siya sa kalokohan niya! Sa kalandian niya!

E ano ba ang kaya kong gawin kasama siya? Makipagbangayan?

Nakarating na kami sa isang restaurant at mukhang mamahalin pa iyon! Ngunit hindi na iyon ang napagtuonan ko ng pansin at naglilibot ang isip ko sa nangyayari sa amin ni Lance.

Parang napakaimposible naman yata na magustuhan ako ni Lance e sa aming pagkakaibigan, si Ivan at Maye lang ang mayroong romantic connection kung tutuusin!

Magkaharap na kami ni Lance at katatapos niya lamang umorder ng aming kakainin. Ang mata ko naman ay nanatili lamang sa kaniya at sinusuri siya.

O hinahanap sa mukha niya ang sagot.

"Seryoso ka? Liligawan mo ako?" kunot-noo kong tanong sa kaniya.

Nanatili na rin sa akin ang mga mata ni Lance at tinignan ako na para bang walang kakaiba sa pinaggaggawa niya. "Yeah. Papayag ka ba?"

Mabilis akong umiling. "Nakakagulat ka kasi! Anong dahilan? At bakit? Paano mo ako nagustuhan? Para ka namang gago..." sunod-sunod kong sabi lalo na't nag-uunahan na talaga sa aking isipan ang mga tanong na kagustuhang malaman ang sagot.

Lance was taken aback and could only chuckle. Nangalumbaba at nanatili sa akin ang namumungay na mga mata. "You're pretty?"

Agad naman akong napamulahan sa biglaan niyang puri. "Ako? Hindi naman ako mga tipo mo! Lance! Baka naman nangt-trip ka lang?" hindi ko pa rin makapaniwalang sagot.

Nanatiling ganoon ang ayos niya at umiling lamang. "Just like I said, hindi ka mahirap magustuhan. You're pretty and nice. That's enough for me to like you" kalmado ngunit seryoso niyang sabi.

Napanguso ako at iniwas ang tingin. Seryoso ba talaga 'to? Hindi ako ready!

"E magkaibigan tayo ah..." bulong ko at hinarap ulit siya.

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon