35

109 2 0
                                        

"The hell happened? Ba't ka ngumangawa ro'n?!" si Paige noong labasin ako ni Alliana na may dalang payong at ipinasok ako sa sasakyan niya. 

Suminghot ako at tinignan si Paige na nakasungaw sa amin sa likod. Pati si Clane ay itinigil muna ang sasakyan sa gilid at nag-aalalang nakatanaw sa amin. 

Pinupunasan ni Alliana ng bimpo ang nilalamig kong braso. "E sila Lomi kasi! Tinago iyong phone ko kaya wala akong pangcontact! Nagpaalam siya kanina na dadalhin niya lang daw sa room nila Adi iyong folder niya!"

Paige cursed silently and told Clane to drive. "Why didn't you take a taxi?" frustrated nitong sabi. 

Nakanguso akong umiling. "H-hindi ako marunong. Hatid-sundo ako lagi ni P-papa"

Paige sighed. "Bakit naman mag-isa ka na lang? Hindi mo sila kasabay?"

"May tinapos kasi akong project sa room tsaka busy kaming lahat. Si Maye nauna nang umuwi tapos ang iba'y may inasikaso rin. Si Lomi dapat ang kasabay ko kaso hindi nga bumalik" 

Paige sighed irritatedly and glared at Clane. "Your cousin is such a jerk"

Hindi nagsalita si Clane at sinulyapan lang ako sa rear view mirror. Si Alliana ay hindi ako nilayuan at tahimik na may tinitipa sa kaniyang phone. 

"Punta kami kila Euna. Doon muna tayo" si Paige na ikinatango ko na lang at nagpakawala ng mahabang buntong-hininga. 

"Art said Lomi's with him. Galing nga raw kila Adi" si Alliana na nilingon ako. 

Sa sinabi lang ni Alliana na iyon, para akong tinurukan ng punyal sa puso. So wala talagang balak si Lomi na balikan ako? Dahil lang hinatid niya kay Adi ang folder nito?

"Tell Art na pumunta sila ni Lomi kila Euna. Lomi needs some sermon..." si Paige. 

Nakarating kami kila Euna at medyo mahina na lamang ang ulan. Sinalubong niya kami pagkapasok at may mga nakatimpla nang hot choco sa center table sa sala. 

"Leticia! What happened?" lapit sa akin ni Euna at niyakap ako. Yumakap ako pabalik sa kaibigan na nag-aalala na akong pinagmamasdan. 

Umupo kami sa sofa. Euna stayed with me. Si Alliana ay nakaabang sa tanggapan para hintayin sila Art. Si Crane ay tahimik na nakamasid sa amin ni Euna sa gilid nito habang si Paige ay nakasandal na sa balikat ni Clane sa kabilang sofa. 

"Naiwan kasi ako sa school kasi may tinapos akong project. Nauna na ring magsiuwi ang mga kaibigan ko dahil marami talaga kaming ginagawa. Kasama ko dapat si Lomi umuwi pero nagpaalam siya saglit na dadalhin niya lang kay Adi iyong folder na naiwan niya tapos hindi na niya ako binalikan. E hindi ko rin naman macontact at tinago nga niya 'yung phone ko" malungkot kong reklamo kahit na minumura ko na talaga sa isipan si Lomi. 

"Bugok talaga..." rinig kong bulong ni Crane at nailing na umalis saglit. 

Napalingon kami sa tanggapan at rinig doon ang ingay ni Art kay Alliana. Maya-maya lang ay nagsipunta na sila sa amin na kasama si Lomi na nakauniform pa. Natigilan si Lomi nang makita ako at umawang ang labi na para bang may napagtanto. 

Agad ko itong sinamaan ng tingin. Oo, Lomi! Iniwan mo ako, nakakainis ka!

"Gagi, nakalimutan ko..." si Lomi na papalapit sa akin. 

Inirapan ko siya at hindi pinansin kahit nasa harap namin siya ni Euna. Si Euna ang kumausap sa kaniya. 

"Where's her phone? Bakit naman nang-asar pa, Lomi..."

"Hindi naman ako 'yung nagtago e"

Nilingon ko si Lomi na naiiling nang tinignan ako. "Si Ivan 'yung nagtago ng phone mo kaninang recess! E 'di sana kung ako e nilabas ko na agad!"

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon