19

30 1 0
                                    

Ang katahimikan ni Lomi sa aking gilid ang nakakuha ng pansin nina Ivan at Maye nang makarating na kami sa apartment ni Maye. Paanong hindi nila mapapansin e ako itong dumadaldal sa kanila tapos si Lomi, nanahimik sa tabi ko na akala mo'y hindi niya kami kilalang tao. 

"Huh? Gago natatae lang ako" lusot ni Lomi na ikinatawa ni Maye at hinatak na siya sa loob ng apartment nito. Umangat ang kilay ko at sinundan ng tingin si Lomi na dumeretso sa banyo. 

Naiwan naman ako kay Maye at Ivan na naglalabas na ng pitchel at mga baso sa mesa. Hindi ko itatangging nag-aalala ako sa pagkatahimik ni Lomi dahil hindi naman siya ganito. Kung tutuusin niya ay dapat kasama na siya ngayon nina Lance at Heidian sa kabugukan pero hindi. Nakasiksik lang siya sa akin. 

May nakain kaya 'tong batang 'to?

"Running for valedic si Lina. Sa inyo  bang special sections, sino?" si Maye na nakikipagbidahan na kay Ivan. 

"Si Aina Damian pa rin" si Ivan. 

Oh? Talagang matalino rin iyong babaeng iyon. Siya ang lagi kong naririnig na first honor sa mga special section sa nagdaang taon. 

"Consistent siya noh?" pakikisali ko sa kwentuhan. 

Ivan smirked after getting the ice cubes from the freezer. "Rumors said siya ang nililigawan ni Heid ngayon"

Sa sinabi ni Ivan na iyon ay napasinghap kami ni Maye at sabay na napahalakhak. Sumulyap sa amin si Ivan at nakisali na rin. 

"Para namang papatulan siya no'n?!" komento ko at si Maye naman ay tumagilid pa ang ulo na para bang hindi makapaniwala sa narinig. 

"Baka naman dahil graduating na at gusto pang humabol ni Heid sa honors kaya siya kakapit do'n?" hinala ni Maye na ikinatawa ko lalo. 

Ivan sighed. "Wanna know how he passed our last quiz? Alphabetical ang arrangement. Katabing-katabi niya si Aina"

Tangina rin talaga ni Heidian!

"Maye! May napagtanto kami!!" ang tinig ng maingay na kaibigan mula sa pinto ang nakapagpalingon sa amin doon. Sakto rin namang lumabas si Lomi ng banyo at natagpuan agad ang mga mata ko. 

Kumurap siya at iniwas ang tingin, napunta sa dalawang maingay na niyayabang na ang kanilang mga pinamili.

Syempre, kitang-kita ang mga canned beer na halos lagpas sampo pa yata!

"Paano tayong makakapagreview kung walang reviewer, 'di ba? Wala pa tayong gawa!" anunsyo ni Heidian nang makalapit na kami sa kanila.

Napairap ako at nagpigil ng tawa. Sinulyapan ko si Maye nagpipigil na rin ng tawang nagsscroll sa kaniyang phone at kalauna'y pinindot ang isang file na galing sa kaniyang laptop.

"Gago kayo magpigil kayo ng lasing ah. Mamaya manggulo kayo sa ibang unit!" si Lomi na ngayo'y nangingiti nang tinignan ang mga beer na dala nila Heidian. 

Heidian's proud face is still on. "Oh? 'Di ba?! Magsaya muna tayo ngayon hangga't--" nabitin ang sasabihin ni Heidian nang ibalandra ni Maye ang ginawa niyang reviewer sa kaniyang phone.

"--hindi pa stressed." at napanguso si Heidian. 

Sumapalampak sa sofa si Lance na parang bata, na sinundan ni Heidian na nakaungos na ang mga nguso. 

This is amusing. Talaga bang ito ang mga lalaking nakilala kong mga playboys? Hinahabol ng mga babae? Mukhang si Ivan lang ang paniniwalaan kong kababaliwan ng mga babae dahil sa ugali nito. 

Napatingin kami kay Lomi na nagbukas na ng isang canned beer at uminom doon. Mukhang nagustuhan niya iyon at talagang ninamnam niya pa. "Kaya naman magreview nang umiinom?" anito at nakangising inangat pa ang inumin. 

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon