7

101 2 0
                                        

"Kasya ba tayo? Sa likod ka na lang!" Panunulak ko kay Lomi nang bumukaka pa siya sa pagkakaupo at magitgit ako sa sulok ng tricycle.

He giggled. "First time ko" tsaka siya sumilip sa labas.

I deadpanned him. Parang hindi ko alam na halos buong buhay niya ay nakapaloob siya sa aircon.

Inabot ko ang bawat tuhod niya at pinagdikit iyon. "Sarado mo. Nagigitgit ako" reklamo ko.

"Paano itlog ko? Hindi makakahinga!" Giit niya na ikinalaglag ng panga ko at namumulang tumingin sa gitna niya.

Agad ko rin namang binawi dahil tinampal niya ang kamay ko na nasa hita niya.

"Maninilip ka pa, huh..." Maarte niyang turan at nanatiling nakabuka ang mga hita tsaka humalukipkip.

Napabuntong-hininga na lamang ako at nangalumbaba sa pagiging brat ni Lomi. Kaya tama lang pala ang narinig ko noong tinawag siyang brat ng mga pinsan niya dahil totoo naman iyon!

Ang byahe patungo sa amin ay hindi naging tahimik. Si Lomi na nakadungaw lang sa labas na akala mo'y isang batang first time makalabas ng bahay. He's grinning from ear to ear as we pass by the green meadow fields of our barangay.

Nagstop kami sa tapat ng bahay namin. Lumabas kami ni Lomi at naglabas ako ng bente sa aking wallet. Naglahad naman ako ng kamay sa harap ni Lomi na inaayos ang kaniyang bag.

He glanced at me and to my hand. Gamit ang hintuturo niya, tinuldukan niya ang palad ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumaas lang ang kilay niya na para bang nagtatanong.

"Bayad!" I hissed.

Natauhan naman siya at napakamot ng batok. Bumaling siya sa tricycle driver na naghihintay sa amin.

"Magkano po?" Lomi asked while taking out his wallet from his bag.

Tinignan ko ang driver at nang mapagtantong isa ito sa mga gahaman maningil, inunahan ko itong magsalita.

"Otsenta--"

"Bente, Lomi" sabi ko at tinaasan ng kilay ang matanda.

Akala mo ba maiisahan mo itong kasama ko porket mayaman? Nandito ako!

Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Lomi habang nakikipagpaligsahan ako ng sama ng tingin sa driver.

"Anong bente?" Bulong sa akin ni Lomi.

"Twenty pesos" bulong ko pabalik.

He nodded slowly with eyes widening. Naglabas ng bente sa wallet at bago pa siya ang magbigay sa driver, kinuha ko iyon at sabay na ibinayad sa akin.

"Salamat po" kunwaring mabait kong sabi sa driver at tumalikod na para pumasok sa amin.

Grabeng driver iyon! 80 pesos sa estudyante? Kalokohan!

Hinubad ko ang suot kong sapatos at kumuha ng alpombra. Sa gilid ng aking mata ay nakita kong pinagmamasdan muna ako ni Lomi bago niya ako gayahin at umabot ng isang alpombra sa aming shoe rack.

"Wala kaming aircon ah..." parinig ko sa kaniya nang buksan ko ang pinto at pumasok sa bahay.

"Ano naman..." I heard him mutter behind me. Ibinaba ko naman ang aking bag sa sofa'ng kahoy kung saan doon agad umupo si Lomi.

Iniwan ko naman siya roong naglilibot pa ang mga mata. Tumungo ako sa kusina para kumuha ng pitsel at maititimplang juice. Napasulyap ako sa sala nang may marinig sa labas ng bahay. I saw Lomi looking at the door before standing up and goes towards it. Naintriga naman ako at dala ang pitsel ng juice ay lumabas ako ng kusina.

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon