Dumaan ang mga araw nang hindi ako nawawalan ng pag-asa na maaari ngang gusto ako ni Lomi.
Hindi naman sa nag-a-assume ako pero ka-assume-assume naman kasi! Si Lomi iyon! Nangcompliment! At sa akin pa!
Hindi naman sa wala rin akong kumpyansa sa sarili ko para magustuhan ni Lomi pero may ibubuga naman talaga ako! Iyong sinabi ni Lomi na maganda ako, I know na totoo iyon.
Like, kapag nga nagsasalamin ako pagkagising, napapangiti agad ako sa nakikita ko e.
Kapag lumalabas kami ni Lomi, lagi na lang siyang nang-aasar o kaya'y nanunulak. Wala siyang kasweet-an sa katawan!
Masyado naman niyang sineryoso ang pagiging "friends" namin at hindi na ako tinuring na parang prinsesa...
Madalas na siya sa amin pero laging si Mama ang kadaldalan niya! Ewan ko ba at kahit ang mga biro ni Mama ay gustong-gusto niya.
Nevertheless, nakakabonding ko naman ang crush ko.
After class noong dumeretso kami sa amin para gawin ang project ni Lomi sa arts. At sa totoo lang, ako lang naman talaga gumagawa dahil ang ambag niya lamang ay ingay at kapogian.
Unang-una niya ring nabanggit si Lance kaya naman kinuha ko ang pagkakataong iyon para komprontahin si Lomi sa hindi niya pagsipot sa akin noon sa waiting shed sa labas ng school.
"Alam mo ba kung gaano kalamok sa labas? Hinintay kita, bwisit ka!" Hampas ko sa kaniya habang nakahilata sa damuhan sa aming likod-bahay.
Si Lomi na naka-indian sit ay ngumunguso na naman na akala mo'y siya ngayon ang inagrabiyado.
"E hindi naman ako nagchat sa'yo ah. Bakit mo ako sinisisi?" Aniya at nagmamaktol nang parang bata habang naggugupit ng mga papel.
"E lagi tayong lumalabas after class! Tapos makikita ko sa IG story mo, nagminecraft ka lang!"
Sa sinabi kong iyon, unti-unting nangisi si Lomi at tumawa na parang sinapian ng demonyo. Natigilan naman ako at kinunotan siya ng noo sa pagkaberat niya.
"Nabusy nga ako maglaro noon. Busy ako..." Naiiling niyang sabi na lalo kong ikinagulo.
"Oh, hindi ka man lang nagsabi?" Inis kong turan.
Umiling siya at tinignan ako na para bang ang linis linis niya. "Bakit ako magsasabi? Busy nga ako" pang-aasar niya lalo na ikinasimangot ko lang.
Hindi kami matapos-tapos dahil sa dami ng pang-aasar ni Lomi. Pati ang paggugupit niya ay hindi niya maayos! Tumabi pa siya sa akin para mas masundan niya nang maayos ang ginagawa ko.
"Subukan mo lang kasi! Bibilot mo lang ta's magtutuloy-tuloy na 'yan..." Sermon ko sa kaniya habang pinapakita ang ginagawa.
Pinanood ko siyang gumawa ng isa. Maingat niyang ginagalaw ang dalawang daliri sa papel at nang malagyan ng kaunting glue at magpakat na ay para pa siyang batang iniyabang sa akin ang gawa.
"Ang cute oh" pakita niya sa akin ng gawa at ngumisi.
Wala sa sarili akong nangiti at napatango-tango sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit naging tipo ko si Lomi e masyadong baby-looking siya.
Pero ang gwapo naman kasi. Kahit na bully at mapang-asar madalas, nagbibigay hustisya naman ang kaniyang gwapong mukha.
Oo na at madalas mang-asar si Lomi, pero mas madalas naman akong mahulog sa kaniya.
Patuloy ang bangayan namin habang gumagawa ng project niyang quillwork. Muntik ko pa ngang ibangag sa kaniyang ang card board niya noong inasar niya ako sa naging score kong 7/25 noon sa ArPan. Siya nga ay 6 lang doon e! Ang hilig lang talagang mang-asar.
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomanceDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...