"A-anak?"
Napakurap ako sa pagkalito sa minungkahi ng babae at bahagyang lumayo rito lalo nang maalala ko ang babala sa amin nila Kuya Gab na huwag munang kumausap ng hindi kakilala.
"U-uh, saglit po... tatawagin ko si Mama" paalam ko rito at nagmamadaling pumasok sa bahay. Tinawag ko si Mama at hinanap ito. Natagpuan ko naman siya na naglilinis ng CR.
"Ma, may tao sa labas..." alalay kong tumayo rito. Bakas ang pagtataka kay Mama habang inaalis ang suot na gloves.
"Kilala mo? Wala naman akong inaaasahang bisita ah?"
Umiling ako at sinamahan si Mama na lumabas. "Hindi ko kilala, Ma. Pero tinanong kung dito pa rin daw ba 'yung kay Flor Miravalles" kausap ko kay Mama habang papalabas kami. Sinilip ko ang babaeng nakatalikod at mukhang binababa ang mga gamit mula sa tricycle.
Binukas ko ang gate at iginiya si Mama. Ngayon ko lang napansin na may iba pala itong kasama. Isang halos kaedaran nitong babae at isang sa tingin ko'y teenager. Kapwa sila nagbababa ng gamit nila sa tricycle at nang humarap sa amin ang isang babae ay para akong tinakasan ng kaluluwa.
Pamilyar siya... pero kilala ko. Lalo na ang pares ng mga matang madalas kong makita... kay Lomi.
Lalo akong nagulat nang mapagtanto.
Ang mama ni Lomi?!
"Hija, anong kailangan mo?" tanong nitong si Mama sa babae na nagbigay na ng bayad sa tricycle at humarap sa amin.
Nagulat si Mama at nanigas sa kinatatayuan habang ang babae ay agad na bumuhas ang mga luha at nanlalambot na lumapit kay Mama. Lalo akong nagulantang nang hatakin siya ni Mama at niyakap.
"M-ma, I'm sorry... Mama..." hagulgol nitong babae kay Mama na mahigpit na siyang niyayakap at hinahaplos ang buhok.
Umawang naman ang aking labi sa gulat. Mama? Anak siya ni Mama?
"Anak ko... mahal na mahal ka ni Mama, Luna. Mahal na mahal ka..." si Mama na hinahaplos ang buhok nitong babae na walang tigil sa pag-iyak.
Luna?
Humiwalay si Mama at pinunasan ang mukha nitong babae na basang-basa ang mukha kakaiyak. Hindi ko naman alam kung anong magiging reaskyon sa nakikita lalo na't gulantang pa rin akong makita ang Mama ni Lomi sa aming gilid. Sinulyapan ko ito at nakitang nakamasid siya sa akin.
Napakurap ako at binalik ang tingin kina Mama. Tumingin sa akin itong si Luna at sumunod si Mama na nginitian ako.
"Cia, halika rito. Yakapin mo naman ang mama mo"
Napakurap ako sa pagkakagulantang. Ha? Teka, hindi ko masundan ang nangyayari! Anong nangyayari?
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan nang dambahin ako ng yakap nitong babae at hinagkan ang aking ulo.
"A-anak, patawarin mo ako... patawarain mo ang mama..." iyak nito sa akin at lumayo. Hawak ang magkabila kong pisngi ay para bang isa akong sanggol na unang beses niyang nakita. Ang mata'y naglilibot, tila'y kinakabisado ang bawat sulok ng mukha ko. "Ang ganda-ganda mo..."
Para naman akong nanghihinging tulong na tumingin kay Mama na malambot na nakangiti sa amin. Bahagya akong lumayo at nahihiyang natawa.
"Uh, Mama, anong nangyayari?"
Lumapit si Mama sa amin. "Pumasok muna tayo sa loob nang magkausap kayo nang maayos, Luna. Nang magkakilala kayo ng anak mo"
Anak? Anong anak ako nito? Teka, ampon ba ako?!
Para akong maiiyak habang iniisip ang maaaring dahilan kung bakit ako naging anak nitong si Luna. Paano akong naging anak nito? Kamukhang-kamukha ko si Papa! Imposibleng hindi nila ako anak!
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomansDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...