Pagkababa na pagkababa ko ng tricycle ay tanaw ko na si Lomi sa aming veranda na nakaabang sa aking pagdating. Nakatayo lang siya roon at nakatitig sa akin.
I huffed and walked in. Nilabanan ang paninitig ni Lomi na nagpapakainosente at akala mo'y walang ginagawang masama.
"Sobra naman na yata ang pagiging close mo sa'kin?" Sarkastiko kong turan nang lagpasan siya at nagpalit ng pangloob na tsinelas.
"Kay Tita ako nagpaalam ah" aniya habang nakasunod sa akin noong pumasok na ako.
Hindi ko siya pinansin at iniwan ko ang gamit sa aming sala kung saan nagkalat na ang gamit niya. Tumungo ako sa kusina at nakasunod pa rin siya.
Kumukuha ako ng tubig sa ref nang magsalita ulit siya.
"T'saka, hindi tayo close ah. Sadyang close lang ako kay Tita"
Nilingon ko siya. Nakapatong ang kaniyang mga bisig sa aming counter top at kalmadong nakamasid sa akin. His protruded lips moved a bit, making me look at it.
Tumaas ang dalawang kilay ko at nagtaray. "E bakit sa akin ka--"
"Bakit ba ang sungit mo?" Putol niya na ikinaiwan ng aking bibig sa pagkakabuka.
Napatitig ako kay Lomi na kalmado ngunit sumisilip ang bahagyang inis. Napakurap-kurap ako at para bang bigla kong hindi naintindihan ang sinabi niya.
Ako? Masungit sa kaniya?
Hmm... Oo nga noh. Bakit nga ba ako nagsusungit sa kaniya e siya itong crush ko?
E kasi naman kung makaasta siya ay parang tropa niya ako o kakilala na.
"Hindi naman ah..." Mahina kong sabi at pasimpleng naglakad paalis ng kusina para iwan siya.
Pero alam kong nakasunod agad siya.
"E 'di kung hindi, mag-aral tayo ngayon" aniya at naramdaman ko na lang ang kaniyang kamay sa aking braso at hinatak patungo sa upuan.
I hissed when my hips hit the corner of the chair. "Dahan-dahan naman!" Reklamo ko kay Lomi habang hawak ang balakang na tumama sa gilid.
Hindi nagsalita si Lomi at tahimik na hinawakan ang mga papel niya. Nakabukaka ang bawat mga hita at nakapatong ang bawat bisig roon. May kinuha siyang isang reviewer at nakangising binigay sa akin iyon.
"Arts" aniya. Tinanggap ko naman iyon at tumaas ang kilay nang mapansing kakaiba ang mga laman noon.
"Naturo na ba 'to?" Kunot-noo kong tanong habang nililipat ang mga pahina ng reviewer niya.
Saglit kong ibinaba ang papel at inayos ang buhok kong nagulo ang pagkaponytail. Sumulyap naman ako kay Lomi at nang makitang nakatitig pala siya sa aking ginagawa, agad akong naconscious.
Halos hindi ko tuloy maiayos ang pagkakapusod dahil kitang-kita ko kung paano maglipat-lipat ng tingin si Lomi sa aking buhok at sa aking mukha.
"Madali lang ba 'yan?" Biglang salita ni Lomi kaya kahit ramdam ang ibang pamumula sa aking pisngi ay napatingin ako sa kaniya.
"Alin?"
Tinuro niya ang pusod ko. Napakurap ako at unti-unting napakunot ang noo.
Hinaplos ko ang pusod ko hanggang sa dumulas ang kamay ko sa mahaba kong medyo wavy na buhok. "Kapag mahaba, oo. Bakit? Magpapahaba ka ng buhok?"
Umiling siya. "Wala. Curious lang..." Aniya at tsaka napatingin sa papel na nasa kandungan ko. "Dali na. Review-in mo na ako"
Hawak ko ulit ang papel ngunit habang binabasa ko iyon ay hindi talaga nagtutugma ang mga naroon sa aming napag-aralan.
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomanceDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...