48

58 2 0
                                    

Humangos ako at iritang sapo ang ulo habang nasa banyo. Bakit naman sa lahat ng araw na dumating 'to, ngayong nasa galaan pa ako?!

"Ugh! Nakakainis naman!" tili ko at sinulyapan muli ang aking underwear na... may dugo.

Buti nga at ngayong nagising ko nakita! Buti ay hindi ako natagusan sa higaan dahil kalat pa iyon!

Ang problema ko lalo ngayon ay wala akong dalang pad! Hindi ko naman kasi expected na magkakaroon ngayon dahil noong February pa noong huli akong dinatnan at ibang araw pa!

Hindi ko dala ang phone ko kaya no choice ako kundi tawagin si... Lomi na nasa kwarto.

"Lomi? Nandyan ka pa ba?" tawag ko at kinagat ang labi.

Rinig ko ang mga yabag ng paa kaya naman nang magsalita ito ay napabuntong hininga ako.

"Cake? Bakit? Nandito ako" rinig kong boses ni Lomi.

Kahit nahihiya sa maaaring hilingin sa kaniya, tinulak ko ang sarili na sabihin iyon.

"Pwedeng pakitawag sila Euna? Ano kasi... may period ako at... wala akong dalang... pads" hirap na hirap kong sabi at namumula sa hiya.

"Oh? Period mo ngayon? Teka" and I heard him shuffled away.

Nalinis ko naman na ang sarili ngunit hirap akong tumayo sa toilet bowl dahil ramdam ko lakas ng aking period. Sa tagal kong hindi nagkaroon, halos manibago ako dahil sa dami ng nilalabas ko ngayong first day. Hindi rin naman ganoon kasakit ang aking puson pero humihilab iyon.

"Uh, maaabot mo ba 'tong ibibigay ko?" si Lomi noong makabalik.

Kumunot ang noo ko. "Huh? Tinawag mo na ba sila Paige?"

"Um... may dala kasi akong pads just in case..."

Nanlaki ang mata ko. Just in case?!

"P-pero maaabot mo ba? O papasok ako?"

Lalo akong namula sa kainosentehan ni Lomi. "B-ba't ka papasok!? Wala akong suot pang-ibaba!"

I heard him cough. "E abutin mo na lang. Nakabukas ba 'tong pinto?" at sa sinabi niyang iyon, ginalaw niya ang doorknob at bumukas iyon nang bahagya.

Lalong nagsiakyat ang init ko sa mukha nang ilusot ni Lomi ang kamay sa maliit na pagkakabuka ng pinto hawak ang isang... pad.

Kaso paano ko masusuot iyon e wala akong panty na dala?!

Ginalaw ni Lomi ang kamay. "Um... abot mo?"

Problemado akong umiling. "U-uh, hindi. Hindi kasi ako makatayo sa toilet bowl... um, pwede bang kumuha ka ng... u-uh... panty ko sa bag?"

"P-panty mo?" bakas ang ilang sa boses ni Lomi at halos maimagine ko na rin ang malakamatis niyang mukha.

"Uh, oo. Naroon sa bag ko, nakahiwalay iyon. Nasa loob ng maliit na bag..."

"Sige. Wait lang" at sinara ulit ni Lomi ang pinto.

Hinawakan ko ang mukhang ramdam ko ang pamumula. Bakit ba kasi sa lahat ng pagkakataon na magkaroon ako, ngayon pa?! At si Lomi lang ang tangi kong paghingian ng tulong?

Muntik pa akong mapatalon nang bumukas ulit ang pinto at lumusot ang kamay ni Lomi na hawak ang pad at panty ko. Kinabahan ako na baka kulay puti ang kinuha niya pero napahinga naman ako nang maluwag nang makitang kulay itim hawak niya.

Tatayo sana ako nang maramdaman ko ang pagkirot ng puson ko at paglabas ng panibago. Nilakasan ko na ang loob ko na humingi ng huling pabor kay Lomi.

"Lomi?"

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon