44

43 1 0
                                    

Napalingon ako sa gate nang maaninag ang pamilyar na sasakyan ni Randell. Tumayo ako at iniwan saglit si Tita Landra para lapitan sila. Pagkalabas ko ng gate, sinalubong ako ni Maye at Randell ngunit ganoon ang gulat ko nang makita si Lomi na nag-aapurang lumabas sa backseat. 

He found my eyes and just like before, just like when he cried to me that midnight, it was yearning for a mother's presence. 

Lumunok ako at binigyan siya ng banayad na tango. Lumapit siya kaya binukas ko ang gate para makapasok siya. 

Nakita ko kung paano matigilan si Lomi nang makita ang Mama niya sa bahagdan ng teresa. Tita Landra slowly stood as Lomi sprint towards his Mom, engulfing her in a big hug. 

"M-ma... n-nandito ka n-na, m-mama" ang hagulgol ni Lomi ang nangibabaw. 

Umiiyak na ring hinagkan ni Tita Landra ang anak. "B-bumalik ako para sa inyo, L-lomi... mahal kayo ni Mama..."

Naramdaman ko ang yakap sa akin ni Maye na naiiyak na ring nakatanaw kila Lomi. And just moments later, Maye's already sobbing on my shoulder. Tinignan ko si Randell na namumula na rin ang mga mata. Hinarap ko si Maye at niyakap na ito nang tuluyan. 

"I-if only Mom's still a-alive..." si Maye. I hushed my best friend and hugged her tighter. 

"Proud sa'yo ang mama mo, Maye. Nandyan lang din siya lagi sa'yo"

Pumasok na kami sa loob at hindi ko maiwasang mangiti habang pinagmamasdan si Lomi na parang batang umiiyak sa bisig ng kaniyang ina. Humihikbi at mahigpit na nakakapit sa kaniyang ina. 

A familiar pain struck my heart. Nararamdaman ko ang pamilyar na emosyon noong gabing umiyak si Lomi sa akin tungkol sa kaniyang ina. The same exact thing. Ang paghihikahos niya, ang pagkapit niya ng yakap, at ang mga hinaing na nilalabas niya ay nasaksihan ko na. 

At ngayong pinapanood ko ulit siya sa ganoong sitwasyon pero nasa bisig na ng kaniyang ina ay nakakapanlambot sa saya. 

Masaya na si Lomi. 

Humiwalay si Tita Landra at nakangiting hinatak ang anak pababa para mahalikan ang noo nito. Lomi cried more, making Tita Landra chuckled softly. 

"Iyakin pa rin ang baby Lomi. Mahal na mahal kayo ni Mama, anak. H-hindi na mawawala si Mama..." banayad nitong sabi sa anak. 

Sa boses ni Tita Landra, para kong nahahawakan ang kaniyang pagmamahal sa kung saan. Ganoon kalinaw ang pagpapakita niya ng pagmamahal na pakiramdam ko, nahahawakan ko iyon sa kaniya na parang isang bagay. Nadadama at nakikita. 

Napatingin sa amin si Tita Landra at ngumiti ito kay Randell. "Shan" she called. 

Ngumiti si Randell at lumapit. "We're glad that you're found, Tita"

Tita Landra chuckled. "Bumalik ako, Shan. Bumalik ako"

Napatango-tango si Randell na para bang naiintindihan niya ang tinutukoy at ngumiti. "We're glad that you... came back, Tita"

Bumukas ang pinto at nilabas noon si Mama na hindi napansin ang nangyayari. 

"Cia, sabihin mo na kay Lo--" at nanlaki ang mata ni Mamang nakatingin sa mag-inang magkayakap. Mabilis na dumalo si Mama sa dalawa at nakita ko pa kung paano siya ngumuso sa tuwa kay Lomi. 

"'Nak, kahit may mama ka na, 'wag mo akong kakalimutan ha?"

Lomi nodded while still sobbing on his mom's shoulder. Nagkatinginan si Tita Landra at Mama na kapwa natuwa kay Lomi. 

"Parehas sila ni Ciacia. Parehas iyakin!"

Napunta naman sa akin ang atensyon nila kaya napanguso ako. Umahon ang ulo ni Lomi sa akin kaya naman binigyan ko lang ng maliit na ngiti ang kaibigan. 

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon