Nakarating kami sa amin at nauna akong pumasok para hanapin si Mama. Hindi pa rin humuhupa ang ngiti sa akin sa excitement na maipakilala si Adi kay Mama.
"Ma! May bago akong kaibigan! Pakilala ko sa'yo si Adi!" tawag ko sa ina at natagpuan naman ito sa likod ng bahay at nagpunas ng kamay.
Kakaiba ang tingin na iginawad sa akin ni Mama habang hinahatak ko siya sa sala. "Baka naman kasing arte ng mga dinala mo noon--"
Napasinghap ako at natatawang pinutol si Mama. "Ma, hindi! Mabait naman si Adi like, super!" enganyo ko rito at saktong nasa loob na ang mga kaibigan.
Nahihiyang bumati si Adi na ikinalaki ng ngisi ko ngunit nang mapansin ang kakaibang panunuri ni Mama ay sinimangutan ko ito. "Ma!"
Hinatak naman ako ni Mama at patuloy ang kakaibang tingin ni Mama kay Adi na suot lamang ang maliit na ngiti. "Mayaman! Baka maarte na naman 'to ah?" bulong nito na rinig din naman ng lahat!
Napasulyap naman ako kay Adi na nakangiti pa rin nang magaan at katabi lamang sina Maye at Lomi na nagpipigil ng tawang namasid.
Hinatak ko naman saglit si Mama at itinalikod. "Ma! Nakakahiya kay Adi! Ba't mo naman sinusungitan? Hindi bagay!" bulong ko sa ina.
Pinanliitan ako ng mata ng ina. "Aba, ciacia! Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa ng mga dinala mo noon ah!"
Napapikit naman ako at hinawakan ang pisngi ng ina. "Ma, marunong na ako kumilatis ng kaibigan! At promise! Mabait si Adi!"
Nagpatalo na rin naman si Mama ngunit hindi pa rin inaalis ang suot na pagtataray. Pumwesto na kami sa aming sofa'ng de kahoy at katapat ngayon si Adi na magalang at mabait na sinasagot ang mga pagsusungit ni Mama. I looked at Adi apologetically after that.
"Sorry kay Mama, Adi. Hindi naman talaga gano'n 'yon. Natrauma lang sa mga dinala ko rito dati" pagpapalubag-loob ko kay Adi na masaya lang na ngumiti at umiling na para bang wala lang sa kaniya iyon.
"No, it's fine! I understand" aniya na ikinanguso ko na sinulyapan si Lomi na sumulyap kay Adi at nang tumingin sa akin ay ngumisi.
Ikinwento ko naman kay Adi ang nangyari noon kaya ganoon umasal si Mama. Pati siya ay hindi natuwa sa inasal nila Kathleen at talagang nagpahayag pa ng disappointment sa nangyari.
Dumating si Mama na may dalang meryenda. Nakita ko kung paano pagmasdan ni Adi si Lomi na tumulong kay Mama na para bang nalulusaw siya sa pagkamangha. Nanatili si Mama at hindi pa rin nawawala ang pagsusungit nito ngunit nang makita na niya ang katangian na mayroon si Adi ay lumuwag-luwag na ito at talagang inalok na naman ang aking mga baby pictures!
"Ewan ko ba kung may ano sa mga lumang pictures ko at gustong-gustong pinapakita ni Mama sa lahat ng bisita" reklamo ko at napanguso.
Sumulyap ako kay Adi nang mahina itong tumawa. Si Lomi naman ay nagsalin ng juice sa baso ni Adi at nang-aasar akong tinignan. "Proof ng kapangitan mo" anito na ikinasinghap ko at napatayo.
Joke lang pala na namimiss kong kaasaran si Lomi! Talagang sa harap pa ni Adhara?!
Nakipag-away ako kay Lomi dahil sa patuloy na pang-aasar nito. Talagang ako pa ngayon ang trip niya ah?! Nakakahiya kay Adhara! Kitang-kita tuloy ang gaspang ng ugali ko dahil pinalabas niya!
Hindi na ako nakaapila sa paglalantad ng kabataan ko sa kanila. Kahit si Lomi at Maye na ilang beses nang nakita iyon ay talagang walang humpay sa pang-aasar sa akin dahil puro umiiyak ang mga iyon!
Pero nang makita ang lambot sa tingin at ngiti ni Mama kay Adi habang nagkwekwentuhan sila ay sumasabay na lamang ako sa kanila. Iba rin talaga ang karisma na mayroon si Adhara at hindi ko rin naalis ang tingin ko sa kaniya lalo na kapag tumatawa.
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomanceDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...
![Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]](https://img.wattpad.com/cover/252984925-64-k986396.jpg)