14

30 1 0
                                    

"Oh, sa'n ka pupunta? Nakadress ka pa?", Nanunuya ngunit nangingiting bati sa akin ni Mama nang lumabas ako sa kwarto.

Ngumuso ako at lumapit kay Mama. "Date namin ni Lomi!" Tili ko.

Nakita ko ang paglingon ni Papa mula sa pinto na paalis na. "Boyfriend mo na si Lomi?" Gulat na tanong ni Papa.

Inayos ko ang buhok at nagpacute ka papa. "Baka pag-uwi ko, Pa!" At bumungisngis ako.

Half-day lang kami ngayong araw dahil may meeting ang lahat ng teachers. Sakto naman dahil mas mahaba ang oras namin ni Lomi sa labas mamaya!

Nakasuot ako ngayon ng pastel yellow na puff sleeves na dress. Binili ko 'to sa sarili ko noong minsan kaming magmall nila Mama. Gandang-ganda kasi ako at talagang ginamit ko ang aking ipon para mabili 'to. At promise ko sa sarili ko na isusuot ko 'to sa espesyal na okasyon lamang.

At espesyal ang labas ko ngayon. First official date namin ni Lomi!

Nakastrappy sandals lang din ako na kulay puti na nakapagpabagay sa aking kulay. Ang liwanag kong tingnan! Sana naman makita ako lalo ni Lomi, 'di ba?

Inayos ko ang aking buhok na naka-half up at naglagay ng isang puting bow na may mahabang buntot. Naglagay lang din ako ng lipstick na kakulay lang din ng labi ko, kaunting blush, at kaunting mascara.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa sariling kagandahan. Sumagi na kaya sa isip ni Lomi na may kaclose siyang babae na ganito kaganda? Kung hindi ko lang best friend si Lomi, baka marami na akong manliligaw!

Kaso hindi ko kasi sila pinapayagan kasi ang bastos naman kay Lomi no'n! Siya itong gusto ko tapos mag-e-entertain ako ng iba?

"Ang ganda ko, Ma, noh?" Tanong ko sa Ina na nakangiting nakamasid sa akin.

"Para ka talagang si Luna" aniya at bumuntong-hininga.

Napatingin ako kay Mama at natawa. "Luna? Iyong pusa mo dati, Ma? Grabe ka naman!"

May pusa kasi si Mama dati na Luna ang pangalan. Kaso namatay na iyon noong bata pa ako. Matanda na raw e.

Nailing si Mama at natawa sa sarili. "Parehas kasi kayong puti! Mahilig din sa dilaw..."

Grabe nga si Mama. Inihalintulad ako sa pusa? Sabagay, cute naman din sila. Ako rin.

May dala lang din akong maliit na bag na puti kung saan naroon ang aking phone, lipstick at polbo, at ang tickets namin ni Lomi para sa sine.

Nagpahatid ako kay Papa sa tapat ng school dahil doon ako dadaanan ni Lomi. Hindi rin naman ako naghintay dahil sakto lang din ang pagdating ng sasakyan ni Lomi.

Dahil nasa kanang bahagi kaming daan, nakasakto na ako sa pintuan ng passenger seat.

"Kay Lomi ito? Marunong pala siyang magdrive?" Si Papa na nagulat sa dumating na sasakyan.

Namula naman agad ako sa isipan dahil mukha nga kaming magde-date ni Lomi. Akala ko may driver siya ngunit nang bumaba ang bintana ng passenger seat at nagpakita si Lomi na nakaitim na t-shirt ay napalunok agad ako.

Putangina. Si Lomi ang nagd-drive!

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Si Lomi naman ay ganoon din ang naging reaksyon ngunit mukhang sa ibang dahilan dahil kitang-kita ko ang bahagyang pagpula ng kaniyang tainga at pagbaba ng tingin sa akin.

"I-ikaw talaga magd-drive?" Gulat kong sabi dahil ngayon ko palang nakitang magd-drive si Lomi.

Ayoko pang mamatay!

Napakurap siya at kumunot ang noo. "Pasok na" aniya kaya naman nagpaalam na ako kay Papa at humalik sa pisngi nito. Nag-abot pa nga ng isang libo si Papa bago ako lumayo sa kaniya.

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon