Unang linggo ng klase ay ramdam ko nang nagsisimula na ang hirap.. Karamihan ng aming teachers lalo na sa mga major ay laging may quiz after discussion at may take home pa! Kaya tuloy kapag nagl-lunch kaming magkakaibigan ay nagsisimula nang mapuno ng reklamo sa mga subjects ang usapan namin. Tuwing recess naman ay halos hindi kami nagtatagpo nila Ivan dahil lagi raw nag-oovertime ang teacher nila.
"Ang dali kanina nito nu'ng tinuturo ah?!" naiiyak kong reklamo noong mag-uwian at inaya ko sina Maye dito sa amin para tapusin ang assignment. Si Lomi ay umuwi agad at papaturo raw siya kay Adi tapos si Lance naman, kokopya na lang daw kay Lomi.
Tamad pa rin mag-aral nang matino 'tong mga 'to.
"Napapagpalit mo kasi iyong h and k. Puro ka kasi reklamo agad" si Maye.
Napatango-tango naman ako at napagikgik nang makuha ang sagot na kaparehas ng kaniya! Nakakaenjoy din talaga mga solving na ganito kapag gets mo e!
Laging ganoon ang aming weekdays ni Maye. Minsan sa amin at minsan naman sa kanila pero lagi ko nang tinutulak si Maye na doon sa kanila gumawa para mas malapit lang din kina Euna kapag naisipan naming dumalaw sa kanila.
Inaya namin minsan sina Lomi at Lance pero isang beses lang nangyari iyon. Hindi raw nila uubusin ang oras na lokohin ang sarili na kaya nilang sagutan ang mga assignments! Hay nako na lang e!
Si Adi ay madalang namin makasama at tuwing may free time lamang. Iba rin kasi talaga ang hirap ng mga grade 12 dahil ang research daw nila ay experimental. Ang research kasi namin ngayon ay non-experimental at qualitative. Kila Adi raw ay quantitative pero sa second sem pa raw sila magpeperform ng experimentation.
Nakakabaliw din pala talaga iyon kahit discussion pa lang nagagawa samin! Next week nga ay deadline na rin ng pasahan ng top 3 topics namin para sa aming practical research at presentation na rin!
Mabuti na nga rin ay hindi namin kagrupo si Lomi at Lance. Jusko, ayaw namin ng pabigat! Magkaiba rin kasi ng field ang aming kinuhang topics kaya pasalamat na lang din at kami lang ni Maye ang nagkasama!
Weekends ay makakasama namin ang mga babae ng mga Alfanta. Ang madalas na bisitahin kami ni Maye sa senior high ay si Euna na maluwag ang schedule lalo na't 4th year na rin. Ang tanda na nga rin pala ni Euna sa amin pero hindi namin iyon pansin dahil kapag magkakasama kami ay kala mo lang din siya kaedaran namin!
"Akala ko magiging kaklase niyo si Clea. ABM kasi siya e. Sayang" si Euna noong puntahan niya kami kasama si Crane noong nagkasabay ang vacant namin na after lunch.
Si Crane ay tahimik lang sa tabi ni Euna habang nasa student's park kami ngayon. Kami ni Maye ay kapwa may hawak na mga papel dahil nagrereview kami para sa recitation mamaya.
Ang mga lalaki? Ayon, nakikipaglaro ng Call of Duty sa iba naming mga kaklase.
Nagkasulyapan kami ni Maye at ngumiti naman sa minungkahi ni Euna. "Nabanggit nga sa amin ng kaibigan naming nasa ABM din. Lagi raw nakakasagot sa mga recitations" kwento ko.
Euna smiled proudly. "Matalino si Clea! Mabait din iyon kaya sana maging kalapit niyo rin talaga" aniya at humilig kay Crane.
Nagpaalam na rin saglit si Euna sa amin para raw makapagreview na kami. Nangamusta lang daw siya dahil naging madalang nga ang aming pagkikita nitong mga nakaraan.
Bago naman sila makaalis, natigil si Crane sa paglalakad at tagilid ang ulong tumingin sa amin. "Si Lomi pala?"
Nalukot ang mukha ko. "Naglalaro. Mangongopya na lang daw siya"
Napailing naman si Crane na para bang hindi na iyon bago. "'Wag niyong pakopyahin nang madala"
Lagi naming tinatapos ni Maye ang mga assignments agad after class dahil gusto rin naming makapagpahinga kapag weekends na para hindi kami matambakan. Tsaka, lagi kasi kaming nagsasama-sama ng mga Alfanta kapag weekends kahit minsan ay kulang-kulang lalo na't may mga pangit ang schedule sa amin.
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomantikDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...
![Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]](https://img.wattpad.com/cover/252984925-64-k986396.jpg)