30

47 2 1
                                    

"Good morning" bati sa aking ni Lance noong sunduin niya ako ng umagang iyon para pumasok sa school.

Ngumiti ako sa kaibigan at bumati rin. Si Lance ang lagi kong kasabay pumasok kapag hindi si Maye. Tsaka, persistent si Lance sa ginagawa niya na kahit sa chat ay wala siyang nakakaligtaan.

Naging okay din na minsan nakapagdate kami after class kapag hindi masyado maraming gawain. Heto naman kasing si Lance, nakaabang lang sa akin! Hindi naman kasi siya tulad ko na kapag walang oras o maraming gawain ay hindi ako tutuloy. Siya kasi, basta pumayag ako ay tutuloy!

Lalo kong nakalapit ang mga babaeng Alfanta. Tuwing weekends kami nagkakasama-sama at hindi naman ako nagsasawa dahil ang dami nilang mga pakana! Iniinggit nga nila kami ni Maye madalas kapag hindi kami nakakapagsleep-over dahil hindi rin kami pinapayagan. Medyo strikto din kasi ang kuya ni Maye lalo na't siya ang kasama nito sa bahay at si Mama naman, napapagalitan ako minsan kasi hindi na kami nagkikita sa bahay!

"Abay, Cia, hindi na tayo nagkikita! Minsan, uuwi ka gabi na tapos kapag papasok ka ay hindi kita napapaghandaan ng umagahan!" si Mama noong banggitin kong magsasama-sama kami ng mga Alfanta at doon balak matulog.

Napanguso naman ako. "Nag-eenjoy lang kasama sila, Ma. Tsaka, lagi akong safe! Hatid-sundo ako"

Bumuntong hininga si Mama at hinagod ang buhok ko. "Naiintindihan naman kita, anak. Masaya ako kasi naeenjoy mo kabataan mo, pero syempre, namimiss ka rin namin! Hindi man kita napapaghanda ng umagahan kasi ang aga mo umaalis!"

Totoo rin naman iyon at hindi ko maitatanggi. 7:30 pa ang start ng klase namin pero 6 AM pa lang ay wala na ako sa bahay!

Ayoko naman na kasing gambalain pa ang umaga ni Mama para lang paglutuan ako ng umagahan dahil kaya ko naman! Pero dahil nagtampo si Mama ay pagbibigyan ko na ito sa gusto niyang kapag nagising ako ay gisingin ko na rin siya. Pero hindi pa rin siya pumayag sa sleepover!

"Maligo na kasi tayo! Ayaw naman ng iba" aya ko kina Maye at Lomi na lumangoy na sa pool nila Euna dahil kami lang ang may dalang pangligo.

Nalaman ko ang kwento nila Euna at Crane noong minsan kaming pumunta ni Maye sa college building. Inimbita kami ni Euna dahil may event daw sila. Vacant namin noong nagpunta kami kaya inaya na lang namin si Ria na gusto ring malibot sa school. Syempre, ang dalawang lalaki ay ayaw dahil tinatamad daw pero si Lance gusto kung hindi lang niya pinili si Lomi!

Nabanggit na sa akin ni Maye ang dahilan kung bakit madaling mahilo si Ria, maselan sa pagkain at paligid, at kailangang laging umuuwi agad para makapagpahinga. Buntis pala siya! Pero ayaw nilang ipaalam sa iba kaya kaming tatlo lang ang nakakaalam kaya naging dikit din kami ni Maye sa kaniya para maging safe siya.

"Maye! Leticia!" ang boses ni Euna ang nakakuha sa aming atensyon noong makapasok na kami sa plaza ng college campus. Nakakalito kasi rito sa college campus! Malawak nga kaso mas marami ang buildings at facilities kaya maraming sikot-sikot.

Nilibot kami ni Euna sa plaza kung saan naroon ang event nila. May business exhibit pala sila at iyon daw ang kalahati ng kanilang grado.

Kapag si Euna ang nagkwekwento tungkol sa pag-aaral niya, parang hindi man siya nahihirapan masyado. Para bang kayang-kaya niya ang kurso niya. Sabagay, matalino na talaga si Euna. Sina Alliana at Paige na kapwa college na rin ay hindi rin masyadong nagrereklamo. Nakakapagtaka nga e! Kami ni Maye na senior high pa lang puro reklamo pero sila na college, parang ang payapa.

"Bakit parang hindi kayo nahihirapan nila Paige sa pag-aaral? Hindi ko pa kayo narinig na magreklamo" kyuryoso kong tanong kay Euna noong maupo kami sa kanilang puwesto.

Euna chuckled as well as Crane. "Tahimik na lang naming iniinda iyong hirap" biro nito.

Si Crane ay napangisi na rin kay Euna. "Iyong oras namin sa pagrereklamo, uubusin na lang namin sa pag-aaral"

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon