"Bakit naman kasi may pa "I need space" ka pa? Gusto mo ba ng kalawakan?"
Isang impit na hiyaw ang napakawalan ko nang hampasin ako ni Ayessa. Inirapan niya ako bago dumukdok sa kaniyang mga tuhod habang kami'y nakahilata sa aming damuhan.
Binigyan ko ng mapang-uyam na tingin si Ayessa.
Ikinwento sa akin ni Ayessa ang nangyari sa kaniya ni Randell. Mukhang naninibago masyado si Ayessa sa pagiging komportable sa kaniya ni Randell to the point na hinaharot na siya nito.
Gets ko naman si Ayessa sa pagiging ganito niya. Hindi pa siya nakaranas nang ganitong relasyon sa ibang tao lalo na't aniya nga'y wala siyang alam o naggagabay sa kaniya sa mundo ng romansa.
Wala kasi talaga siyang kasama sa kaniyang apartment at kahit ang kaniyang buhay ay ayaw niyang ikwento.
Ayessa groaned, making me look at her again. Inangat niya ang ulo niya at tinignan ako nang masama.
"Bakit ba ang tanging kaibigan ko lang na mayroon ay ikaw? You have shitty advices" tamad niyang sabi.
Madrama akong napahawak sa dibdib. "Ay, nagrereklamo ka pa? Friendless ka na nga oh! Mag-iinarte ka pa sa'kin?" natatawa kong sabi.
Ngumiwi siya. "'Yan. You're the reason why I don't want friends."
Tumaas ang isa kong kilay at medyo naoffend.
Ang arte rin talaga nitong si Ayessa e. Mararamdaman mo na laki siya sa arte at talagang nabuhay na siya sa pagiging maarte. Hay nako.
Tumayo ako at kunwaring nagalit. "Ah gano'n. Sige" hinatak ko ang kaniyang kamay para maitayo siya. "Layas. Hindi ako ang may kailangan sa'yo. Ikaw ang may kailangan sa'kin"
She looked at me unbelievably and whined. "Joke lang naman oh! Nakakainis ka!" patuloy ang pagtirik ng mata niyang maarte at padabog na umupo sa duyan namin.
Nakangisi ko siyang sinundan ng tingin. Hay nako. Kung makapili kasi ng lalaki, iyong may experience pa! Hindi niya ako gayahin na inosenteng lalaki ang natitipuhan.
Umuwi rin naman si Ayessa lalo na't may klase kinabukasan. Syempre, dahil may pasok na, makikita ko na naman si Lomi my loves. At hindi niya ako binigo nang makita ko siya sa canteen noong magrecess ako dahil nagbabatak si Ayessa sa pagrereview sa isang recitation after ng aming recess time.
"Hi, my bff" bulong sabay kurot ko sa tagiliran ni Lomi nang makita ko siyang bumibili ng folder sa bilihan ng school materials.
Gulat pa siyang napalingon sa akin at kalauna'y kumalma rin naman.
"Para sa'n 'yan?" tanong ko habang nakasilip sa kaniyang balikat. Ang aking mga kamay ay nasa likod ko hawak ang dalawang chicken burger namin ni Ayessa.
"Reporting. Sa palaro namin" aniya at tinanggap ang iniabot na sukli sa kaniya ng tindera.
Napunta ang aking tingin sa kaniyang mukha at bumungad sa akin ang maliit na peklat sa gilid ng kaniyang kilay. Tuwing tinitignan ko si Lomi, laging iyon ang kumukuha ng aking atensyon. Ang kinis naman kasi ng mukha ni Lomi at iyon lang ang nakikita kong flaw sa kaniyang mukha.
Hinarap na niya ako kaya naman tinigilan ko na ang aking paninitig at nginitian siya. Kita ko ang bahagyang pamumula ng kaniyang pisngi bago siya magsalita.
"Hindi ba't English niyo after recess? May recit do'n ah" si Lomi na lumibot ang mata sa akin at napunta sa kamay kong nasa likod. "'Nu'yan?" he asked.
Napatingin naman ako do'n at inangat. "Sa'min ni Maye"
Pabiro siyang umirap. "Ah kaya. Nagrereview si Maye noh?"
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomanceDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...
![Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]](https://img.wattpad.com/cover/252984925-64-k986396.jpg)