47

114 1 0
                                        

Nagtungo na rin kami sa dagat nang mag-aya na maligo ang powerpuff girls. Dahil nga dala ni Ashy ang kaniyang camera, kinuha muna namin siya kina Annie para makapagpapicture sa kaniya.

"Ang ganda, ate Paige" si Ashy noong matapos niyang picturan si Paige. Nakakatuwa dahil magaling kumuha ng litrato si Ashy! Kahit na sinabi niyang nagwowork shop talaga siya, nakakamangha pa rin dahil hasang-hasa na siya sa kaniyang edad.

"Ashy, ayaw niyo magtandem ni Lomi?" si Maye na nakamasid kay Ashy na kinukuhanan ng litrato si Alliana sa sand.

Tahimik na umiling si Ashy. "Ayoko ng maingay. Minsan na kaming nagkasama ni Lomi sa workshop. Dinaldal niya lang ako"

Natawa ang mga babae. Kinagat ko naman ang labi habang pinagmamasdan si Ashy na seryosong-seryoso sa ginagawa niya.

"Kailan 'yon? Anong dinadaldal ni Lomi?" si Euna na natutuwa sa kwento ng kaniyang pinsan.

Ashy licked her lips and glanced at me for a second. "Last summer. Puro si... ate Leticia ang dinadaldal niya"

Sa sinabi ni Ashy, sa akin nagsilingon ang ulo ng mga babae. Nang-asar agad. Hindi ko alam kung magugulat ba ako sa nalaman o... hindi na lang iyon ibibig deal dahil ganoon naman talaga si Lomi. Lagi niya naman akong dinadaldal sa lahat.

Pero hindi ko maiwasang mamula, hindi kay Lomi kundi dahil sa kung ano man ang naibida niya kay Ashy para mangitian ako nito.

"Ikaw naman, Ate" tawag ni Ashy kaya pinalitan ko na si Alliana at sinamaan ng tingin ang mga babaeng naghahagikgikan na at nagbubulungan.

Sinusunod ko lang ang mga tinuturo ni Ashy sa akin na anggulo pati na rin ang mga pose na pinapagawa ng mga babae. Nasiyahan naman ako lalo na noong makita ang mga kuha ni Ashy. Magaling talaga siya lalo na't walang ni isang pangit ang pagkakakuha.

Dumating na rin sila Adi at Larry. Malawak lamang ang ngisi kong nakatanaw sa dalawang nagngingisihan na at nagyayakapan sa tubig. Iba rin ang ligalig ng kanilang mga mata. Kapag mapapansin kong magkakatitigan ang dalawa, para bang parehas na silang payapa sa piling ng isa't isa.

Mapait akong napangiti sa sarili. Nainggit na naman ako kay Adi kasi kaya niyang isugal ulit ang sarili kay Larry kahit na... nagdusa siya sa pagmamahal nito.

Buti pa siya, hindi duwag.

Walang oras na hindi naging tahimik ang paligid dahil sa ingay naming magkakasama. Kung kaming mga babae lang sana ay balak lang magmasid masid sa paligid at magpicture kaso nang magsimula nang manghatak ang mga lalaki sa kanilang mga kalokohan, nagmukha kaming mga mas bata pa kina Annie para magtampisaw.

Pinalobohan na kasi namin ang mga inflatable at ang mga bwisit na mga lalaki, inaagaw sa amin! Kung hindi kami dadalhin sa malalim at itutuwad ay papasingawan naman!

"Nate, I will fucking squeeze your balls!" banta ni Paige nang makita na naman si Clane na nagbabantang itutuwad ang aming sinasakyang dalawa.

Biglang may nambasa sa amin, sanhi para mapatili kami ni Paige. Sinangga ko ang nambabasa at nang makitang si Lomi at Randell iyon na may hawak nang watergun ay sumimangot ako at nagtago kay Paige.

Sabay-sabay kaming napatiling mga babae nang magtagumpay na naman ang mga lalaki na ituwad kami at agawin ang inflatables. Sa pagod ay nanlalata akong tumungo sa dalampasigan at humilata.

Sumunod si Adi sa akin na nakangising tinabihan ako. Nilagyan niya ng sand ang aking tiyan na lantad na lantad sa kaniya.

"Nakakapagod makasama ang mga 'to, noh?" Adi giggled.

Napanguso ako at pinagmasdan ang mga lalaki malalaki na ang tawa. Kahit sina Kuya Gab na nasa sun lounger pa rin ay malakas na ang hagalpak.

Tumango ako kay Adi at bumuntong hininga. "Pero masaya naman" ngisi ko rito.

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon