"Naglalaba kami ni Mama! Mamaya ka na!" pilit kong taboy kay Lomi nang dumating naman siya sa amin nang sobrang aga! Alas sais pa lang ay nanggugulo na!
Wala ba talaga 'tong magawa sa buhay? O sa kanila? Ang dami niyang pinsan, ba't 'di na lang sila ang guluhin niya!
Tinulak ni Lomi ang aking noo at dire-direstong tumungo sa likod ng bahay. "E 'di sasali ako!"
Kinurot ko si Lomi sa likod at napaarko naman ito. "Hindi namin kailangan ng maglalaro, Lomi!"
Nakarating kami sa likod at may apat na batsa na may tubig at mga damit na. May washing machine naman kami kaso si Mama kasi, medyo maselan sa paglalaba. Gusto niya malinis talaga at talagang tatlong banlaw pa ang ginagawa namin. Gusto na nga rin ni Papa na magpalaba na lang dahil kaya naman kaso si Mama, wala naman daw siyang ginagawa sa bahay kaya kami na lang!
"Oh, Lomi, ang aga mo yata?" si Mama na napansin na si Lomi at nagmano ito sa kaniya.
Nakangisi lang si Lomi at umupo sa bangkito na inuupuan ko kanina. "Tutulong po ako, Tita"
Mama looked at him endearingly. Kinurot pa ang pisngi nito at sinimulan nang turuan si Lomi sa pagkukusot at pagbabanlaw. Dahil nawiwili naman si Lomi, kinuha ko ang phone ko na bintana namin at nagpahinga muna sa paglalaba. E gusto naman ni Lomi e 'di ayan! Siya na ang gumawa!
"Aba, cia-cia! Anong oras tayo matatapos kung tatambay ka lang d'yan!" si Mama na binasa pa ako.
Lomi snickered. Hawak ang isang damit ay nilulublob niya iyon sa tubig at papalipitin. "Kaya nga, tita. Inuuna iyong manliligaw niya kaysa tumulong sa'yo. Wala talagang kwentang anak" asar ni Lomi at mayabang pa akong sinulyapan na ikinasinghap ko.
Aba, talagang naging wala pa akong kwenta?!
Akma kong hihilahin ang ulo ni Lomi nang bigla niyang igalaw ang hose na nasa batsa, sanhi para mabasa ang aking hita!
Lomi looked at me innocently na para bang hindi niya sinadya! "Ay sorry... sadya" ngisi niya na ikinasimangot ko at lumayo sa kaniya. Ako na ang nag-abala sa huling banlaw at nilagay sa fabric conditioner.
Napakapang-agaw din talaga ni Lomi ng nanay! Sila pa ngayon ni Mama ang nagkwekwentuhan at kapwa nag-eenjoy pa sa ginagawa! Pasalamat na lang din siguro kay Lomi dahil may naiambag na siyang mabuti sa pamamahay namin. Lagi pa naman siyang pinapakin ni Mama kaya nauubos ang stock namin!
Pinagpahinga na kami ni Mama noong magd-dryer na lamang siya at kami raw ang magsasampay mamaya. Pagod naman akong humilata sa aming sofa'ng de kahoy at sinulyapan si Lomi na humilata rin sa isa.
Nahuli niya ang tingin ko at nakangising pinakita sa akin ang kamay na kulubot ang namumula. "Gano'n pala maglaba. Iyong nasubukan ko pa lang kasi iyong nasa condo ni Kuya Shan na lalagay mo lang tas paglabas e tuyo na rin"
Napairap ako sa minungkahi ni Lomi. Mayayaman nga naman!
"Dapat alam mo rin kung paano magmano-mano. Tsaka, iyong mga gano'n, hindi nalilinis nang mabuti ang mga damit!"
Lomi chuckled like a child and let out a long sigh. Para bang siya pa ang mas napagod kay Mama. Napansin ko naman na halos maligo pala siya sa basa. Ang damit na itim at gray na sweatpants ay nakapakat sa kaniyang balat kaya napatayo ako at hinatak siya patayo. Hawak ko ang braso niya.
"Magbihis ka. Para kang batang naglaro ng tubig" sabi ko rito na sumunod naman agad at hinayaan akong dalhin siya sa aiking kwarto.
Iniwan ko siya sa roon at nagtungo sa aking cabinet para kumuha ng damit at isang jogging pants. Malaki naman iyon kaya kasya sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomanceDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...
![Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]](https://img.wattpad.com/cover/252984925-64-k986396.jpg)