Naiwan sa ere ang kamay kong hawak ang hoodie ni Lomi habang pinagmamasdan itong magmaniobra palayo.
Nakasumpong na naman kaya 'yon?
Hindi ko naman na inistress pa ang sarili ko dahil literal na napagod ako sa kanilang magpipinsan kahapon kaya nanatili na lang ako sa bahay maghapon at natulog. Nagising na lamang ako noong hapon na at nagulat pa sila Mama nang makita akong lumabas ng kwarto.
"Akala ko ba 3 days kayo ro'n, 'Nak?" si Mama nang maabutan ko itong humihigop ng kape sa harap ng bahay.
Hiningi ko naman ang kaniyang iniinom at nakihigop na rin. "May naging emergency, Ma"
Pumasok ulit ako sa kwarto para kunin sana ang phone ko nang makita ang ilang mensahe roon ni Lance.
Lance:
Maye's online
Nagparamdam na rin ang prinsesa!
hbu? lumalangoy pa kayo?
Napansin ko rin na umingay nga rin ang gc namin kaya naman tinignan ko iyon at binasa ang mga napag-usapan.
Hagornatics
idol ivan:
how are you, @maye
maye:
sorry hindi ako nakapagsabi sa inyo. biglaan akong inuwi nila kuya e hahahah
heid ang totoong pogi:
maye!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
maye:
heid!!! hahahaha
lance pogi:
maye wag mo naman kasi kaming imute
maye:
huy hindi ah! naging busy lang with family recently :)
Nag-iwan naman ako ng mensahe sa mga kaibigan para ipaalalang magkakaibigan pa kami!
me:
@everyone! vc tayo later pls pls pls
Nakita kong nagseen si Lance kaya naman binalikan ko na ang mensahe nito
Me:
nakauwi na kami. may naging emergency kila lomi kaya hindi natuloy ang 3 days :((
Lance:
oh? can I go to your house?
Me:
bakit na naman!
Lance:
im free. let's date
Napatayo agad ako at nagtungo sa aking cabinet. Naghanap na agad ng damit na pwedeng isuot sa aming paglabas ni Lance. Nang makita ang isang pink na ribbon dress ay inilabas ko na agad iyon at hinanapan ng pares na strappy sandals.
Ang dami ko kayang nakatabing magagandang dress para pangdate! Kaya ngayong may nag-aaya sa akin ay susulit-sulitin ko talaga ang magpaganda lalo!
Dumating si Lance at sa paraan ng paninitig niya sa akin, hindi ko alam kung anong nasa isip niya! Nakangisi kasi siya tapos iyong mata niya e iba pinapahiwatig!
Pero nang magsalita naman ito ay natigil ang mga masamang hinala ko na pinalitan lamang ng pamumula ng pisngi.
"Gumaganda ka pala lalo kapag may date. I'll take note of that"
Humagikgik ako sa kaibigan. "S'yempre, noh! Kailangan lagi akong maayos kapag lumalabas." yabang ko rito at siya nama'y nagsimula nang magmaneho.
Pinag-usapan lang namin ni Lance ang naging get-away ni Lomi na hindi natuloy nang 3 days dahil sa nangyari. Ikinwento ko ang mga ingay, ang kaguluhan, at ang pagkastress ko kina Lomi and cousins!
"Akala ko si Lomi na ang worst Alfanta na nakilala ko. May dalawa pa pala!" kwento ko habang inaalala ang pagdudusang naranasan ko sa mga kamay ng mga Alfanta.
Lance hummed. "Kaya nga baby namin si Lomi noon palang. He may look like the most quiet among us pero kapag nabuhayan na ang pagiging loko-loko, he'll tire the hell out of us"
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomansDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...
![Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]](https://img.wattpad.com/cover/252984925-64-k986396.jpg)