Hinarang agad ako ng mga babae dahil sa nakita nila kanina. Nauna kasing lumabas si Lomi e ang sabi ni Maye ay dapat daw ay magkasama kami!
"Hindi ko alam sa inyo! Bakit lasing ako nu'ng nagising..." reklamo ko. Hilo pa rin ako dahil hindi naman ako sanay nang umiinom! Kapag nalasing ako, wala na akong naaalala sa mga pinaggagawa ko.
"That's was part of the plan" Euna smiled at me at halos makalaimutan kong kahit malaanghel ang ugali nito ay kapag kasama ang mga babae ay nagkakasungay rin ito.
Nanliit ang mata ko. "Na lasingin ako?!"
They giggled. Adi hugged me by my side. "So you can talk your heart out! Sabi kasi ni Maye, kapag lasing ka, nagiging honest ka at nalalabas mo ang mga tinatanggi mo lagi!"
Nanlalaki ang mata kong tinignan si Maye na nakapeace sign na sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa napagtanto.
Nagising ako na kasama si Lomi sa kwarto. Paniguradong... naabutan niyang lasing ako! At panigurado ring... kung ano-ano ang nasabi ko!
Pinagmamasdan ko lang si Lomi sa buong naging pagsasama namin ngayong birthday niya. He looks... happy with us. Nakakatuwa rin dahil nga kumpleto kami lalo na't narito si Kuya Gab na hindi na nakapangtrabaho.
Naglabas na rin ng alak sila Paige bilang tanda na pwede na si Lomi sa ganoong bagay. With the alcohol being mentioned, wala pang ilang minuto ay kung ano-ano nang kalokohan ang ginagawa ng mga lalaki.
They were chaotic--ang bagay na hindi na bago kapag nagkakasama-sama kami. Si Kuya Gab na ginagago na si Crane at Larry na nagsasayaw sa damuhan. Sumali si Randell na tinulak ni Maye, hanggang sa lahat sila ay nagkakalabugan na habang sumasayaw. Kaming mga babae ang naiwang tumatawa at nagc-cheer sa kanila.
Hindi ako tumanggap ng alak na binibigay nila dahil hilo ng ako! Ang dami ko yatang nainom kanina at pakiramdam ko, magsusuka na ako kung tatanggap pa ulit ako.
Pinilit sa akin ni Paige ang cup na red na may lamang matapang na alak. "3 cans lang ang ininom mo. Wala ngang tama 'yon"
"Mahina nga ako!" sabi ko na inirapan lang niya at nagsimula na ulit ang kaguluhan.
Some people started to make out. At syempre, si Paige at Clane iyon. Sumunod sina Euna and Crane, sina Adi at Larry, at si Maye at Randell na halos makipaggyera pa kay Kuya Gab.
"Minor ka pa!" asar nila kay Maye na nakikipag-away na kay Kuya Gab na akala mo'y magkapatid lang.
Hindi ko magawang makatawa dahil ang nasa gilid kong si Lomi ay malakas nang humahalakhak sa nakikita. Napansin siya ni Kuya Gab na tipsy na at kanina pa hawak ang kaniyang tsinelas.
Pumagitna siya sa amin ni Lomi nang makita kami. Namumula ako sa sobrang hiya at kaba. Kuya Gab started recording everyone's mess.
Halos hindi ko na rin nasundan ang naging halikan ni Alliana at Art na nagpawala ng lasing ng lahat. Lumilipad ang isip ko kay Lomi na hindi naman kalayuan sa akin. Sinubukan kong sumulyap kay Lomi at lalo akong nahiya nang sakto ring sumulyap siya sa akin.
Umalis si Alliana. At maya-maya lang ay nakikita ko nang nagsisipasukan sa loob ng bahay ang lahat isa-isa, hanggang sa maiwan kaming dalawa ni Lomi sa aming mga upuan. Sa bawat pagkawala ng tao, lumalala ang pagkabog ng dibdib ko.
It's midnight. Malalim na ang gabi at sumisilip na rin ang mga bituin sa mga hibla ng ulap na tumatakip sa kadiliman nito. Walang buwan kaya tanging ang liwanag sa mga pailaw sa paligid namin ang nagsilbing ilaw para makita ko ang paligid.
Lomi shifted on his seat. Halos mapatalon ako sa gulat dahil doon. Pasimple ko siyang sinilip at nakitang nakahilig siya patigild sa upuan. Pinipigilan niyang bumagsak ang kaniyang ulo sa sobrang pagkalasing. Muntik pa siyang mutuwad dahil napasobra siya at kung hindi ko lang siya hinawakan ay babagsak siya sa damuhan.
![](https://img.wattpad.com/cover/252984925-288-k986396.jpg)
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomansaDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...