46

56 1 0
                                    

Dahil tapos na ang graduation ni Adi, ang graduation naman nila Crane at Euna ang napag-usapan. Kahit na sobrang ingay ngayong umaga, ninanamnam ko na lamang ito dahil ilang buwan din kaming hindi nagkasama-sama nang ganito kaingay. Lalo na ngayong gustong-gusto kami makasama ni Adi para na rin sa pagpapadali ng kaniyang recovery. 

May isang wala sa amin at iyon ay si Larry. Hindi naman ako nagtaka dahil na iyon sa nangyari pero ang sabi pala nila Paige ay nagpunta raw ito ng Baguio para bumili ng strawberries... para kay Adi.

Kaya hindi ko rin maitago ang madalas na pasulyap kay Adi nang hindi nagpipigil ng ngiti dahil sa kilig na nararamdaman para sa kaibigan. 

Sa lahat ng pagdurusa ng dalawa, deserve nila na malaman ang katotohanan sa isa't isa. Kung magmahalan man ulit, suportado kami dahil... sila naman iyon e. Kung gusto ng puso nila na magkasama, kahit pa sa kabila ng sakitan na nangyari, sila na ang makakaalam noon. Kung subukan man ulit, tadhana na ang bahala sa kanila. 

Naisip ko na rin iyon para sa sarili e. Pero mukhang wala namang balak ang tadhana para sa akin at kay... Lomi. Baka nga hindi talaga kaming dalawa ang para sa isa't isa. 

Ayaw na rin kasi talaga ng puso ko e. Kahit hindi ko pagtuonan ng pansin, hindi pa rin naghihilom ang sugat na natamo ko kay Lomi. 

Kung si Adi ay gusto pang sumugal kay Larry, dahil siguro kaya pa niya. 

E ako, hindi ko rin yata gustong sumugal pa kay Lomi. Nakakatakot, sa totoo lang. 

Nagplano ang mga Alfanta na magkaroon kami ng graduation get-away slash vacation na rin for 5 days. Sinagad na nila ng 5 days ngayon dahil last year kasi, hindi sila nakapagbakasyon dahil sa kabi-kabilang problema sa kanilang pamilya. 

"We need new bikinis!" deklara ni Adi na ikinasang-ayon agad naming mga babae at kapwa excited na magsibili. Iisa lang din kasi ang pares ko ng two piece at 'yung kulay blue pa iyon na regalo sa akin ni Kyro last year!

"Buckle up, everyone" si Paige na biglang pinabilis ang takbo ng sasakyan at nagawa pang magovertake sa mga nasa sasakyan! 

Minsan nawawala sa isip ko na kapag kaming mga babae ang mga nagkakasama-sama, nagiging kulto nga kami sa mga kalokohan namin. Tinatanggi pa namin noon na matitino kami kapag magkakasama pero kapag may umabiryang kalokohan sa isa sa amin ay talagang mangyayari at mangyayari iyon. 

Kaya ngayon ay iniinda namin ang init sa labas ng parking lot habang rumaratrat si Kuya Gab sa ginawa ni Paige. Nagpipigil ako ng tawa kasama si Adi dahil mukha kaming mga batang napagalitan! 

Matapos ang halos isang taon yatang panenermon ni Kuya Gab ay pumasok na kami sa mall. Diretso-diretso sa pamilyar na beach necessities store ni Ate Luna. Ngayong alam ko nang siya ang may ari nito, hindi ko talaga maiwasang mamangha at purihin ang kaniyang angking kasipagan at katatagan para makapagpundar ng sarili niyang business. 

Maraming mga bikinis ang naroon at napagpasyahan naming mga babae na magkaroon ng iisang disenyo para magkakamukha kami. Syempre, hindi rin kami natatahimik dahil nakabuntot ang mga Alfanta sa bawat babae nila at nakikisali sa pagpili ng mga bikinis para sa mga babae nila. 

Buti na lang, ang Alfanta na nakasunod nang nakasunod sa akin ay tahimik lang. Nakapili ng ako ng limang bikinis dahil sabi nila ay lima raw ang bilhin namin para sa limang araw! Hindi naman ako umapila dahil gusto ko rin iyon at natutuwa dahil gandang-ganda sila sa mga bikinis na naroon. Kahit ang mga cover-ups ay halos bilhin na rin nilang lahat.

Gawa ng nanay ko 'yan.

Noong magbabayad na at ako ang nauna, bigla silang nagkantyawan nang ilabas ko ang aking card. 

Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon