"Sasali raw ng color fun run si Adi. Magsabay-sabay na tayong apat na pumunta" si Lomi noong matapos ang klase sa KomPan dahil hindi na siya pinapasok kanina ni Sir.
Nag-usap kaming tatlo nila Lance kung paano kami makakapunta sa starting point ng fun run. Sa kabilang barangay iyon na nagdudugtong dito sa sa school. Bale ang magiging daan namin papuntang school ay ang gate sa dulo ng field namin kung saan malayo na sa kabayanan.
"May driver sila Adi. Sa kaniya na tayo sumabay" Si Lomi na ikinasang-ayon ko na lamang. Si Lance naman ay bahala na raw siyang makapunta. Baka raw sumabay siya sa babae niya o kung sino man iyong tinutukoy niyang nasa kabilang strand.
Tuwing natatapos ang klase, parang kabuting nawawala si Lomi tapos makikita na lang namin kapag hinihintay namin si Adi sa pavillion ay kasama na niya ito. Akala mo naman mawawala si Adi kapag hindi niya masusundo e magkakasama rin naman kami pagkatapos!
"Naubos na 'yung lotion ko! Hindi pa ulit ako nakakabili kasi nabusy nitong nakaraan." reklamo ko kay Adi noong hatakin ko siya agad kay Lomi na sinimangutan ako tsaka umupo sa tabi ni Maye.
Adi caressed my arm and grinned at me. "How about the scrub? Always use it after showering ah!" si Adi na ikinangisi ko rin at napag-usapan ang aming ginagamit sa katawan.
Malinis naman ako maligo pero hindi kasing arte at dami ng ginagamit tulad ng kay Adi. Kung hindi pa nga niya ako niregaluhan noon ay hindi ko mararanasan na may ikalilinis pa pala ang katawan ko!
"We also smell like each other oh"
Totoo iyon dahil hindi na rin ako nagpapabango kapag ginagamit ko ang lotion ko. Mabango na kasi talaga! Amoy kaming peach apricot at kapag inaamoy ko ang sarili, gusto ko na ring kagatin ang aking balat.
"Gaya-gaya naman kasi talaga si Leticia kay Adi" singit ni Lomi na ikinasama ng tingin ko rito.
Adi called him and Lomi immediately looked at her. "Just appreciate Leticia, Lomi! Bahala ka kapag dinumog siya lalo ng mga admirers niya" ngisi ni Adi na ikinasulyap lang sa akin ni Lomi at inirapan ako.
Aba! Tignan natin kung makakaiyak ka pa sa'kin once na inentertain ko ang mga nagc-crush sa akin!
Ako ang laging nalalapitan ng mga ibang lalaki sa ibang section at strands. Ang iba'y crush daw ako at ang iba naman ay si Maye! Hindi kasi talaga namamansin ng ibang lalaki si Maye. Masyadong loyal kay Randell!
E ako naman itong single pero nakay Lomi ang puso, tanging pagtanggap lamang ng mga binibigay nila sa akin ang kaya kong ibigay na atensyon.
May mga gwapo! Pero wala naman kasing palag kay Lomi! Si Lomi kasi kahit anong gawin, makukuha niya ang atensyon ko. O dahil kasi, nakaprogram na ang utak at puso ko sa kaniya.
Kapag talaga nagawa kong paaminin si Lomi sa akin nang hindi lasing, game over 'tong pang-aasar sa akin ng mga pinsan niya!
Tuwing may nagbibigay sa amin ng bulaklak or chocolates, binubugaw lang kami nina Lance, Ivan, at Heidian pwera kay Lomi na laging simangot kapag nakikita niyang namumula ako.
"Kinilig ka na no'n? Goya lang 'yan" si Lomi noong silipin niya ang chocolate at bulaklak na binigay sa akin ng isang HUMSS.
Nginiwian ko si Lomi. "Appreciative kasi ako! 'Wag ka nga" tulak ko sa kaniya at hindi naman siya nagpatinag at nanatili lang sa aking gilid. Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang paghawak niya sa buhok ko.
"Tsk, gaya ba nagpapaganda ka para lalo kang dumugin ng admirers mo..." he muttered and playfully pulled my hair.
Tumingala ako kay Lomi at nakitang nakayuko ito sa akin. Ganitong posisyon ang laging nangyayari sa amin ni Lomi kapag paglalaruan niya ang buhok ko. Tuwang-tuwa siya sa lambot ng buhok ko.
BINABASA MO ANG
Tilted Rays of Sunshine (AS#6) [completed]
RomantizmDecember 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone a...